Sa kabila ng nararanasan natin na takot ngayong may pandemya, heto tayo at nagpapakatatag hindi lang para sa ating sarili kundi para din sa ating mga pamilya. Ako bilang Ina ay nangangamba sa kaligtasan ng aking anak at pamilya. Patuloy tayo na lumaban para malampasan itong nakaambang na panganib sa ating buhay. Sa halip na maghanap ng mga masisisi sa gutom at hirap na nararanasan ay Sama Sama tayong magdasal ng taimtim sa MAYKAPAL na tayo ay protektahan at tulungan. Matulungan po tayo, Pagsubok lamang ito! Pagsubok na Kayang Kaya nating lahat. Bukod sa dasal ay alagaan din natin ang ating mga sarili, maging mapanuri para makaiwas o makaligtas. Mag-iingat po tayong lahat. Sana matapos na, Sana matapos na itong pandemya. Hindi ba ang sarap pagmasdan na malayang nakakalaro sa labas ang mga Bata, may mga pumapasok sa eskwelahan at nakakapagtrabaho ng maayos ang mga tao na walang pangamba. Sana bumalik na sa dati ang lahat. Nagpapasalamat at Saludo din ako sa lahat ng mga Frontliners sa buong Mundo na isinusuong ang sarili sa panganib makasagip lamang ng maraming buhay. Ang tanging maisusukli namin sa inyo ay dasal na sana ay gabayan at protektahan pa kayo ng Poong MAYKAPAL. Maraming Salamat!
PS: first time ko po gumawa nito, tinatype ko lang Kung ano naiisip ko about sa nangyayari ngayon.. 😊✌️