Magtira ka ng 50% para sa sarili mo

0 4
Avatar for yengjavier
4 years ago

May tatlumpung taon na ang nakakalipas, Mula noong nakilala ko Ang lalaking nagturo sa akin ng mga katagang ito.

22 years old ako noon ng makilala ko sa pinagtatrabahuhan Kong kumpanya ang lalaking sinasabi ko sa kuwentong ito.

Aaminin ko bago siya dumating sa buhay ko nagkaroon na ako ng kasintahan. Hindi lang Isa, dalawa o tatlo, mas higit pa dun.

Siguro napaisip kayo bakit andami ko agad naging boyfriend sa ganoong edad ko.

Kase Naman 15 years old pa lang ako sumubok na ko makipag boyfriend.

PeroParang naglalaro lang. Kase Bata pa. Siguro curiosity lang Kaya ako sumagot.

Pero sandali Lang kami. Kase mukhang di pa namin Alam Ang talagang kahulugan NG boyfriend/girlfriend. Pagkatapos noon nagkaroon uli ako ng bf at halos lahat sila Hindi tumatagal ng taon.

Hindi ko din maintindihan Kung bakit Parang lagi akong niloloko o iniiwan ng mga naging bf ko.

Masyado kase akong showie magmahal, sobrang lambing at sweet, akala ko kase Yun Yung factor para mahalin ka din ng tunay at Hindi ka I wanan ng taong Mahal mo.

Pero Parang Mali ako. Kase halos lahat sila Hindi naging tapat at iniwan din ako.

Minsan nga naiisip ko, Pangit ba ako? Masama ba ang ugali ko?

Pero sinasagot din ako ng sarili ko. "Hindi ka Pangit, Hindi rin masama ang ugali mo. Ang tanging kasalanan mo lang ay ang sobrang pagpapakita ng pagmamahal.

Pero doon kase ako masaya, at na sasatisfied.

kapag pinapakita ko ang pagmamahal ko sa nagiging boyfriend ko masaya Ang pakiramdam ko

Kaya Naman paulit ulit din Ang nararanasan Kong sakit.

Hanggang sa dumating Ang taong ito sa buhay ko.

Bago naging kami, may naunang babae sa buhay niya, at dalawang taon din silang magkarelasyon. Ngunit ng makilala ko siya sinabi niyang Wala na daw siyang kasintahan at naghiwalay na sila.

Kaya nung ligawan niya ako Hindi ako nag atubili na sagutin siya. Kase Naman unang Kita ko pa lang sa kanya noon sobrang tumibok Ang Puso ko.

Ang tangkad Niya kase, weakness ko Yun eh. balingkinitan, Rosy cheeks mapula Ang labi at matangos na maliit Ang ilong. Para siyang si Ding Dong Dantes.

Kaya Naman nung niligawan niya ako, Hindi nako nag dalawang isip na sagutin siya.

Naging masaya kami nung una at mabait din siya at malambing. Napamahal ako agad sa kanya, umabot nga kami ng 6 months.

Pero isang araw, Hindi siya pumasok sa trabaho. Nag alala ako. Kase nung time na yun Hindi pa uso ang cellphone. Kaya di ko Alam Kung Anu Ang dahilan ng pag absent niya. Hindi Naman kase ako sanay na Hindi siya pumapasok.

Kinabukasan nabanggit ng kaibigan naming lalaki na may sakit daw pala Kaya Hindi nakapasok.

Kaya nagpasya akong dalawin siya sa bahay nila at nagpasama ako sa kaibigan naming lalaki na malapit din sa kanila Ang bahay.

Pagdating Doon magalang akong bumati ng magandang umaga sa matandang naroon. Binulong sa akin ng kaibigan naming lalaki na Yun Ang nanay ng boyfriend ko.

Nagtanong sila Kung Sino ako. Sinabi Kong kasamahan kami sa trabaho ng anak niya.

Nagulat ako sa sagot ng nanay Niya sa amin.

Ay ganun ba? Naku Wala dito, nandun sa bahay ng Girlfriend niya Dun nagpapahinga.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Nanlata Ang mga katawan ko. Pero siyempre Hindi ako nagpahalata.

Magalang kaming magpaalam sa nanay niya.

Sabi ng kaibigan namin, gusto mo sunduin ko dun? Sabi ko wag na, bumalik na lang Tayo sa trabaho.

Napakasakit ng pakiramdam ko noon, pero di ko pinapahalata sa kaibigan namin. Pero alam Kong naaawa siya sa akin.

Nagdesisyon ako. Kinabukasan noong pumasok na siya sa trabaho sabay kaming nag lunch sa canteen. Sinabi ko sa sarili ko. Kakausapin ko siya ng masinsinan. Ayoko na kaseng patagalin. Mas masasaktan ako pag pinatagal ko pa to.

Magkaharap kami sa lamesa. Tinanong ko siya Kung nagkabalikan na ba sila nung ex niya. Yumuko Lang siya. Kasunod noon ay tinanong ko siya uli Kung Mahal niya pa Yung Dati niyang girlfriend, Ang tagal niyang sumagot.

Halos madurog Ang Puso ko. Dahil Ang pananahimik niya nangangahulugan Lang na Mahal niya pa nga Ang babae.

Nagsalita nako habang tumutulo ang luha ko.

"Sige sa kanya ka na, pinapalaya na Kita. " Pero patuloy ang agos ng luha ko sa mata. Tinanong niya ako Kung Ok Lang ba ako, sumagot ako ng OO ok Lang ako. Alam ko naawa siya sa akin. Pero ayokong makasama siya dahil naaawa lang siya sa akin.

Pero nagsalita siya sa akin, Sana daw sinampal ko siya. Para nakabawi man Lang ako, bakit daw Ang bait bait ko. Lalo daw siya nakukunsensiya.

At ito Ang huling salitang sinabi niya sa akin. Na hanggang ngayon nakatatak pa sa utak ko.

" Payo ko Lang sa iyo, sa susunod na magmahal ka, wag mong ibibigay Ang 100%, magtira ka ng 50% para sa sarili mo.

At pagkatapos noon Hindi na kami muling nag usap.

Tinandaan ko ang payo niya sa akin. Kaya sinikap ko na sa susunod Kong makakarelasyon,Pipilitin Kong wag na ihulog lahat ng pagmamahal ko.

Magtitira nako ngayon para sa sarili ko.

Kaya sa mga nakakausap Kong mas Bata sa akin na humaharap din sa ganyang kalagayan, Ganun na din Ang pinapayo ko sa kanila.

Magtira NG 50% para sa sarili nila. At wag ibigay Ang 100%

Sana may natutuhan po Ang in diyan na kaparehas Kong magmahal.

3
$ 0.00
Avatar for yengjavier
4 years ago

Comments