Kumusta ka kaibigan?

0 30
Avatar for ughyannie
3 years ago

Ngayong kasalukuyan nating hinaharap ang pandemic at sinusunod ang mga panukala ng gobyerno gaya ng quarantine at social distancing nais ko lang malaman kung kumusta ka?

Andaming nangyayare sa mundo ngayon, at kahit mismo dito sa Pilipinas kaya hindi nakakapagtaka kung ang iyong mental health ay labis na naaapektuhan.

As for me, negatibo ang naging epekto ng pandemic sa aking mental health. Ang sikip sa pakiramdam na malayo ka sa mga kapamilya mo. Andaming nakanselang reunion at gathering dahil dito.

Habang lahat ay may kanya kanyang pangamba sa nangyayare ngayon sana ay wag mong kalimutang itanong sa sarili mo kung kumusta kana. At kung wala pang nagtatanong sayo ngayong araw, ako nalang.

Kamusta kana kaibigan?

1
$ 0.00

Comments