Hello read.cash family!!!
Back when I was in my 1st yr college, our prof gave us a project wherein we are tasked to create an original composition about the importance of Agriculture. So, I want to share with you my perspectives through this song.
Hope you'll like it! 😊
Verse 1.
Ating simulan, pagbibigay-halaga sa agrikultura
Sa panahon ngayon, lahat kayang umahon
Sipag at tyaga lang sa lahat ng hamon
Sa agrikultura lahat may solusyon
Verse 2.
Ating ipagmalaki, tayo ay isang Bucafeño
"Magsasaka lang" kung ituring
'Di nila alam ating gawain
Sa agrikultura ay may aanihin
Ref.
Oh, ating ipaglaban
'Wag hahayaang
Agrikultura'y tuluyang lumisan
Chorus.
Ito ang susi sa'ting kaunlaran
Ang edukasyon sa pagtatanim may aanihin
Ito ay trabahong marangal,
Hatid sa ati'y puri at dangal
Tunay ngang sa agrikultura
Wala ng hahanapin pa
Verse 3.
Ating payabungin, agrikulturang sa ati'y sumasalamin
Mahirap man o mayaman, lahat dito'y umaasa
Mahirap man ito sa umpisa
Ikaw nama'y may matatamasa
Sa Agrikultura buhay ay gaganda
(Ref & Cho)
Coda.
Wala ng hahanapin pa...
Tunay ngang sa agrikultura
Wala ng hahanapin pa
I will try to translate it to English so that everyone can understand the thoughts I am sharing. I was fond of composing songs tho I don't have a beautiful voice for recordings hahaha.
Keepsafe!!!
I hate people dragging farmers dahil sa magsasaka sila and they don't earn too much money from that. Nakakainis diba. Kahit hindi ko pa naranasan yung pagod nila sa maghapon alam kong yung inaani nila is hindi dapat sinasayang. Grabe yung pagod nila, matindi yun. Kaya saludo ako sa lahat ng farmers. Ang taas ng tingin ko sa kanila.