Pagsubok lang to 2020.

0 76
Avatar for tephycons
4 years ago

Alam nating lahat na itong tao na ito ay napakahirap ng buhay. Madaming mga pagsubok, karahasan, kahirapan, sakit ang lumaganap sa buon mundo maging kalamidad ay hindi tayo pinaligtas. Buwan pa lang ng enero pero pakiramdam natin ay parang papatapos na ang taong 2020. Ngayon naman dahil sa lumalaganap na karamdaman sa buong mundo ay totoong bumabagsak ang ekonomiya ng mga bansa. Dapat tayong magpakatatag para sa ating pamilya. Dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa dahil anoman ang mga nararanasan natin ngayon ay pagsubok lang sa bawat isa sa atin. Tandaan natin na hindi kailanman solusyon sa problema ang pagkitil sa sariling buhay. Dahil lalong mabigat na problema ang iiwan natin sa mga taong nagmanahal sa atin kapag ginawa nating wakasan ang sarili nating buhay. Hindi din natin dapat isisi sa gobyerno ang nangyayari sa ating bansa. Dahil kita naman natin kung papaano din sinisikap ng ating Pangulo na maging maayos ang kalagayan ng ating bansa. Dapat tayong pasakop at sumunod sa kanila. Huwag nating pairalin ang pagiging pasaway natin. Kailangan natin ngayon ay pagkakaisa at pagsunod. Dahil kung patuloy tayong magiging pasaway lalong dadami ang may sakit. Kapag sinabing bawal lumabas huwag ka ng lalabas. Kapag nagkasakit ka sinong sisisihin mo? Gobyerno na naman? Mag-isip ka nga ng tama. Kaya nga pinatupad ng ating Pangulo ang Mecq ay para mabawasan ang pagdami ng may sakit. Tapos ikaw ay lalabas kahit hindi pwede tapos kapag nagkasakit ka sisi sa gobyerno? Anong utak meron ka? Huwag ka ng tumulad sa ibang Pilipino na makikitid ang utak. Gets mo? Kaya kung gusto mong makatulong sa pagsugpo sa covid 19. Sumunod kana lang sa Gobyerno. Ano katwiran mo? Mamamatay ka sa gutom kapag di ka lumabas? Ano gusto mo? Magka-covid ka tapos lalaki ang bills mo sa hospital? Ano na lang lalo kakainin ng pamilya mo? Nag-iisip kaba? Kaya maging matalino ka.

1
$ 0.00

Comments