Ulcer

0 9
Avatar for yengjavier
4 years ago

Mula nung high school pa ko alaga ko na tong sakit na to, at Ngayun may edad nako, Hindi pa rin niya ko iniiwan.

Maraming beses ko na din itong naitaboy, pero bumabalik at bumabalik parang garter... pag hinaltak mo ng palayo bigla ding babalik sa iyo.

Ok Lang Sana Kung Yung Asawa ko Ang babalik eh, kaso Yung Ulcer ko na matagal ko nang alaga.

Nakuha ko kase ito noong highschool ako, napakahilig Kong magpalipas ng gutom, kadalasan nag I stork na candy Lang ako pag nagugutom, akala ko kase nakakabusog Yun eh.

Pero nung humataw na tong si Ulcer, Doon ko napagtanto na napakasama pala ng ginagawa Kong pagpapalipas ng gutom

Dalawang linggong pabalik balik Ang lagnat ko noon, at sumasakit Yung bandang gitna ng tiyan ko. Parang may naka kalang na malaking bato.

Nang patignan ako ng nanay ko sa mangagamot... Ayon na detek na nga. May gasgas na daw Ang bituka ko.

Kayat binigyan ako ng gamot na kailangan ko inumin ng isang linggo. Dumating Naman Yung oras na gumaling ako.

Pero pag naulit Ang Aking pagpapalipas ng gutom, bigla din siyang bumabalik.

Minsan kase pag natatamad ako bumangon sa Gabi kahit gutom ako natutulog ako. Minsan sa umaga nalilipasan din ako sa tagal ko bago kumain.

Ewan ko ba sa sarili ko. Sadyang may katigasan Ang ulo ko e.

One time, nito lang 2018, nakausap ko Yung kapatid ng bestfriend ko. Pinayuhan niya ko na magkain ako ng karots, kase maigi daw ito sa Ulcer.

Kaya inaraw araw ko Ang pagkain nito. Binabalatan ko to at nginangata ko lang.

Alam niyo bang Ang ganda ng resulta. Umige talaga ang pakiramdam ko at nawala na Yung palaging pagkagutom at pagsakit kapag nabubusog.

Matagal tagal ding Hindi ito sumumpong.

At Kapag nakakaramdam kase ako. Inuunahan ko na ng pagkain NG karots.

Pero ngayon, may tatlong araw na, mukhang binabalikan na Naman ako nitong alaga Kong sakit.

Parang bloated na Naman Ang tiyan ko at sumasakit sakit na. Kaso d pako nakakabili ng Karots.

Kaya baka bukas sumaglit ako sa tindahan ng gulay para makakain uli ng Karots.

Kung may ganito din kayong karamdaman pwede niyong subukan Ang Karots.

Isa Lang kada araw ayus na iyon. Mga 1 week mo gawin. Tanggal ang ulcer mo.

Pero Hindi porke nakain ka ng karots e,sisigehan mo Naman ng kain ng mga bawal sa may Ulcer.

Iwasan mo muna din Ang pagkain ng mamantika maasim, maanghang at mga inuming tulad ng Softdrinks at kape. At wag ka na din magpalipas ng gutom.

Kung iiwasan mo Ang mga pagkaing yan, mas mabilis magagamot ng Karots Ang ulcer mo.

Subukan mo na at ng mawala na ang Ulcer mo.

3
$ 0.00
Avatar for yengjavier
4 years ago

Comments