Tokwang Sisig

12 13

Nakatikim ka na ba ng tokwang sisig?

Alam mo kse nung unang dinig ko dun akala ko joke! Pero totoo pala na ginagawang sisig Ang tokwa.

Nung kami pa ng Asawa ko. Tinuturuan niya Kong magluto, Isa kase siyang Chef sa mga Restaurant at sa mga Hotel, madami na siyang karanasan sa pagluluto, kase nag aabroad siya dati.

Kaya ayun sa kanya ko nga nalaman Ang tungkol sa tokwang sisig.

Noong una pinagluto niya muna ako nito. Kase nga di pa ako nakakatikim eh.

Kaya nung malasahan ko. Abah, masarap pala talaga.

Kaya Ang ginawa ko, kinuha ko Ang recipe, Tapos one time sinubukan Kong magluto.

Aba mas masarap pa Ang luto ko sa Asawa ko..._ Yabang bah? Pero totoo Ang sinasabi ko. Napatakam ko nga yung mga anak ko at hipag ko, at simula nga noon, naging paborito na nila Ang tokwang sisig.

Madali Lang Naman lutuin.

Una gayatin mo Lang ng malilit na kuadrado Ang tokwa tapos iprito mo sa mantika. Pag golden brown na I set asside mo, maglagay ka ng butter sa kawali, mag gayat ka muna ng sibuyas, maliliit Ang gayat tapos siling haba pa tagilid Ang gayat.

Pag natunaw na Ang butter ilagay mo na Ang sibuyas igisa mo kasunod Ang tokwa, pagkatapos lagyan mo dalawang kutsarang oyster sauce, tapos paminta durog, sunod mo Yung katas ng kalamansi mga 5 kalamansi.

Tapos gisa gisa mo Lang. Pag nahalo mo na maigi lagyan mo pala ng kaunting Toyo. Mga apat na kutsarang Toyo. Tapos bago mo iahon isama mo na Yung ginayat mong siling haba.

Tapos iahon mo na. Ilagay mo sa isang malinis na lagayan.

At saka mo lagyan ng mayonnaise.

Depende sa Dami ng tokwa Ang mayonnaise. Tantiyahin mo na Lang.

Tapos haluin mo na mabuti hanggang mabalot ng mayonnaise Ang bawat hiwa ng tokwa.

Tapos tikman mo na.

Yummy ๐Ÿ˜‹

5
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder

Comments

hmmm interesting matry nga yan minsan pede ding pulutan yan hehe.....

$ 0.00
4 years ago

Ah oo sir, Yung iba talaga mas gusto nilang pulutan Yan, kase sa baboy mas safe Yan. Kase tokwa. Atsaka masarap talaga!๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Hmmm super sarap siguro nyan share naman ng step by step ng pag luluto hehe gusto ko rin matikman yan

$ 0.00
4 years ago

Oo Naman po, request nio Lang gagawa ako NG list๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

ang sarap naman po yan. Binabasa ko pa lang naiimagine ko na. Di pa ko nakakalasa ng tokwang sisig kaya iniscreen shot ko to para matry kapag may naglako ng tokwa. salamat sa pag share.

$ 0.00
4 years ago

Hehehe masarap siya talaga. Pwede mo Naman Yan gawin. Try mo Yung recipee hehehe

$ 0.00
4 years ago

Sarap nyan, isa yan sa paborito kung luto ng tita ko

$ 0.00
4 years ago

Talaga? Oo masarap talaga siya sis. Hahanap hanapin mo pag natikman mo. Hahaha

$ 0.00
4 years ago

Sarap nyan, isa yan sa paborito kung luto ng tita ko

$ 0.00
4 years ago

Pede po ba makahingin nyan. Kahit po baboy nalang sakin tas sen yo na po toka pra patas hehe. Estenskin nlng tokwa kht sen u npo baboy tokwa lang spat na.

$ 0.00
4 years ago

This food recipe is very enjoyable for all. What a wonderful food it was. Carry on your writing.

$ 0.00
4 years ago

Thank you very much๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago

Tokwang sisig i see for the first time. It looks very yummy. I make it at home.

$ 0.00
4 years ago

Thank you๐Ÿ˜Š

$ 0.00
4 years ago