Sarili kong opinyon sa banning ng online games sa pinas.

0 37
Avatar for tephycons
4 years ago

Bakit umabot tayo sa tagpo na kailangan ma-banned ang online games sa Pilipinas?

  1. Marami kasing mga kabataan o kahit matatanda ang naaadik sa ibat-ibang online games na kung saan napapabayaan na ang mga dapat na priority sa buhay.

  2. May mga pamilya na nasisira dahil sa online games.

  3. May mga na-depressed na dahil sa online games.

  4. May mga namatay na dahil sa online games.

Pero para sa akin hindi naman tayo dapat humantong sa ganito pa. Nasa tao din ang problema wala sa online games. Kung mayroon lang tayong disiplina sa ating sarili malaya tayong makakapaglaro ng online games na gusto natin. Kaya huwag natin isisi sa Presidente or sa kahit kanino pa kung bakit pinasya ng Pangulo na alisin ang lahat ng online games sa ating bansa. Ikaw na nagbabasa nito mayroon ka bang disiplina sa sarili? Kung ikaw ay may anak na adik sa paglalaro ng kahit anong mobile games or online games dapat nilalagyan mo siya ng limit. Huwag mong pabayaan na maglaro ng maglaro hanggat sa gusto niya dahil balang araw anak mo din ang mahihirapan. Dapat magkaroon ka ng limit sa sarili mo kung ilang oras ka lang maglalaro ng online games. Huwag mont gawin itong bisyo dahil kahit anong bisyo masama yan. Kaya ang maipapayo ko sa inyo. Gawin ninyong makabuluhan ang paggamit ninyo ng internet. Gawin ninyong makabuluhan ang paglalaro ng online games. Libangan at hindi yung dito mo na inilaan ang buhay mo. Huwag kang adik kabayan dahil bandang huli magsisisi ka din!

1
$ 0.00

Comments