Pearls of Wisdom: Tagalog Version

2 32
Avatar for uelsy_daile
2 years ago

Cold evening my fellow read.cash , I have here some remarkable thoughts that surely you will agree on this. It's some kind of interesting jokes that I will publish and here we go.

#1 MONEY CAN'T BUY HAPPINESS, pero mas kumportableng lumuha sa loob ng BMW kesa sa loob ng sasakyan.

Kung iiyak ka lang naman sa loob ng tricycle mas lalong sisikip ang dibdib natin dahil ang iyak natin ay mahahalata talaga dahil open siya. Sa loob ng tricycle ay abot tanaw ka ng mga tao pero kapag nasa loob ka ng BMW, wow ! Siyempre kumportable tayo at isa pa meron aircon, maaliwalas at mabango kasi may airfreshener. Kung sa tricycle wala, mahangin siya at lalong gugulo ang buhok.

Sa totoo lang walang hihigit pa sa pagmamahal na ikaliligaya natin kumpara sa pera. Aanhin mo ang maraming pera o mga luho sa buhay kung nag-iisa ka lang diba at hindi karin magiging masaya.

#2 FORGIVE YOUR ENEMY, , pero huwag mong kalimutan ang pangalan niya.

Nararanasan ko na 'to, meron akong enemy dati sa college days na hindi ko talaga malilimutan. Enemy ko siya dahil sa isang bagay na hindi kami magkasundo at lalong lumaki ang issue sa pagitan naming dalawa. Siguro sa panahon na nagdaan, ilang buwan at taon kahit di na kami nagkatagpo di ko pa rin malilimutan ang mukha niya at lalo na ang pangalan niya.

Kahit makaringig ako ng kapangalan niya, tatawa nalang ako kasi naalala ko siya.

#3 HELP A MAN IN TROUBLE,at matatandaan ka niya pag may trouble na naman siya.

This is my favorite part. Tumulong ka sa isang tao at ang taong yun ay palagi ka ng iniisip. Siyempre, iniisip ka niya kasi alam na ipinagtanggol ka niya dati. Hindi magdalawang-isip ang isang tao na aalahanin ka at tatandaan kahit ano paman.

#4 MANY PEOPLE ARE STILL ALIVE dahil ilegal na patay*n sila

It's understood "Thou shall not Kill" kasi masama iyon at may parusa sa batas at sa Panginoon. Hayaan nalang mamuhay ng tahimik at matiwasay. Kung nagkasala man merong batas na magpaparusa at magpapataw ng kanyang mga kasalanang nagawa. Hindi solusyon ang pumat*y dahil ito ang pinakamabigat na kasalanan sa mata ng Diyos.

#5 ALCOHOL DOESN'T SOLVE ANY PROBLEM, ganun din naman ang gatas, di ba?

Hahah, ewan ko ba, natatawa ako nito, Yes, alcohol is not the solution to perish all our problems. A temporary from drunk can ease the pain inside pero pag nawala ang kalasingan ay babalik na naman. Hindi solusyon ang alcohol sa problema ng tao kundi ang sarili mo lang.

Kung sa gatas, maganda kasi ang gatas ahil masustansiya at nakakatulong sa ating katawan pero kung sinasabi na nakakawala ay hindi rin ako sang- ayon dahil sarili lang ang nakakatulong sa iyong problema at samahan ng mga taong nakapaligid sa'yo. Nakakatulong si gatas para maging malakas ka para sa bandang huli kaya mong solusyunan ang mga problema.

--**Closing thoughts***---

It's weekend guys and I have a free time tomorrow for resting. But oh! I realised I have to finish my laundry tomorrow after that, I'm going to church for Sunday mass.

leadimage@unsplash.com

3
$ 0.00
Avatar for uelsy_daile
2 years ago

Comments

Natawa naman ako dun sa number 4 HAHAHSHAA

$ 0.00
2 years ago

Yes, literal na pagkasabi.

$ 0.00
2 years ago