Sorpresa

2 15
Avatar for yengjavier
3 years ago

Hapon na kahapon ng maisipan ng panganay Kong ayain ako para pumunta sa Mall na malapit sa amin, tinanong ko siya bakit? Anu ba Ang balak mong bilhin dun? Sabi niya" Wala, gusto ko lng Tumingin ng Ref at washing" ."Ahh ok Yun Ang tugon ko.

Pagpanik sa second floor ng mall agad kaming dumiretso sa bilihan ng mga aplayanses, Isa Isa naming tinignan at siniyasat Ang itsura at presyo ng mga paninda Doon.

Maya maya ay tumigil siya at tinanong Kung gusto ko ba daw Yung isang napili Niya.

Sabi ko Naman ay siyempre, kahit Sino gusto Yan, Ang tinutukoy Niya ay Ang washing machine na Ang tatak ay fujidenzo, tapos ay lumibot pa kami, at nakita Niya Ang refrigerator na hindi gaanong malaki at Hindi Rin ka mahalan Ang presyo.

Tinanong niya ko uli Kung gusto ko ba daw iyon, siyempre sumagot ako na gusto ko talaga Yun, pero nakakahiya Naman sa kanya kase baka Wala siyang maipon pag binilhan Niya ako nun.

dalaga pa kase Ang anak Kong iyon at nagtatrabaho sa isang call center, kaya kahit paanoy maganda ang sweldo. Pero nahihiya din ako na lagi na Lang kami Ang inaalala Niya at Hindi niya mapag ipunan Ang sarili niya.

Maya maya ay nag ikot pa kmi at Tumingin pa uli ng iba't ibang uri ng Ref at washing.

Sabi niya sa akin Anu daw Ang mas nagustuhan ko sa lahat ng nakita namin Doon, itinuro ko Yung washing at ref na una naming nadaanan. Pero isang salesman Ang nag turo sa Amin ng isang brand na sa tingin ko ay mas maganda nga kaysa sa una naming nakita.

Nagustuhan din ito ng aking anak, Maya maya ay nagulat ako, kausap kase Niya Yung salesman at d ko nadinig Yung usapan nila, Maya maya ay sinabi niyang bababa kami para mag withdraw, Hindi ako makaimik, Parang Hindi ako makapaniwala na sa oras na iyon ay bibilhin na niya ang mga gamit na nakita namin Doon.

Tahimik ako at Hindi naimik, Sabi ng anak ko Kung masaya ba daw ako? Sabi ko oo Naman, nagulat Lang ako kase Hindi ko akalain na bibilhin mo na ngayon lahat Yan, akala ko kase titingin lng Tayo.

Natawa Ang anak ko at di ko maipaliwanag Ang nararamdaman ko.

Kase talagang malaki na Ang diprensiya ng Luma naming ref, dahil sa natatangal na Ang pintuan nito Kaya Hindi na namin halos nagagamit.

At Ang washing ko Naman kumbaga sa Tao, baldado na, kunsabagay matagal na Rin Ang serbisyo ng mga gamit Kong iyon sa Amin, Hindi lang yata pitong taon o higit pa. Kaya para akong tulala noong mga oras na iyon.

Napagkasunduan ng salesman at ng anak ko na kinabukasan pa ang delivery sa bahay.

Nagbayad siya ng delivery fee para maideliver ito sa amin.

Kumbaga sa lindol may Aftershock pa ko. Kaya d ako masyado naimik.

Pero kanina ng maibaba Ang gamit sa bahay. Hindi ko maipaliwanag Ang kaligayahan ko.

Sobrang sarap pala ng pakiramdam na may mabait at mabuti akong anak.

Palaging kami Ang inuuna Niya kaysa sa sarili niya, Kaya pinagmamalaki ko siya at siya lang ang lagi naming nasasandalan sa oras ng pangagailangan.

Maraming beses niya na rin akong nasorpresa, pero Isa ito sa mga sorpresa Niya sa akin na Hindi ko malilimutan. Dahil talagang literal na nasorpresa niya ako.๐Ÿ˜Š

3
$ 0.00
Avatar for yengjavier
3 years ago

Comments

wow naman maam sana all..hehe godbless po sa anak nyo more blessings to come...

$ 0.00
3 years ago

Thank you po, siya na lng Ang nagbibigay NG saya sa akin at ung Isa Kong anak at Apo. Kase Hindi ako swerte sa pag ibig hahaha. Kya siguro mabuting anak n lng Ang binigay sa akin๐Ÿ˜Š

$ 0.00
3 years ago