Batay ito sa sarili Kong karanasan, dalaga pa ko noon, nagta trabaho sa isang factory na pagawaan ng mga pigurin, marami akong mga naging kaibigan sa trabaho Kong iyon, Ang posisyon ko dun ay tinatawag na fetling.
Kami Yung nagkakayas sa mga ekses sa molde ng pigurin, pagkatapos at saka namin ito pupunasan ng basang sponge.
Enjoy Naman sa trabaho dahil marami nga akong naging kaibigan dito, lalaki at babae.
Pero dumating Ang oras na d ko inaasahan.
Ang Isa sa kaibigan naming babae na si josa ay biglang umabsent, sa Hindi nalalamang kadahilanan.
Napagpasyahan namin ng Tita ko na kasama din namin sa trabaho at ng mga kaibigan naming lalaki na dalawin siya sa kanilang tahanan.
At duon namin nalaman Ang dahilan.
Ayon sa magulang ng kaibigan namin pinatignan nila sa mangagamot o Albularyo si Josa, Dahil Hindi daw ito makatayo at nanlalambot Ang katawan na parang ngimay Ang mga ito.
Una daw ay dinala nila ito sa Doktor subalit walang anumang nakitang Mali sa kanya. Kayat nagpasya silang dalhin ito sa Albularyo.
lumipas ang isang oras na gamutan nalaman nila sa Albularyo na kinukulam daw ito. At napaamin daw ng Albularyo Kung Anu Ang pangalan ng taong kumulam o nagpakulam dito.
Pare parehas kaming nagulat nung malaman namin Kung Sino Ang tinutukoy ng Albularyo.
Kasamahan kasi namin siya sa trabaho. Hindi namin siya close pero kabatian ko Naman siya.
Pero Ang inamin ng babae nung tanungin siya ng Albularyo Kung bakit niya kinulam o pinakulam itong si Josa, ay dahil Lang sa naiinggit daw siya at maraming nagka ka crush dito.
Totoo Naman Yun dahil malakas talaga Ang appeal ni Josa, bukod pa sa kakaibang buhok nito na mahaba at kulot, na parang buhok ng Sto. nino.
Kaya Sabi namin Ang babaw Naman ng dahilan.
Sabay sabay kaming umuwi at pare parehas din kaming Hindi makapaniwala.
Kinabukasan sa trabaho, pagkatapos ng tanghalian, kasama ko Ang Tita ko sa Cr para magsipilyo nang makasabay namin Ang babaeng tinutukoy ng Albularyo na siyang nagpakulam Kay Josa. Hindi ako naimik. Pero nagulat ako sa Tita ko.
Nagsalita Ang babae ng ganito "nakakainis Naman, Wala na namang tubig"
Bigla siyang sinagot ng Tita ko ng ganito.
"Ayan anidoro, lublob mo mukha mo!"
Pagkatapos ay nagtawanan ang Iba naming kasamahan na kasabay namin sa cr. Nakita ko sa mukha ng babae Ang inis at namula ito marahil dahil sa napahiya siya.
Nagulat din ako sa tinuran ng Tita ko. Pero Hindi ako nakitawa kundi lumabas na lng ako ng Cr.
Kinabukasan may nagtinda ng pahulugang damit sa trabaho.
Nakihalukay at nagsukat Ang Tita ko. Nakatingin lng ako. Kase Hindi ako mahilig sa mga pahulugan.
Hinubad ng Tita ko Yung damit na sinukat niya, dahil di Niya daw type, pag lapag Niya sa lamesa bigla itong kinuha ng babaeng nagpakulam daw Kay Josa.
Hindi Naman namin ito pinansin, at hinayaan lang namin na kunin niya Yung T shirt.
Kinabukasan Hindi pa din pumapasok si Josa napagpasyahan namin ng Tita ko na dalawin uli siya.
Sa pagkakataong iyon naabutan namin na kasalukuyan siyang ginagamot ng Albularyo.
Nanood muna kami at hinintay na matapos ang panggagamot sa kanya.
Ilang minuto din at nakita naming tapos na at patayo na Ang mangagamot.
kinausap namin si Josa, tinanong namin Ang pakiramdam niya at kinausap din namin Ang Albularyo na gumamot s kanya.
Ang Sabi ng Albularyo napakiusapan niya daw na tigilan na si Josa. Pero oobserbahan daw niya Kung tutupad sa usapan Yung mangkukulam o Yung nagpakulam.
Napagkatuwaan namin NG Tita ko na magpatingin din sa Albularyo.
Una ay umupo ako. At tinutok niya sa hinlalaki ng daliri ko sa paa Ang isang palito ng posporo.
Tinanong Niya ko Kung Anu nararamdaman ko.? Sumagot ako na Wala Po. ! At Sinabi niya Wala daw problema sa akin.
Sumunod ay pinaupo niya ang Tita ko at ginawa din niya kung Anu yung ginawa niya sa hinlalaki ng daliri ko sa paa.
"Anu ang nararamdaman mo?" tanong niya sa Tita ko. Sumagot Ang Tita ko na masakit daw,... tinanong siya NG Albularyo kung hanggang saan ang sakit na nararamdaman niya. Sinabi ng Tita ko na umabot daw sa bukong bukong ng paa niya. Nag salita ang Albularyo.
"INUUMPISAHAN KA NA"
Hindi ko Alam Kung Anu Yung pakiramdam ko. Pero nakadama ako ng kaba ng mga sandaling iyon.
TO BE CONTINUE...