My childhood crush (Part2)

0 11
Avatar for wondergirlwriter
2 years ago
Topics: Love story
Ito na po yung part2 ng aking kwento.
I hope matapos kona ito ngayon!

Hiniram ko yung kanyang algebra book and then paguwi ng bahay deretso ko siya open para nga hanapin yung page ng assignment namin. Tapos may napansin akong maliit na notes.

Ang nkalagay sa notes ay "Jing pwd ba akong manligaw?". Huminto yung mundo ko at inulit ulit ko pa siyang basahin. Hindi kasi pumasok agad sa utak ko hahaha!!!

Pagkatapos huminga ako ng malalim nkalimutan ko yung sasagotan ko dahil nga sa maliit na sulat na yun. Hindi ko alam ano isasagot ko sa kanya. Binalik ko sa libro yung sulat kunwari nalang na hindi ko yun nabasa dedmabels mga sis!! Kasi nman hindi ko talaga siya kayang kausapin at harapin.

Pinagpatuloy ko yung aking ginagawa hangang sa matapos ko nman siya nong gabing yun at balak ko na sana na isauli agad sa kanya yung libro kaso d ko alam pano siya harapin. Kaya sabi ko sa isip ko ay ipagpapabukas ko nalang. Nang gabing iyon ay hindi ako makatulog naiisip ko yung sulat gusto ko nga sana itago para gets niya na na nabasa ko. Kaso nanaig parin yung takot sa akin kasi bata pa kami at strikto ang mga magulang ko paniguradong hindi sila papayag.

Kinabukasan maaga ako nagising parin kahit na puyat hahaha! Pagkatapos ko magalmusal ay sigurado nako na ibabalik ko na book niya bago kami pumasok sa kanya kanyang school. Pagkatapos ko maligo at magalmusal ay papunta nako sa bahay nila.

"Anil..."tawag ko sa kanya wala atang tao, kumatok ako. Kasi baka tulog pa mama niya. Maya maya ay lumabas kapatid niya tinanong ko kung asan kuya niya? Sabi nman ng bunso niyang kapatid nasa banyo daw naliligo.

Bigla akong naginhawaan kasi hindi kami magkakaharap ngayon. Kaso biglang sumigaw kapatid niya.

"Kuya!!! Andito si ate Jing!". Sigaw ng kapatid niya.

"Pakibigay nalang sa kuya mo itong hiniram kong libro nasa banyo pa pala siya mauna nako malalate na kasi ko." Dali dali kong sabi sa kapatid niya. Sabay abot ng libro.

Sabay talikod nadin agad kasi talagang yung kaba ko sobrang sasabog na yung kapatid niya kasi bakit pa kasi tinawag. Nakailang hakbang nako ng may biglang humila sa bag ko. At nanlaki mata ko kasi mga sis akalain mo nakatapis lang siya at basang basa pa yung kanyang buhok at nagmamadaling lumapit sa akin.

"Wait lang Jing... Ahhmmm nabasa mo ba?".tanong niya sa akin na parang nauutal tas nakangiti kita yung dalawang dimples eh.

"Alin ang nabasa,binalik ko lang yung libro mo andon kay adrian salamat ha". Nanginginig na sabi ko pero deep inside eh para nakong guguho. Dko ko lang pinahalata ni hindi ko siya tinitingnan.

"Hindi mo ba nakita yung sulat?" parang bata na hindi pinagbigyan itsura niya. Pero pinanindigan ko parin na hindi ko nabasa yung sulat niya.

"Hindi eh ano ba yun, sige mamaya na lang malalate na talaga ako." Nagmamadali na akong umalis bago pa niya masabi at bago pa ako himatayin,hahahha.

Buti nalang hindi na din siya nagpilit na habulin ako,siguro pumasok na din yun. Mabuti nalang nong mga time na yun ay hindi pa gaano uso ang cellphone kaya may thrill pa talaga ang mga ganun kasi talagang magttyaga ka at mabubuang ka kakaisip kung ano gingawa niya kung kumain na ba siya. Hindi tulad ngayon na ultimong ccr ay alam n alam mo about sa crush mo hahaha!!!

