Si ate michelle at isang hapong kay ganda

11 39
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Si Ate Michelle, nagbibigay siya. Binigyan niya kami ng mga tasa. Ilang tasa nga ba? Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, … Maraming tasa ang naibigay niya.

Noong nagdaang birthday ni bunso, nagbigay pa siya ng marami pang baso. May isa pang mug na nakahalo. Ang saya saya ko noong natanggap ko ang mug. Mahilig kasi ako na magkape.

Sa tuwing tinitignan ko ang lalagyan ng mga plato, mangkok, kutsara at mga tasa, nakikita ko ang mga tas na ibinigay ni Ate Michelle. Ugali kasi ni Ate Michelle na sa kabila ng kaunting pagkakuripot niya, naiisipan niya pa rin kaming bigyan ng kung anu-ano. Gustong-gusto ko naman.

Sa totoo lang, pati pala mga damit ko, halos lahat ng sinusuot ko ay iyong mga naibigay niya noon. Sobrang laki ko na talaga kasi kaya ‘yong mga bigay niya nasusuot ko kasi nagkataon na malalaking damit ang mga iyon.

Nakita siguro ni Ate Michelle ang pagtitipid ko sa gamit naming. Naawa siguro siya. O di kaya ay sadyang ugali lang niya ang magbigay. Kapalit noon, ako ang lagi niyang pinupuntahan para makipagkuwentuhan. Yung mga ganoong bagay ba. Hindi naman ako nanghihingi ng kapalit kasi likas lang sa atin na mahilig makisalamuha. Naiintindihan ko naman iyon. Pero siyempre, nagpapasalamat ako sa mga ibinibigay niya.

May oras din pala niya binibigyan niya kami ng mga saging. ‘Yung katutubong saging. Masarap iyon.

Dahil sa mga ibinibigay niya, ako din naman, nagbibigay. Kung may kaunti kaming pagkain na pagsasaluan, inaaya ko siya. Nagpapadala ako sa kanya ng mensahe para pumunta sila sa bahay at kumain, makisaya.

Minsan kapag nagpapadala mga magulang ko ng mga bagay-bagay kagaya ng mani, beans, kamote, binibigyan ko si Ate Michelle.

Nandito sila ngayon para makipagkuwentuhan at para aliwin ang kanyang bunsong anak. Ang bunso niya ay isang taong-gulang at ang bunso ko naman ay dalawang taon na. Tumatawa na lamang kami kasi kung anu-ano pinag-aawayan ng dalawang bata. Hindi nagtagal at dumating din ang isa niya anak, yung pangalawa sa tatlo. Kumakandong pa ang dalawa niyang anak. Palibhasa ay mas maikling panahon ang agwat ng dalawa kaya baby pa rin talaga ito.

Nagkuwentuhan kami habang ako ay nagsusulat sa aking puwesto. Okay lang naman kasi ganito naman talaga kami. Pinabuksan ko ang telebisyon at nanood ang mga bata. Cartoon Network ang pinapanood nila. Iyon nga lang mas masarap pa rin ang laro nila sa mga laruan. Kalat dito, kalat doon. Kung ano pa diyan ang maaaring ikalat ay ikinakalat na nila.

Walang anuman iyon sa akin. Ayusin ko na lang mamayang gabi bago kami matulog.

Bandang hapon na kaya sa ilang sandali na lamang ay uuwi sila Ate Michelle kasama ang dalawa niyang anak. Kami naman ni Denisse ay maiiwan para ipagpatuloy ang buhay na kami lamang. Wala ang dalawang kuya niya at tatay nila na umuwi sa probinsiya ilang araw na ang nakararaan.

Isang full time mom si Ate Michelle pero hinangad din niya noon ang makapagtrabaho. Ngunit dahil may trabaho naman ang kanyang asawa kaya pinag-usapan nila at si Ate ang naiiwang nagbabantay sa mga anak nila.

