Paano nga ba lutasin ang mga problema?

10 62
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Paano ba dapat mamuhay? Paano mo gagawin ang mga bagay-bagay para ito’y matapos? Paano ba lulutasin ang mga problema mo? Paano mo mababayaran mga utang mo na nagkapatong patong? Paano mo matatapos mga gawain na kailangan mo nang tapusin?

Isipin niyo ang pag execute ng operations sa algebra. Mag-add ka man or magmultiply ng maraming numbers, ang gagawin at gagawin mo ay iperform ito by pair (bi) or twos. Kahit 3x3x3x3. Di ba imultiply mo muna ang unang dalawang 3, that would be 9, tapos imultiply mo pa iyon sa 3 para 27, then multiply mo iyon ulit sa 3 para maging 81. O kahit sabihin mo bang imultiply mo ang 3 at 3 sa first two tapos 3x3 ulit sa last two. By twos pa rin iyon. Multiply mo each muna before you finally multiply 9 by 9 para maging 81 pa rin. I hope you got my point.

In others words, paisa isa lang ang gawin or padala-dalawa. Kung magbuhat ka ng mga gamit mo pag naglipat ka ng bahay it does not necessarily mean na buhatin mo minsanan mga gamit mo. Di ba pwede namang magpatulong sa kamag-anak, kaibigan at kapit-bahay? O kung mag-isa mo lang, pwede namang by batch gawin mo.

When it comes to solving your problems, huwag mo namang balikatin lahat. Sabihin mo sa kung sino man ang pinagkakatiwalaan mo. At magpakatibay ka. Lutasin mo problems mo one at a time. Kung sabay sabya man, paisa isa mo pa rin lutasin. Hindi talaga all at once. Or in a short time lutasin mo lahat pero one at a time pa rin.

Naku, dadako na tayo sa utang utang nanaman. Paano mo nga ba mababayaran mga utang mong hindi matapos-tapos? Malubha din kasi ito kapag ito ang iyong naging suliranin. Magtatrabaho ka araw-araw na para ka nang alipin ng utang mo. Pati mga kamag-anak mo ay ijujudge ka talaga. Pero ganoon talaga, bakit ka nga kasi nangutang kung di mo kayang bayaran di ba? Pero mali rin iyon na sabihin mo sa kapwa. Nangutang siya kasi may pangangailangan siya. Minsan nangungutang tayo dahil nangangailangan tayo. Ewan ko lang din kasi sa mga kagaya ko. May mas magandang alternatibo pero bakit pa sa loan sharks tayo nangutang. Ayun tuloy, parang wala nang katuturan ang mga ginagawa natin. Pero huwag din tayong malumbay. Kung ikaw ay kagaya ko na baon sa utang, maging patient ka lang sa sarili mo. Work double and make sure na sa kaanak ka or kaibigan uutang tapos make sure na bayaran mo sila paisa isa. Hanggang sa matapos. Magpakumbaba na lang. ano pa nga ba? Hindi ba? Take it one day at a time. Always believe that He will not forsake you.

Minsan, naiisip ko rin na kaya siguro hindi pa Niya tinatapos mga suliranin ko kasi sadyang matigas din lang ang ulo ko. Mayabang, magastos minsan, sobrang matipid din, at padalus-dalos. Alam ko gusto muna Niya ako disiplinahin para naman magtanda ako ng todo. Grabe talaga ang hinagpis ko. Minsan pati sa family ko I can’t face them. Para lang kasing there’s this something na sinasabi nila na heto nanaman yung maraming utang. But I know baka sa system ko lang iyon. Pero minsan malakas din kasi ang pang-amoy natin lalo na kapag tayo ang nasa hot seat.

Anyway, my point here is that we have to take things one at a time. or like yung operations sa math na we solve using two elements at a time. Kaya nga sila tinawag na binomial operations eh kasi by two’s lang talaga ang execution. Kahit isipin mo ito ng million times.

Naniniwala ako na matutulungan ako ng aking Panginoon. Ikaw ba? Ano ang paniniwala mo? Para kasing mas maganda na lang na magtiwala at ibigay sa Kanya ang lahat eh. Kasi kung nagkataon, mawawalan na talaga ako ng bait. Marami na rin kayang pagkakataon na ako talaga ay literal na nawalan ng bait. Para akong baliw tapos iyak lang ako nang iyak. Naapektuhan pa ang mga bata. Tuwing naaalala ko lang Siya tsaka ako nananahimik at nakikipag-usap nanaman sa Kanya.

