The Man That I Loved: My Dad (Happy Father's Day To All Daddy's)

7 21
Avatar for whitney123
3 years ago
Me and My Dad

June 20, we celebrate Father's Day. Kaarawan ng mga tatay, dad, itay, papa, dada o ano pa man ang tawag natin sa kanila. Pati na rin ang mga tito at lolo natin. Kaya, ngayon, we should give something to them even letters, flowers or cake. HAPPY FATHER'S DAY!!

Being a father is a great responsibility to his family. Father can do all the things for us even sometimes they can't do it. Even sometimes, they wanted to give up.

Yung kahit, napakahirap na ng sitwasyon sa buhay. Ngunit, patuloy parin silang kumakayod at nagtatrabaho para may pambiling pagkain sa atin. Dahil, sila ang haligi ng tahanan at sa kanila lang tayo sumasandal.

Napakahirap sa atin na mga anak na makita silang umiiyak, napapagod, nagkakasakit at matamlay. Dibah? Kaya, habang buhay pa sila. Habang nasa piling pa natin sila. Ipakita natin na mahal na mahal natin sila.

Ako, ay lumaki sa tatay at nanay ko. Lumaki din ako sa hirap at namulat sa mundong nakikita ang aking mga magulang na naghihirap din. Lalo na ang aking tatay. Dahil, siya lamang ang nag-iisang nagtataguyod sa amin lahat. Kahit mainit ang araw, umuulan man ay nagtatrabaho pa din siya para may makain lang kami.

Alam niyo? Kung may sama kayo ng loob sa kanila. Please, please, please.... Break it!! Mahalin ninyo ang inyung itay dahil, patanda ng patanda ang ating mga magulang. Di natin alam kung kelan sila mawawala. Kung, Kelan sila manghihina.

Napakasakit na makita ang ating papa na umiiyak. Alam niyo, one time nakita ko si papa umiiyak. Dahil , pagod na daw siya. Gusto ko talaga tumulong noon sa financial problem namin. Kaso, wala akong magawa dahil minorde edad pa ako at di pa ako pwede magtrabaho.

Tumutulo at nasasaktan talaga ako pag nakikita kong malungkot papa ko. Lalo na yung na hospital siya at na oxygen. Di na namin alam ang gawin. Dasal ng dasal ang aming ginawa. Dahil, bata pa kami at kailangan pa namin siya hanggang sa pagtanda namin. Iyak ng iyak talaga kami. Na para bang pasan namin ang mundo.

Kaya ngayon, gusto ko suklian ang paghihirap ni papa sa aming pitong magkakapatid. Dahil, napakabait niya talaga sa amin. Normal lang naman na magalit minsan ang parents natin, dahil, mahal nila tayo at gusto nilang matuto tayo sa mga pagkakamali natin at lumaki bilang matino.

Nagplano-plano kami kanina, na bumili ng cake. Nag withdraw ako sa naipon ko dito. Di ko alam kung kelan pa ako maka 1 BCH kung parati lang nag se-sell. hehehe... Pero, ok lang, nasa tama naman din nagamit ang pera.

Bumili ako ng cake, beer niya, karne, pang sangyup, pansit at crab stick. Tapos, sa isang kapatid ko naman is sagot niya ang pepsi. Nung isa naman sagot niya ang hotdog at karneng baka. Ang isa naman ang mag-aayos. Tulong-tulong lang kahit sa konteng bagay. Minsan lang to kaya pagbigyan natin sila dahil nung bata pa tayo, sila ay gumagastos para sa ating kaarawan.

Siguro, ito ang unang celebration ng Father's Day na nahandaan namin si papa. Ang papa ko ay mag 60 na next year.

Habang nasa piling pa natin sila, ipadama natin ang tunay na pagmamahal at pagpapasalamat sa kanilang pagsasakripisyo sa atin upang mabigyan lang tayo ng mabuting buhay at magandang kinabukasan.

Wag nating ikahiya ang ating tatay. Kahit ano pa man sila, sino pa man sila o ano ang kanilang mukha't damit. Dahil, sila pa din ang isang lalake na lagi tayong mamahalin habang buhay. Kung, di mo man kapiling ang iyong tatay ngayon. Ipanalangin na lamang sila sa Panginoong Diyos na sila ay nasa mabuting lagay.

Sa uulitin. Happy Father's Day sa lahat ng mga AMA sa Buong Mundo. God Bless po.

Na hug mo na ba ang iyong tatay ngayon??

@whitney123

4
$ 0.88
$ 0.81 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @mommykim
$ 0.02 from @Caroline17
Sponsors of whitney123
empty
empty
empty
Avatar for whitney123
3 years ago

Comments

Sweet 😍. Happy Father's day to your Father po.

$ 0.00
3 years ago

already hug and kissed him. Happy father day sa papa mo

God Bless!

$ 0.01
3 years ago

Thank you so much mommykim. ❤🎉Pati din sa daddy at sa asawa mo..Labyu all. Ingat parati po

$ 0.00
3 years ago

single mom po ako beb...thank you.will send your regards to my Papz😁

$ 0.00
3 years ago