Isa siyang engineering student. Natapos naman niya ang college niya pero hindi na siya nagboard exam. Ang asawa niya ang nagboard exam at siya na ngayon ang bumubuhay sa kanila. Engineer nga naman ang asawa niya kaya kahit papaano, Malaki laki rin ang sinasahod kaya kahit full time mom si ate ay okay lang.

Minsan sinasabi k okay ate na palit kami ng kinalalagyan. Pero sabi din nila be careful what you wish for. So nagtanda na lang ako. Ayoko din naman na mawala ang trabaho ko kasi kung aalalahanin, ipinagdasal ko din iyon ng todo. Kaya imbes na sinasabi k okay ate nap alit kami ng pwesto para ako ang full time house wife, hindi ko na lang isinakikibo at nananalangin na lamang ako na magiging maayos ang lahat.

At tsaka bakit nga naman ako magfufull time house wife eh uso na ngayon ang working mother. Since hindi naman forever na babies ang mga bata so habang maliliit pa sila ay kaunting adjustments muna pero hindi lubusang pagreresign sa trabaho. Kasi mahirap ang mag apply ulit. Kaya naman pero siyempre yung pagod at emotional stress na ibibigay niya ay hindi rin biro. Kaya kahit mahirap, kakayanin. Hindi naman sa lahat ng oras ay dalamhati. Kung atin ngang tutuosin ay mapalad pa rin tayo ngayon dahil kilala natin Siya.

Kumusta ka na kaibigan? Naibigan mo ba ang aking naisulat ngayon? Nawa ay mayroon ka pa ring napulot na aral kahit pa ang aking nailahad ay ang ordinaryong pangyayari lamang n gaming buhay.

Maraming salamat sa pagbabasa!

9
$ 22.19
$ 22.13 from @TheRandomRewarder
$ 0.05 from @Amy05
$ 0.01 from @Nyctofiles
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments

It's good to know that tagalog articles are now getting more recognition by TRR. I want to give it a shot too pero baka nangalawang na tagalog skills ko kakaenglish dito HAHAHAH

$ 0.00
2 years ago

It's risky, you know. Hehehehe. You might not be able to speak straight english again. But of course that all depends on you. I'm grateful it was noticed even though i spoke in filipino.

$ 0.00
2 years ago

I'll try it to develop my skills in writing In Filipino. Besides writing in Filipino is my forte back then.

$ 0.00
2 years ago

I'm excited to read your article in filipino! Please tag me!

$ 0.00
2 years ago

Hala medyo kapressure HAHAHA. I'll try thank you. Medj naweirdan nako na magtagalog ako eh kasi parang awkward tas baka malalim.

$ 0.00
2 years ago

Oo naibigan ko. Tagalog na tagalog 😂

$ 0.00
2 years ago

Haha! Maraming salamat kaibigan!

$ 0.00
2 years ago

Paano ko naman hindi maiibigan ito? Ang pangalan ko din ay Michelle! Wait, natatawa ako dahil feeling ko, ako ang kinukwento mo. How small is the world. Bago mo ako makilala dito, may Michelle na din pala na nagpapasaya sa iyo. Hahaha!

Di ko alam kung nanotice mo na, pero and username ko na Ellehcim ay Michelle na binaligtad lamang. Hahaha, natatawa pa rin ako! :D

$ 0.00
2 years ago

Hahahah. When Ate Michelle and her kid came to our house this afternoon, I thought about you. hmmm... I thought I will write an article with the name Michelle and if it is the name of @Ellehcim, then she would react. Hahahaha. Ayun, totoo, nagreact ka nga. Got yah!!! Haha!

Thanks always!

$ 0.00
2 years ago

You got me there! Yung first sentence talaga eh. "Si Ate Michelle, nagbibigay siya."

Napaisip talaga ako hahaha! What did I give her? LOL

$ 0.00
2 years ago

Hahahaha! Lol! I did give you something! So that you will wonder. Haha

$ 0.00
2 years ago