Isilong na ang dapat isilong, itabi na ang mga mababasa, ihanda na ang mga balde at palanggana para sahurin ang mga tumutulo sa bubong. Ito ay ilan lamang sa mga eksena kapag umuulan. Maghapon ay tirik naman ang araw, ngayon bumubuhos ang malakas na ulan. 🌧️ Naalala ko noon, tuwing umuulan, tuwang-tuwa kami kapag umuulan. Handang ng mabasa at magtampisaw sa ulan magkakasamang naghahabulan at nagtatakbuhan. Hindi iniinda ang ginaw na dulot ng ulan. Masaya lang... kay sarap balik - balikan. Ngayon tuwing umuulan, tanging maririnig lang ang sunod - sunod na mga patak ng ulan. Nabalot na ng katahimikan, tulala sa kawalan. Magandang gabi! PS. Tag-ulan na naman. Wag kalimutang magdala ng payong o kapote. 😁
No comments yet