read.cash Log in
@yssai1417

Good evening everyone.. SKL meron kase akong isang malungkot na story (sorry na agad) tomorrow is Nov 14, my birthday..happy birthday to me🎉..pero ang totoo po it is not really a happy birthday😔 kung yung iba excited,ako po ay hindi,bakit? kase madadagdagan na naman ang edad? hehehe aside from that there is a deep reason. dahil Nov 15 is the death Anniversary of my "Inay" exactly 8years, so ayun ang reason kung bakit laging may pain, kase every year na dumarating yung birthday ko it always reminds me na bukas naman yung araw na nawalan ako ng Nanay..bumabalik lahat ng ala ala ng araw na yun,specially noong birthday Nov 14, 2014 nagluto ako ng sopas para makakain si nanay,though hirap na sya makakain dahil sa sakit nya (kidney) sinusubuan ko sya that night doon din kami natulog ewan ko ba nung araw na iyong gusto kasama ko sya kase nga birthday ko, then kinabukasan pag gising ko Nov 15, sabi nya sa akin may naglako ng pansit bumili ako tatlo tig iisa kayong tatlong magkakapatid, sabi ko sa sarili ko, si nanay talaga kahit may sakit kami parin ang inaalala, actually naka upo nalang sya that time at dina nkakalakad at nkakatayo, kaya ako rin ang nag aasikaso sa paglilinis sa kanya pag wla ako pasok at after work,then gusto nya sinusubuan ko sya at hinihilot ang ibang part ng katawan na masakit😔 and Nov 15 pag uwi ko galing work, hindi ko muna sya pinuntahan kase iniisip ko nung araw na yun sana hindi totoo na may sakit sya,humiga muna ako at umidlip iniisip ko noon sana panaginip lang ang lahat na may sakit sya, pero maya maya lang kumatok sa kwarto ang kapatid ko,punthan ko daw si nanay, sa boses palang nya alam ko na, magkatabi lang ang bahay namin,at pagpasok ko sa loob ng bahay ni Inay nakapikit lang sya naghahabol ng hininga, pinipilit ko syang gisingin,pero unti unti ng nawalang sya ng hininga at pulso,may luha sa gilid ng mga mata nya, hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko alam kong masaya na sya sa piling ni lord, pero ako bilang isang anak pakiramdam ko hindi na gumaling yung sakit na nararamdmaan ko,pero alam ko din naman in time magiging ok din matagal lang siguro,tanggap ko naman,yun nga lang ganun siguro talaga pag maraming regrets na sana nagawa ko para sa kanya. hays ano ba yan ang luha bumaha na naman,sensya na guys..good night po and salamat

15 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.