Benepisyo at epekto ng Teknolohiya sa larangan ng pagsulat

0 66
Avatar for yanami
Written by
3 years ago

Alam natin ang pagsulat ay kailangan matutunan ng bawat isa sa atin, dahil malaki ang matutulong nito sa atin at maaari nitong mabago ang ating buhay. Ngayon, sa panahon natin ay mas umusbong ang teknolohiya, madami ang nagbago,pati sa gawaing pagsulat, sa pag aaral,sa trabaho at iba pa ay naapektuhan din. Paano nga ba nabago ng teknolohiya ang gawaing pagsulat?Ano ang epekto ng teknolohiya sa pagsulat?mabuti ba ang naging epekto nito?. Alam natin malaki ang naging impluwensiya ng teknolohiya sa atin, dahil mas napapadali, napapabilis at napapagaan nito ang trabaho ng tao.

      Malaki ang epekto ng pag usbong ng teknolohiya sa gawaing pagsulat,Lalo na  ngayong henerasyon natin, malaki ang binago nito. Noon ay gumagamit lamang ng lapis, papel ,bolpen at iba’t ibang uri ng panulat, simula noong umusbong ang teknolohiya mas napadali nito ang ating pagsusulat ,ngayon ay mas madami ng gumagamit ng selpon,kompyuter,laptap at kung ano ano pang teknolohiya na pwedeng gumawa ng isang sulatin. Mas napapabilis at napapadali ng teknolohiya ang mga gawaing pagsulat, dahil dina mahihirapan magsulat at magpasa ng mga sulatin.Sa pamamagitan nito mas napapadali din nilang maipapahayag ang kanilang sulatin sa mga mambabasa,dahil ilang pindot lamang ay maipapahatid mo na ito sa kanila,lalo na ang mga taong hilig gumawa ng kwentong babasahin, gaya na lamang ng mga awtor sa “wattpad”, “e-book” at iba pa na madaming tumatangkilik na mambabasa. Madami ang mabuting dulot at benepisyo ng teknolohiya sa atin lalo na sa gawaing pagsusulat. Halos lahat na ngayon ang ginagamit na sa pagsusulat ay selpon,tablet,laptop o kaya kompyuter dahil mas nadadalian sila dito o mas komportable na sila na ito ang gamitin sa pagsusulat. Lalo na ngayong pandemya na gamit na gamit ang teknolohiya dahil ito ang kasangkapan natin ngayon upang maipagpatuloy ang mga nakasanayan nating gawin noong wala pa ang pandemya, gaya na lamang ng “online class” na dati ay kailangan pang pumasok sa paralan upang mag aral. Ang gamit natin ngayon sa pag aaral ay mga gadyet upang makapagsulat,makapaganap sa internet ng ideya at pagpapasa ng ating mga gawa sa mga guro. Isang halimbawa ang paggawa ng sulating  sanaysay,repleksiyon at iba pa gamit ang selpon o kaya kompyuter para sa takdang aralin. Sa paggamit ng teknolohiya sa pagsula ay dapat tayong maging maingat,lakapan natin ito ng may isip na gawa,huwag natin itong gamitin sa pagsira ng ibang tao o gamitin sa hindi magandang paraan.Sa pagsusulat isipin natin mabuti ang ating mga sulatin,dahil sa high-tech na ngayon ang teknolohiya,ilang pindot mo lamang ay maari ka ng makabago,makaimpluwensya,makasira,at makatulong sa ibang tao. Dito pa lamang ay naimpluwensyahan na at nakita na natin ang pagbabago sa larangan ng gawaing sulatin  sa pag usabong ng teknolohiya, imbes na magsulat tayo sa papel,karamihan ngayon ay sa gadyet na nagsusulat ng mga sulatin .Kaya di natin maikakaila na malaki ang nabago simula nung umusbong ang teknolohiya.

       Kaya naman, sa panahon natin ngayon na umusbong ang teknolohiya at lubos natin itong nagagamit sa gawaing sulatin , kailangan din nating kontrolin at samahan ng isip ang paggamit nito dahil maari tayong makasakit ng ibang tao at matindi ay makulong , dahil sa pagsusulat ng di kanais nais at  paggamit ng teknolohiya sa maling paraan. Gamitin natin ito upang manghikayat, magpahayag ng may katotohanan at pang aliw ng tama sa mga tao. Sabi nga nila “think before you click”.

-1
$ 0.00
Avatar for yanami
Written by
3 years ago

Comments