Pag iingat sa mga Scam

0 5

kamusta mga puhunan natin? mga oras na ginugol sa mga websites na akala natin babayaran tayo? siguro meron sa atin dito na umangat ng husto dahil sa online na trabaho, pagmiminang Cryptocurrency, pagkuha ng survey, at paglalaro para may makuhang konting pera. Worth it ba talaga ang ating ginagawa? Napaka laking impact sa atin ang mabiktima ng mga scam o mga mapanlinlang at manlolokong mga website. Sabi nga ng iba okay lang daw maloko kase matututo ka, okay lang daw ma scam basta oras lang ang nawala hindi ang pera mo. Eto, Mas importante na mag saliksik ka sa mga websites bago mo sila gamitin, oo ngat di ka gumasto ng pera pero paano na yung email at number mong nilagay? or yung mga social accounts mong niregister sa website? pano na yung oras na kung ginugol mo sa mas importanteng mga bagay ay masasabi mong worth it?

Talaga ngang walang easy money sa kahit saan, kahit piso mahihirapan kang mamulot sa daan. Pagsisiskap ang kailangan. Sabihin nating nagmimina ka ng Cryptocurrency or nagsu-surf ng ads kapalit ng Passive na pagkakakitaan. Pero di lahat ng efforts mo maganda ang resultang babalik sayo. Payo nga nila, wag masyadong gumugol ng oras sa mga bagay na 50-50 ang chansang kumita or yung mga bagay na parang sisilawin la lang una pero wala kapa rin palang makukuha. Ilaan ito sa mga bagay na sasaya ka, makapagpapa-saya ka, trabahong siguradong kikita ka, or ano pamang bagay na makakatulong sayo.

1
$ 0.00

Comments