Nakatikim ka na ba ng tokwang sisig?
Alam mo kse nung unang dinig ko dun akala ko joke! Pero totoo pala na ginagawang sisig Ang tokwa.
Nung kami pa ng Asawa ko. Tinuturuan niya Kong magluto, Isa kase siyang Chef sa mga Restaurant at sa mga Hotel, madami na siyang karanasan sa pagluluto, kase nag aabroad siya dati.
Kaya ayun sa kanya ko nga nalaman Ang tungkol sa tokwang sisig.
Noong una pinagluto niya muna ako nito. Kase nga di pa ako nakakatikim eh.
Kaya nung malasahan ko. Abah, masarap pala talaga.
Kaya Ang ginawa ko, kinuha ko Ang recipe, Tapos one time sinubukan Kong magluto.
Aba mas masarap pa Ang luto ko sa Asawa ko..._ Yabang bah? Pero totoo Ang sinasabi ko. Napatakam ko nga yung mga anak ko at hipag ko, at simula nga noon, naging paborito na nila Ang tokwang sisig.
Madali Lang Naman lutuin.
Una gayatin mo Lang ng malilit na kuadrado Ang tokwa tapos iprito mo sa mantika. Pag golden brown na I set asside mo, maglagay ka ng butter sa kawali, mag gayat ka muna ng sibuyas, maliliit Ang gayat tapos siling haba pa tagilid Ang gayat.
Pag natunaw na Ang butter ilagay mo na Ang sibuyas igisa mo kasunod Ang tokwa, pagkatapos lagyan mo dalawang kutsarang oyster sauce, tapos paminta durog, sunod mo Yung katas ng kalamansi mga 5 kalamansi.
Tapos gisa gisa mo Lang. Pag nahalo mo na maigi lagyan mo pala ng kaunting Toyo. Mga apat na kutsarang Toyo. Tapos bago mo iahon isama mo na Yung ginayat mong siling haba.
Tapos iahon mo na. Ilagay mo sa isang malinis na lagayan.
At saka mo lagyan ng mayonnaise.
Depende sa Dami ng tokwa Ang mayonnaise. Tantiyahin mo na Lang.
Tapos haluin mo na mabuti hanggang mabalot ng mayonnaise Ang bawat hiwa ng tokwa.
Tapos tikman mo na.
Yummy ๐
hmmm interesting matry nga yan minsan pede ding pulutan yan hehe.....