Sige na lang po, kung ito ang Iyong mensahe sa akin, susunod po ako. Ewan ko, basta Siya lang naman ang magbibigay sa atin ng tunay na kaligayahan. Kailangan lang na manalangin tayo.

Ano pa man iyang iyong pinagdadaanan, kaibigan, manalangin na lang tayo sa Kanya na siya ang lulutas sa ating problema. Pero siyempre, kailangan din nating kumilos. Humingi tayo ng gabay sa kung ano ba talaga ang gagawin natin. Magpakumbaba tayo at magdasal tayo ng taimtim. Huwag tayong bibitaw, kaibigan. Ganito ang totoong mabuhay. Pero mapalad ka rin dahil mayroon kang pinagdadaanan. Ibig sabihin you are being constructed for something special.

Gusto kong ipaunawa na mayroon man akong maraming utang sa ngayon pero iyon na rin ang daan para lagi ko Siyang makilala. Iyon ay pawing katotohanan lamang sa sitwasyon ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin sigurado kung kalian ako makaka breakthrough pero with Him I will be able to bear all the pain for all my trials and tribulations.

As of writing time para akong ewan dito sa screen. Baka sabihin ng makakakita sa akin na may sibuyas ang computer. Bakit siya umiiyak? Lingid sa kanilang kaalaman, may sibuyas nga sa laptop! Kaya nga ako umiiyak eh.

Naku naku naku, heto nanaman tayo, marami nang problema ay pamimilosopo pa rin ang ginagawa.

Pero totoo po, my friend, we just have to believe in Him.

That’s all for today. Ako pa rin ay nagagalak na ako ay  buhay at masigla ang aking mga anak. Most of all, I’m happy that I have this problem. If now, paano ko nanaman Siya makikilala?

Put your thoughts down the comment section.

Thanks for reading! Salamat po sa pagbabasa!

8
$ 14.88
$ 14.87 from @TheRandomRewarder
$ 0.01 from @kingofreview
Avatar for wakeuplincs
2 years ago

Comments

So binasa ko talaga ung post haha taglish baka nga nauunawaan din admin nuh😅 Salamat sa pag share lodz..

$ 0.00
2 years ago

Parang gusto ko e try ang tag-lish ☺️ Laban lng po. Lahat ng problema malulutas. Kasi di po tayo bibigyan ni God ng problema na di natin kayang lutasin ☺️

$ 0.00
2 years ago

Try niyo lang! Haha. Pero make sure na makakabalik ka sa straight english. nasasanay din sa Filipino at matetempt ka talaga magtaglish. like me haha. thanks ulit po. Huhu

$ 0.00
2 years ago

Kailangan ko ba na baklasin ang isang rubricks cube na nagrerepresent sa sarili ko para lang maayos ang sarili ko? Sa tingin ko, hindi ko na alam kung nasa tamang ayos lang ba ako.

Try ko rin po na ganitong genre pero kaso baka hanggang try lang

$ 0.00
2 years ago

Ahahaha natutuwa talaga ako. Hindi ko inexpect na marami magrereact. Kaya mo yan! salamat a pagbisita and sa upvote.

$ 0.00
2 years ago

Dahil sayo po, ni try ko magtagalog hihihi Okay lng po yan lahat po malalampasan nyon Kailangan lng talaga nating magtiwala sa Kanya. 🥰

$ 0.00
2 years ago

natutuwa ako na you spoke Filipino. Thank you so much! I will. Huhu!

$ 0.00
2 years ago

Nauubusan na rin po kasi ko ng english 😅 Laban lng po tayo sa buhay.

$ 0.00
2 years ago

I think ikaw lang ang naka-follow ako na gumagamit ng mix of English and Filipino words. I feel so comfortable reading them as always. Maybe in the future, susubok din ako magpost ng very personal taglish article for fun..

$ 0.00
2 years ago

Heto ang language siguro ng mga nagsusulat noon sa mga tabloid dati haha. At sinubukan ko lang if carry ko. Mukhang okay nga kasi binabasa niyo naman. Haha. Sige, try mo nga then tag mo ako hahaha.

$ 0.00
2 years ago