ANTENA Sino sa inyo ang nakaranas na mag-ikot ng antenna? Nakakabit ang antena namin sa mahabang kawayan upang mas malinaw at magkaroon ng stable na signal ang TV. Maiinip na may halong inis lalo na kapag maganda at kaabang-abang ang pinanunuod noon. Bukod sa pag-iikot ng antena, naranasan ko rin na tapikin sa likod ang tv namin para bumalik ang mga tao kase bigla na lang na-black ang screen at boses na lang ang maririnig. Nakakatuwa isipin ang nangyare noon kung ating babalikan. Sa ngayon, bihira na lang ako makakita ng tv na malapad ang likod, halos lahat ay flat screen tv na ang gamit kung walang antenna ay cable na ang gamit para makapanuod ng paboritong palabas Magkaganun man, kahit magbago man ang uri ng ating pamumuhay alam natin na may mababalikan tayong alaala na makapagbibigay ng ngiti sa atin. Magandang gabi sa atin. Sweet dreams at the same time. π
20 comments
Tapos maranasan ko pang nilalagyan ng tinidor
Ay opo. Titikuin rin ang tinidor. π
Ako laging taga ikot noon. Kapag cartoons na. Hahahah
Same tayo sis tapos pag-okay na tapos na pala. Hahha
Puro flatscreen at smart TV na po ngayon hahaha
Truuu po. Palakihan na lang po. Haha
Noon nung bata pa ako sis. π
Relate sis π
naalala ko yan pinagawa sa akin pro may buho/kawayan na mahaba na nakaturok sa lupa. tapos iikot ikotin lang pag wlang makita sa tv. minsan sa inis ko gusto ko ng itumba hahah
Same po tayo nakaturok rin po sa lupa yung mahabang kawayan hahaha. Minsan naikot na lahat ng direksiyon wala pa rin. Wahahah
kya nga eh. lalo na pag katapos lang ng bagyuhan. kaloka. sarap tagain ung buho eh heheh
Kmi lately ganyan dinπ€£
Kailangan orasyonan sis para gumana haha
Ikot ikot lng
Nung wala pa kami cable noon ay antenna din gamit namin hehe.
Kapag walang load ang cable, walang signal π
Kung minsan matibay pa yong likod maraming taon bago masira di tulad ngayon hindi nga istorbo dahil flat .Ang dali naman masira unlike noon maipapamana pa.Good morning happy sunday:)
Tama ka jan sis kasi yung tv nina lola hanggang ngayon gumagana pa at malinaw ang mga palabas. Pangmalakasan. Hehe
Totoo yarn ikaw ang mananawa matitibay talaga sya unlike yong tv ngayon bawal maalog yong mga nabili ng brother ko ayown mga sira na ahaha
Ganyan din kami noon sis nong nag uumpisa plang kami hehe patibayan ng antena dapat may hagdan din para pag lumabo akyat agad sa kawayan hehe. Nakakatuwang maalala yon.. good morning sis.