Matagal tagal na din mula ng magkaroon ng malawakang lockdown sa ating bansa. At dahil dito maraming kumpanya ang nagsara at ang iba naman ay naglunsad ng tinatawag na Work from home.
Isa ang anak kong dalaga sa naapektuhan nito. Isa siyang Call center agent sa Manila, pero dahil nga sa lockdown nagpasya ang kumpanya nila na ang iba'y pwede munang magtrabaho sa bahay.
Sa kasamaang palad naputulan na kami ng Internet dahil nga sa lockdown nawalan ng hanapbuhay ang aking asawa at bunsong anak. Kaya't hindi na namin mabayaran ang bill ng internet.
Katangi tanging ang anak kong dalaga ang mayroong hanapbuhay ng mga panahong iyon. Dahil nga sa wala kaming internet sa bahay, napilitan siyang maki gamit sa bahay ng kanyang kasintahan. Bagamat laban sana sa kalooban ko, hindi ako makatangi dahil siya lang ang inaasahan namin sa pagkakataong iyon. Bukod sa siya lang ang nagtatrabaho, kasalukuyan din kaming umuupa ng apartment na siya lang ang pwedeng makapagbigay ng pang renta.
Ilang buwan din ang lumipas, kamakailan lang nagulat ako sa pinagtapat ng aking anak.
"Mha may sasabihin po ako". Dagli akong nagulat dahil seryoso siya.
Sumagot ako ng "bakit? Buntis ka? At nagulat ako sa sagot niya..."Opo" Sorry Mha, sagot niya. Di ko alam kung anu mararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Hindi ko magawang magalit sa anak ko. Dahil napakabuti niyang anak, kapatid at Tita. Kaya kinausap ko n lng sila kung anu ang plano nila. Alam ko sa mga sandaling iyon mas kailangan niya ang suporta at pang unawa ko. Ang sumunod ay pinakausap ko siya sa kanyang ama sa telepono. Upang masabi niya din dito at malaman ang mga dapat gawin sa nalalapit nilang pagpapakasal.
Hiwalay na kami ng asawa ko kaya inimbitahan na lang siya nang anak ko sa kasal nila.
Nung una ay d ko pa masyadong naiisip ang magiging resulta.
Pero ng mapag isa ako naglaro na sa isip ko ang pwedeng kahinatnan ng pag aasawa ng aking anak.
Dahil sa wala akong trabaho naisip ko na ang mga senaryong pwedeng maganap paglipas ng mga araw. Alam kong hindi na magiging kagaya ng dati dahil pag nagka anak na ang aking anak malamang na di na din ako mabigyan ng pambayad sa bahay, kuryente at tubig. Kaya't biglang pumasok sa isip ko ang magiging problema. Isa lang ang naiisip kong solusyon ngayon. Dahil ang bunso ko at ang asawa niya ay wala pang matatag na trabaho malamang na umuwi na ko sa kinalakihan kong lugar sa Cavite, At silay makitira muna sa bahay ng balae ko dito din sa Laguna Pero nalulungkot ako dahil mapapahiwalay ako sa mga anak ko at sa apo ko na ako ang nag aalaga sa ngayon.
Kaya naiisip ko tuloy na kundi dahil sa WFH bka naiwasang mangyari ang mga bagay na ito.
Pero ganunpaman handa naman akong tangapin ang biyaya ng Langit sa amin, Ang panibagong Apo na kasasabikan ko ring makita at maalagaan paglabas niya sa mundong ibabaw😊
Kakalungkot nmn...