read.cash Log in
@unknownymous19

@unknownymous19 in June 2022

@unknownymous19

Tryin' something out of my Comfort Zone so just bear with me for now.

@unknownymous19

KAPE ... Apat lamang na letra Ngunit nagbibigay ng sigla Kapag di nakapagtimpla Di kumpleto ang umaga. Sa bawat halo at higop Init ay nanunot sa lalamunan Patungo sa sikmurang kumakalam Nang ang buong araw ay siya ng masimulan. PS. Kanino ka nga bumabangon? #CoffeeADay - unknownymous -

@unknownymous19

Kay bilis naman lumipas ang panahon, di mo akalain katapusan na naman. Tatlumpong araw na ang nagdaan at nasa kalagitnaan na tayo ng taon. Ika nga, ang lumipas ay tapos na - babaunin ang mga maganda't mapait na alaala kahit ang ilan sa mga ito ay limot na. Magtatapos man ang buwang ito, may aabangan naman tayong panibagong bukas at buwan. Panibagong simula at pagkakataon kahit hinay-hinay basta umuusad. Tapikin ang balikat at sabihin sa iyong sarili - SELF, YOU'RE DOING JUST…

@unknownymous19

Isilong na ang dapat isilong, itabi na ang mga mababasa, ihanda na ang mga balde at palanggana para sahurin ang mga tumutulo sa bubong. Ito ay ilan lamang sa mga eksena kapag umuulan. Maghapon ay tirik naman ang araw, ngayon bumubuhos ang malakas na ulan. 🌧️ Naalala ko noon, tuwing umuulan, tuwang-tuwa kami kapag umuulan. Handang ng mabasa at magtampisaw sa ulan magkakasamang naghahabulan at nagtatakbuhan. Hindi iniinda ang ginaw na dulot ng ulan. Masaya lang... kay sarap…