Ayon sa pamunuan ng PBA, hindi muna mabibigyan ng schedule ng laro ang NorthPort Batang Pier. Ang press release ng PBA ay upang sila ay sumunod sa "health and safety protocols." At dahil hindi sinabi ang tunay na dahilan kung bakit wala silang laro ay may haka-haka na merong ilang miyembro ng team nila na nagkaron ng COVID. Ano man ang tunay na dahilan ay umaasa ang mga fans na maging ligtas ang lahat upang muli silang makapaglaro at mapanood.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet