Kay bilis naman lumipas ang panahon, di mo akalain katapusan na naman. Tatlumpong araw na ang nagdaan at nasa kalagitnaan na tayo ng taon. Ika nga, ang lumipas ay tapos na - babaunin ang mga maganda't mapait na alaala kahit ang ilan sa mga ito ay limot na. Magtatapos man ang buwang ito, may aabangan naman tayong panibagong bukas at buwan. Panibagong simula at pagkakataon kahit hinay-hinay basta umuusad. Tapikin ang balikat at sabihin sa iyong sarili - SELF, YOU'RE DOING JUST FINE! 🤗 PS. Isa pang aabangan ngayon katapusan - may SAHOD na ba? 😅
No comments yet