Sino sa inyo Ang namomoroblema dahil sa sakit na hyperacidity? O Kung tawagin natin, Acidic.
Alam niyo bang simula noong highschool pa ko problema ko na yan..Kasi nga nagkaron ako ng ulcer noon, at laging kaakibat niyan pagkatapos mong magka Ulcer, ay Ang pagiging acidic.
Sobrang tagal na panahon ko nang iniinda Ang sakit na to. Sari saring gamot na din Ang nasubukan ko.
Sa totoo Lang sa sobrang tagal na alaga ko tong sakit na ito, nakaya ko na siyang gamutin ng ako lang.
Napakadaming bawal kainin pag acidic ka. Kaya hirap na hirap ako pagdating sa pagkain.
Bawal Ang mamantika, maasim, maanghang, Gatas na powder, kape, Softdrinks at mga pagkaing may mga sauce.
Kase kahit Naman Hindi sabihin ng Doktor sa iyo, mismong ikaw sa sarili mo Ang makakaramdam nito.
Kapag kinain mo Ang alinman sa mga nabanggit ko at ikaw ay acidic, talagang Maya Maya Lang ramdam mo na Ang paghapdi ng sikmura mo. At mararamdaman mong gumuguhit Ang Asim pataas sa lalamunan.
Tagal Kong pinagdusahan Ang sakit Kong ito. Pero ngayon Kung kailan nasa 50 anyos na ako, at saka ko lang na diskubre Ang mabisang gamot dito sa Hyperacidity.
Gusto niyo na ba malaman Kung Anu to?
Nadiskubre ko lang ito sa internet. Mahilig kase ako mag search Kung Anu Ang mga herbal na pwede ko mainum. Kase pag gamot Ang iniinum ko napapansin Kong Lalo tumitindi ang pagka acidic ko.
Kaya naghahanap ako sa internet ng Herbal na makakatulong sa mga sakit ko.
At dito ko nga nalaman na Ang Baking Soda ay mabisang pang gamot sa Hyperacidity.
Siguro nagulat kayo noh? Kase Ang baking soda ay ginagamit sa mga panlinis, pampaputi ng ngipin, pang paalis ng mabahong amoy sa ref. At marami pa itong gamit gaya sa pagluluto ng tinapay.
Noong una ganyan din Ang naisip ko. Pero dahil masyado na Kong frustrated sa sakit Kong ito. Minabuti Kong subukan at gawin ang tamang pag gamit nito.
Sa isang basong tubig maglagay ka Lang na 1/4 na kutsaritang baking soda.
Haluin mo ito hanggang matunaw ng husto, atsaka mo siya inumin ng dire diretso.
Abah, laking gulat ko, dahil instant ang epekto niya. Ramdam mo agad Ang pagpayapa ng tiyan mo. At Kung dati nataas sa bibig mo Yung Asim na galing sa sikmura mo, pagkainom mo nito, tanggal Ang Asim na pumapanik sa lalamunan mo.
Ang baking soda daw pala ay natural alkaline. Kaya ginagawa nitong maging stable Ang acid sa sikmura natin.
Kaya ngayon, Hindi ako nagpapawala NG baking soda sa bahay. Napakalaking tulong nito sa akin. Kaya sa mga namomroblema diyan sa Hyperacidity. Subukan niyo na ito at baka ito na Ang kasagutan sa problema ninyo .
Paalala Lang, Hindi siya masarap sa panlasa. Kaya mas maiging inumin mo ng diretso para di mo na Lang malasahan.
Hindi Naman siya mapait, maasim, or mapakla, pero Hindi lang talaga kaaya Aya Ang lasa niya.
Pero Kung gusto mo gumaling kakayanin mong tiisin. Alam mo Yung lasa ng oresol? Parang ganon lang Naman siya.
Kaya bumili na kayo at subukan niyo na uminom ng baking soda, Kung may Hyperacidity kayo.