Kung nabasa mo Yung una, malalaman mo Ang buong Istorya.
At pagkatapos namin magpatingin sa Albularyo, Umuwi na kmi NG Tita ko at nagpaalam na sa nanay ni Josa at Kay Josa.
Nagtatawanan pa kmi NG Tita ko, dahil sa sinabi NG Albularyo, Yung salitang "INUUMPISAHAN ka na". Nagbibiruan pa kmi NG Tita ko, kase nga Hindi Naman kami naniniwala sa mga sinasabi NG Albularyo. At lalong Hindi ako naniniwala sa mga ganoon.
Pag dating namin sa bahay, sinalubong kami ng Lola ko, Nanay ng Tita ko, at doon kinuento namin Yung sinabi ng Albularyo tungkol sa Tita ko, Nagtawa Ang Lola ko sabay Sabi, " Ito Ang mahabang Bala, suksok ko to sa pwet niya pag kinulam ka".
At hagalpakan pa kami ng tawa...matapos Ang mga biruan, pumanik na kmi sa itaas, sa kuwarto ng Tita ko.
Pagkabihis niya ay humiga siya sa Kama at nagkuentuhan kami... Subalit walang Anu anoy Bigla siyang sumigaw ng napakalakas, habang hawak Ang kanyang tiyan, "Ahhhhhh" malakas niyang sigaw, nataranta ako. Akala ko nasumpong lng Ang sakit niya. Kya Dali Dali ko hinanap yung gamot Niya sa bag, pero Hindi ko siya matanong o mapainum. Kya bumaba ako sa ibaba para tawagin Ang Lola ko, pero nanginginig Ang Lola ko sa takot, ayaw niyang pumanik.
Mabuti na Lang at nagdatingan Ang mga kapatid ng Tita ko na katabing bahay Lang nila. At Sinabi ko nga Ang nangyari.
Dali daling kumuha ng maliit na telang Pula na may lamang Kung ano sa loob Ang Tita ko.
At itinusok ng perdible sa damit ng Tita ko na sumisigaw pa din ng malakas.
Maya Maya ay pumanik Naman Ang Tiyo ko na Asawa. ng Tita Kong mas panganay sa kanila at ipinatong nito ang Biblia sa dibdib NG Tita Kong patuloy na sumisigaw.
At Unti unting tumahimik Ang Tita ko at tila nawalan NG malay.
Sa kabilang bahay naririnig pala ng Tiyuhin nila Ang pagsigaw niya, lingid sa Aming kaalaman, may Alam pala ito sa panggagamot ng mga nakukulam at mga sinasapian.
Matagal na daw niya itinigil Ang panggagamot, pero Hindi niya natiis na di tignan Ang Tita Kong pumapalahaw ng sigaw.
" May kandila kayo? "Tanong niya. Dali daling humanap Ang pinsan ko ng kandila at posporo.
Sa pagkakataong iyon nakapikit Ang Tita ko at tila walang Malay.
Sinindihan ng Tiyo niya Ang kandila, at kasabay noon ay Ang biglang pagdilat ng Mata ng Tita ko, matalim Ang tingin nito sa Tiyuhin niya, nanlilisik at namumula, pagkatapos ay sumigaw siya sa Tiyo niya ng ganito"lumayas ka dito, Wala Kang pakialam sa akin, Wala Kang pakialam sa akin".
Habang ginagawa niya Yun nagpupumiglas siya at napakalakas niya. Halos tumalsik Ang mga taong nakahawak sa kanya.
Kinausap siya ng tiyo niya pinapaamin siya na parang ibang Tao Ang kausap.
Pero Hindi umaamin Ang Tita ko. Patuloy siya sa pagsigaw ng "Demonyo ka, Wala Kang pakialam sa akin, lumayas ka dito" .
Dahil dun naghanap ng malaking pako Ang tiyo Nia. At Dali Dali namang ibinigay ng pinsan ko.
Inipit niya to sa singit ng daliri ng Tita ko sa kamay. Humiyaw ng malakas Ang Tita ko. Parang sobrang sakit NG gingawa NG tiyo Nia sa knya samantalang inipit lng sa daliri niya Ang pako.
At patuloy siyang pinapaamin ng Tiyo Nia Kung Anu Ang pangalan niya at Kung bakit niya Yun ginagawa sa Tita ko. Pero matigas siya at ayaw niyang umamin at ayaw din niyang umalis.
Kaya naghanap Naman Ang Tiyo Niya ng pakpak sa buntot ng manok.
Mabilis na nakakuha Ang pinsan ko at iniabot sa Tiyuhin niya.
Siningit Naman ito NG Tiyuhin niya sa pagitan NG hinlalaki niya sa paa. At laking gulat namin dahil halos maiyak siya sa sakit. Habang gingalaw galaw NG Tiyo Nia Ang pakpak. Maya Maya pa ay sumigaw ito ng "aalis nako aalis nako". At biglang hinimatay.
Nabanggit NG Tiyo niya na isang palipad hangin Ang ginawa sa kanya, dahil nga sa damit na isinukat niya noon at biglang kinuha nung nagpakulam Kya tinablan siya ng matindi.
Ng nagkamalay Ang Tita ko ay humihingi agad ng Tubig.
Matapos Yun ay tinanong namin siya Kung Anu Ang nangyari sa kanya, pero mistulang Wala siyang Alam at nagtataka pa siya Kung bakit Ang daming Tao sa kwarto niya.
Ni sa agam agam Hindi ko inisip na Maaring mangyari ito.
Pero saksi ako! Kyat sa ayaw ko o sa gusto. Wala akong magagawa kundi Ang maniwala sa nasaksihan ko.
Kayo? Naniniwala ba kayo sa Kulam?
Ako naniniwala..☺☺☺