Natakot ako

5 24
Avatar for yengjavier
3 years ago

Kahapon pa, masama na talaga Ang pakiramdam ko.

Nung una nagkasinat ako, tapos nun ramdam ko Yung bigat NG lalamunan ko. Na Parang may nakadikit na plema. Nanakit Ang likod ko pati Yung ibang part NG katawan ko. Nag alala ako, kase nasa 52 years old nako, iniisip ko kapag nagkasakit ng mga kagaya nito eh mahirap na. Kaya Dali Dali akong nag init ng tubig.

Pagkainit ko ay kumuha ako agad ng tasa ko at nilagyan ng asin. Noong una minumog ko lang siya. Pero Parang Hindi ako kuntento.

Kaya ginawa ko dinagdagan ko siya ng tubig na Hindi mainit, para mawala Yung sobrang alat, pero kahit paano mainit init pa rin Ang dampi Niya sa lalamunan ko.

Mas masarap sa pakiramdam noong nainum ko Ang tubig na may asin.

Maya Maya pa ay nagtimpla Naman ako ng iniinum ko sa umaga. Ito ay turmeric powder na nilalagyan ko ng gatas. Yan kase ang nakasanayan Kong inumin simula ng makaramdam ako NG pananakit ng mga tuhod braso at ilang bahagi ng katawan ko. Parang maintenance ko na yun

Una ay sumubo ako ng 2 pirasong pandesal at uminom ako ng biogesic, pero Parang Hindi ako kuntento kaya iniligo ko Ito.

pagkaligo ay inutusan ko Ang Anak Kong lalaki na bumili ng gamot sa botica.

Isang banig na biogesic, 21 pirasong amoxicillin, 6 na ambroxol tablets, at 3 anti histamine.

Nang makapananghali ay ininum ko ang isang ambroxol. Pero Hindi muna ako uminom ng biogesic.

Sumapit Ang Gabi at saka ko ininum Ang anti histamine pagkatapos ko mag gabihan.

At nakatulog ako ng maaga, dahil doon.

Kinabukasan sa aking pag gising natakot ako sa naramdaman ko. Pakiramdam koy nangangapal Ang lalamunan ko sa plema at ibig na nitong bumaba sa aking leeg.

Agad akong bumangon. Unay tinapon ko muna Ang basura dahil araw ng tapunan NG basura sa lugar namin. At pag balik ko sa bahay at agad akong nag init ng tubig.

Hinanda ko na Ang tasa Kong paglalagyan. Nilagyan ko Ito ng konting asin, konting turmeric, konting baking soda at ginayat na luya.

Pagkakulo ng tubig ay agad ko itong kinuha at isinalin sa aking tasa.

Hinalo ko Ito at unti unting ininom. Sinabayan ko din ng Kain ng tinapay upang pagkatapos ay makainum ako ng gamot.

Pagkainom ko ng tubig na may turmeric, bakingsoda, asin at luya ay ininom ko Ang Aking gamot sa ubo. Bagamat Wala pa akong ubo ay uminom nako nito. Dahil nga sa takot Kong magtuloy tuloy Ang nararamdaman ko.

Pagkainom ko ng gamot ay agad akong naligo.

Pagkatapos Kong maligo ay damang dama ko Ang hilo dahil sa sobrang antok. Marahil ay epekto ng gamot Kaya nakaramdam ako NG ganoong antok.

Wala akong nagawa kundi ang itulog Ang Aking antok.

Makalipas Ang dalawang oras at nagising ako. Malaki Ang pinagbago ng pakiramdam ko.

Hindi na gaanong mabigat Ang leeg ko. At Waring lumiit Ang nakakapa Kong bukol sa ilalim ng baba ko.

Nakaramdam ako ng gingawa kaysa nung unang gising ko sa umaga.

Maya Maya ay nag tinapay uli ako at uminom ng mainit na tubig. Ganun din Ang ginawa ko noong pananghalian. Kaya naglagay nako ng mainit sa thermos, upang lagi ako makainom ng mainit.

At ngayon, mas magaan gaan na Ang pakiramdam ko.

Sana ay magtuloy tuloy na ito.

Stay safe mga kaibigan!

5
$ 0.00
Avatar for yengjavier
3 years ago

Comments

Natakot din ho ako as similar nyo at nawa ay magtuloy tuloy nga pong paggaling ninyo.

$ 0.00
3 years ago

Sana po naging mabuti na ang pakiramdam nyo ngayon. Stay safe po.

$ 0.00
3 years ago

May nakita ako sa news feed ko naalala ko yun nung nabasa ko itong article mo. Ang sabi ay "dati pag ako may nararamdaman o nilalagnat si nanay lang ang nag aalala pero ngaun pag ako merong lagnat buong baranggay na nag aalala. Ang sweet naman. 😂" nabasa ko lang po yan. Hindi ko na matandaan if kung kanino galing.

$ 0.00
3 years ago

Be safe po..

$ 0.00
3 years ago

Pa subscribe po.. done na po ako sayo.. thanks

$ 0.00
3 years ago