Habang nasa school hindi ko talaga mapigilan hindi siya isipin andon yung d makapag focus sa lesson pati mga friends ko e tulala daw ako maghapon. Pero excited ako umuwi kasi makikita ko siya. Gusto ko ng hilahin yung oras para maguwian na. Sana talaga maguwian na para makita kona siya. Don lang sa bintana ng kwarto ko kitang kita kona kung ano ginagawa niya.

Dumating na nga yung inaasam ko na maguwian na kami kaso yun lang cleaners pala ako ng time na yun kaya ayon imbis 4:30 nasa bahay nako mga 5:30pm nako mkakauwi nito at mga time na yun wala siya sa bahay dahil nagbabasketball sila sa kabilang baranggay.

Natapos din kami sa paglilinis at sa wakas makakuwi na din. Malayo kasi ang school namin bali dalawang sakay ako kaya kapag talaga late kang gumising ay malalate kang talaga sa klase mo. Buti nalang mabilis ding mapuno yung trysikel at nasa bayan na agad ako at sasakay na pauwi sa bahay namin.

Pag baba ko tumigin agad ako sa bahay nila yung akala kong dko siya makikita ng hapon na yun andon sila nagkkwnetohan lang ng mga barkada niya. Deretso pasok ako sa bahay alam niya kasi na magpapalit pakong damit. At alam niya din na magiigib din ako ng tubig na yung bombahan naka pwesto talaga doon mismo sa harap ng bahay nila.

Pakatapos kung magmeryenda, yung gawain kong maghugas ng pingan ay kinuha kona yung timba at punta na sa bombahan. Andon parin sila patuloy ako sa pagbomba nakikita ko sa side view ng mata ko na nakatingin siya sa akin. Hindi siya makalapit kasi andon mga barkada niya kapag lumapit siya baka malaman ng barkada niya at tuksuhin kami kaya nakita ko na nagtimpi din siyang lumapit sa akin.

Hangang sa matapos ako magigib ay hindi siya nakalapit sa akin. Pero nong time na yun may maliit na sari-sari store ang mama ko. Akala ko mkakaligtas nako sa tanong niya pakatapos ng gawain ko may bumibili at siya pala.

"Jing iniiwasan mo ba ako?" Tanong niya sa akin.

"Ha, hindi ah bakit naman kita iiwasan." Sabay baling sa ibang gawain hahahha pakipot ng todo girl hahaha

"Kasi simula nong napahiram ko yung libro ko ay naging ganyan ka na sa akin, hindi ka naman dating ganyan siguro nabasa mo yung sulat ko no.?" Asar niya sa akin..

"Sssshhhh, huwag ka nga maingay baka marinig tayo ni mama." Saway ko sa kanya.

"So nabasa mo?" Makulit na tanong niya..

"Oo, " nahihiya ko naman na sagot.

"So ano jing pwd ba?" Makulit na tanong niya sakin na grabe ung ngiti samantalang ako sobrang lamig ng kamay ko kaba ko grabe hahaha tapos ngingiti ngiti lang siya.hahaha

"Alam mo nman na bata pa tayo at magagalit sila mama magkaibigan pa nman si mama mo at mama ko." Yun ang nasagot ko sakanya.

"Eh d wag natin ipaalam sakanila, gusto kita jing noon pa, nong unang lipat palang namin dito ikaw na agad ang napansin ko. Yung simple mong ganda, simpleng ikaw yan ang gusto ko sa babae." Sabi niya sa akin na ramdam kong totoo naman kita ko sa mata niya.

Wala talaga akong maisagot halos yung bibig ko hindi ko maibuka kong ano sasabihin sakanya. Naramdaman kong nakatitig siya sa akin at parang unti-unting lumalapit yung mukha niya sa mukha ko.. Halos para akong nahepnotized sa mga titig niya at hindi ako makagalaw. Nong halos daliri nalang pagitan ng mga labi namin.

"Jing..." Tawag ng mama ko...

Biglang nakabalik ako sa sarili ko hahahha muntikan na yun hahhaha..Biglang uwi din si anil nong time na yun.

"Po, ma".....

To be continued....

Abangan po ulit mga sis medyo napahaba.
Mukhang naging nobela na ito.hahaha

2
$ 0.05
$ 0.05 from @Bloghound
Sponsors of wondergirlwriter
empty
empty
empty
Avatar for wondergirlwriter
2 years ago
Topics: Love story

Comments