Tips Para Madali Lang Mahire Bilang Online Teacher, At Mga Sites Na Puwedeng Aplayan
Usong-uso ngayon ang online teaching, o di-kaya’y ESL education. Kahit di ka nakapagtapos ng 4-year college degree, puwede ka pa ring magturo sa ganitong trabaho. Heto ang mga dapat malaman para madali lang ma-hire:
Mga katangiang dapat mong angkinin:
Mabuting tagapakinig – Kahit ikaw ang madalas na magsasalita sa trabahong ito, dapat ay magbibigay ka rin ng oras para pagsalitain ang mga estudyante mo. Sa ganitong paraan, mas lalo kayong magkaka-intidihan, at mas tataas ang gana nilang makinig sa iyo.
Mahusay na pananalita – Bilang isang tagapagturo, ang katangiang ito ay natural at nararapat lang talaga. Paghusayan mo ang abilidad na ito at tiyak madali ka lang ma-hire.
Mataas na kumpiyansa sa sarili – Kung wala kang tiwala sa sarili mo, hindi mo ma-aasahang pagka-katiwalaan ka rin ng mga estudyante mo. Angkinin mo ang katangiang tinatawag na high “self-confidence.”
Magkano ang kikitain sa online teaching?
Ang pinaka-mababang rate sa ngayon ay nasa $10 per hour, ang pinakamataas ay nasa $40.
Saan ka pwedeng mag-apply?
Heto ang mga pinakasikat na online-teaching companies:
ABC 360 – abc360.com
Lingual Box – lingualbox.com
51Talk – 51talk.ph
Acadsoc – acadsoc.ph
Kung wala kang college degree, heto ang mga puwede mong pag-aplayan:
Weblio – weblio.com
Unhoop – unhoop.ph
Topica Native – topica.asia
Panda ABC – pandaabc.recruitee.com
Data Entry Jobs: Mga Hakbang Para Madali Lang Ma-hire Sa Trabahong Ito
Ang trabahong data entry ay ang pinakamaraming job vacancies sa internet. Ang distadvantage sa trabahong ito ay napakarami rin ng iyong magiging kakumpitensiya.
Para madali lang ma-hire bilang isang data entry clerk, ganito ang mga dapat mong gawin:
1. Huwag ipakitang interesado ka lamang sa pagta-type ng data.
Kahit data entry lang talaga ang pakay mo sa pag-aaply online, ipakita mo rin ang interes mo na matuto at sumubok ng iba pang uri ng trabaho. Sa ganitong paraan, mas magiging interesado ang ilang kompanya para i-hire ka.
2. Ipakita mong isa kang tunay na propesyunal
Sa iyong online resume, at sa iyong social media page (linkedin.com ang tumpak para dito), ay ipakita mo ang “professional version” ng sarili mo. Dapat mong i-highlight ang iyong relevant skills.
3. Mag-aral at magpraktis ng “touch-typing”
Ang technique na ito ay isang abilidad na hindi mo na kailangang tumingin palagi sa keyboard kapag nagta-type. Kailangan ng matinding praktis para matutunan ito. May nga website na puwede mong puntahan para doon ka makapag-praktis.
Saan ka puwedeng mag-apply?
Puwede kang gumawa ng account sa mga website gaya ng Fiverr.com, Freelancer.com, at Upwork.com. Pero ngayon, masyado nang mahirap ma-hire sa mga website na iyon. Puwede kang mag-apply na lang ng direkta sa mga website na ito na nagha-hire talaga ng online typists:
Microworkers.com
Mturk.com
Remotasks.com
SupaAgents.com
Workmaket.com
Marami pa tayong susunod na ganitong "work at home guides."
Sa susunod ulit!
I try some of this, but many requirement needed. Then i came across to - "2captcha.com" reliable paying site. No husstle, just simple do the capctha then they will pay depends on the time you spend.