Ang tulang Para Sa'yo

0 13
Avatar for weareanything
3 years ago

Ikaw sana'y naging akin
'Pagkat nais ka at ika'y iniibig din.
Mahal wag mo sanang iisiping
Pinagmamalupitan ka, 'pagkat ako'y nasasaktan din.

Kung nanaisin mo, ika'y aalagaan ko.
'Pagsisilbiha't pakaiingatan ko.
Subalit pinili mong talikdan ako
Sa kanyang mga kamay, pinagkatiwala ang buhay mo.

Kung nanaisin mo, ika'y tatanggapin.
Tinalikdan man ako, ikaw pari'y mamahalin
Subalit pinili sya at sa kanya'y inihabilin
Ang puso mong tulad ko na nagnanasa rin.

Kung nanaisin mo, sarili'y iaalay,
Kahuli-hulihang hininga, sa'yo rin ibibigay.
Subalit pinili mong ito'y mawalan ng saysay.
Binalewala, sinayang ang aking buhay.

Kung nanaisin mo, puso sa iyo'y ilalaan,
Maging bunga man nito ay ang maaga kong paglisan
Subalit pinili mo na ito'y pabayaan.
Pagmasdan mo, naghihingalo, nagdurusa't sugatan.

Nahabag ka sa iyong pagwawalang bahala.
Nanlumo sa sarili at pinagsisihan ang mga nagawa.
Pinulot ang puso kong pagtibok ay wala na.
Bakit ngayon lang? Ang lahat ay huli na.

Ngayo'y nakikiusap ka na ako'y magbalik pa.
Muli kang tanggapin at ako'y di na sasaktan pa.
Ang huli kong sambit, "Dapat sana ay noon pa."
Hindi ngayon o bukas, 'Pagkat ang puso ko ay bato na.

1
$ 0.00

Comments