Turmeric Powder

0 2
Avatar for yengjavier
4 years ago

Gusto ko lang ibahagi sa inyo Kung Anu Ang iniinom ko sa umaga.

Imbes na kape, chocolate drink o tsaa, Ang pangunahin Kong iniinum ay Ang turmeric powder.

Alam niyo Kung bakit? Dahil ito ay pangunahing panlaban sa maraming sakit, dahil sa mga taglay nitong substance na likas na nakagagamot sa karamdaman.

Bago ako nakainum nito ay nakakaranas na ako ng mga pananakit ng binti, tuhod braso at mga kamay.

Senyales ng isang taong umeedad na.

Una ay sinubukan ko Ang Celery, at umepekto Naman ito sa pananakit ng mga binti at tuhod ko. Nakatulong siya, pero dahil minsan nahihirapan ako makakuha ng celery sa palengke, kaya naghanap ako ng Ibang alternatibo.

Doon ko sinubukan Ang turmeric powder. Pero dati nilalagyan ko siya ng honey. Subalit ng naubusan, sinubukan ko siyang lagyan ng powder milk at salabat powder.

Wow, mas naging malasa at makabuluhang sila pag pinagsama sama.

Kaya Mula noon Hindi nako nakakaranas ng pananakit ng mga tuhod, kamay at braso.

At Alam niyo ba Kung anung klaseng turmeric Ang gamit ko? Yun Lang Yung nabibili sa Waltermart na may tatak na sm bonus sa plastic, pangsahog sa mga lutuin, nagkakahalaga Lang siya ng 19 pesos, pero matagal mo na siyang magagamit.

Kase sa isang baso o tasa ng tubig na mainit. 1/4 Lang sa kutsarita Ang ilalagay mo, wag kalahati. Kase masyadong matapang. Kaya nga napakatipid niyang gamitin. Pero talagang epektibo sa akin. Hindi ko na nararanasan Ang rayuma at athritis.

Parang Bata na uli ako. Pero Hindi ko na ito inalis sa almusal ko. Palaging kasama ko na ito sa umaga pag kakain ako.

Minsan ko na nasubukan na Hindi nakainom ng dalawang araw, naku nakaramdam na Naman ako ng kakaiba.

Kaya dun sa mga may problema sa rayuma athritis, O gout, Subukan niyo na ito para sa ikaiigi ng katawan ninyo... Masarap Naman siya, at Kung may honey kayo mas masarap siya inumin kasama Ang honey.

Pero ako nasanay na sa gatas, turmeric at salabat. Kase Yun Ang laging available. At maganda din Ang dulot ng salabat dahil Hindi ako madalas ubuhin o magkasakit.

2
$ 0.00
Avatar for yengjavier
4 years ago

Comments