Bakit nga ba mayroong kandado? Ano nga ba ang kahalagahan nito para sa atin? Halika na’t tuklasin mula sa panulat ni Mark Kevin Lanuzo, Samahan nyo kong tuklasin ang pinagmulan ng Kandado.
ANG ALAMAT NG KANDADO
Nagsimula ang kwentong ito sa bayan ng Malaya, ang lugar na ito ay tahimik, mahangin at payapa. Hanggang ipinanganak si Dado, si Dado ay anak nina Haring Habagat at Reyna Amihan. Dahil nag-iisang anak lamang ito ay naging sunod sa layaw at lumaking matigas ang ulo nito. Madalas syang sumagot at di sumunod sa utos ng kanyang mga magulang. “Bakit ako ang kailangan gumawa niyan? Napakarami nating alipin at sa bandang huli ako din naman ang magiging pinuno ng bayang ito!”- wika ni Dado. Mahilig kumupit ng pagkain si Dado sa kanilang Kusina, mahilig din tumakas si Dado sa kanilang bahay upang lumambitin at maglaro sa kanilang hardin.
Dahil sa pagaalala ng ibang mga alipin sa kaharian ay madalas nilang pinaalalahan si Dado. Di ikinatutuwa ni Dado ang payo ng mga alipin, kaya’t nagpagpasyahan nyang batuhin ang mga tao mula sa itaas ng puno upang makaganti. Sa tuwing nakakakita si Dado ng taong nasasaktan ay tila natutuwa ito, “Ayan ang bagay sa inyo mga hampas lupa” tugon niya. Ito’y napag-alamanan ng kanyang ama. Kaya’t ipinatawag nya kaagad ito. Pinagsabihan nya at pinakausapang humingi ng paumanhin sa mga kawal at alipin. Ngunit naging suwail ito, imbis na humingi ng paumanhin sa ama ay sumigaw pa ito sa kanyang ama. “Nararapat lamang sa kanila iyon di dapat nila ako pinagsasalitaan ng masama dahil paglumaon ako ang magiging datu ng bayang ito!”- sagot ni Dado, lubos na Ikinagalit ito ng kanyang ama at napagbuhatan sya ng kamay. “ Tampalasan ka! di kita pinalaking suwail!” hiyaw ng kanyang ama, natulala at nabigla si Dado.
Dahil dito ay lalo itong nagalit, umalis sya sa kanilang kaharian at pumunta sa ibang bayan, napadpad si Dado sa bayan ng Kulong,puno ng kadiliman at kalungkutan ang bayang ito. Tila ni isang nilalang ay walang nakatira sa bayang ito, ngunit dahil sa pagtataka ay patuloy nyang pinasok nya ang bayang ito, nagpalakad-lakad ito na di alam kung saan sya patungo, hangga’t sa matagpuan nya ang isang lumang bahay. Ang bahay na ito ay madumi at puno ng alikabok napansin nyang tila walang nakatira dito, kaya nagpagpasyahan nyang pumasok sa loob. Nakita nya ang isang matandang babae na nakahiga sa isang papag na tila nanghihina. Nagmakaawa ang matanda na huwag syang iwan at sya na lamang ang nagiisa sa buhay. “Anak maari bang dumito ka na lamang sa aking tabi? Wala na kong kasama sa buhay” wika ng matanda. Ngunit imbis na mahabag ay dali-dali itong tumakbo, tumakbo ito ng mabilis na tila bahala na kung saan sya maparoon, ngunit pagdilat ng kanyang mga mata ay biglang nasa harapan na nya ang matanda, ang matanda ay tila nagbabago ng anyo at unti-unting nagiging anyong mangkukulam. Kumulubot lalo ang balat nito at tila nanlilisik ang kanyang mga mata. Lalong natakot si Dado, agad itong umakyat sa isang malaking puno. Lumambitin ng lumambitin ito sa mga baging upang makarating sa iba pang mga puno, ngunit lubos nyang ikinagulat na marunong palang lumipad ang mangkukulam. “AHA! HINDI KANA MAKAKATAKAS PA! MANANATILI KA KASAMA KO! BWAHAHAHA!” sigaw ng mangkukulam. Sa sobrang takot ay nadulas si Dado sya sa isang puno, agad syang dinakip ng mangkukulam. Nagmakaawa si Dado sa mangkukulam na pakawalan sya ngunit hindi pumayag ang mangkukulam. Wala ng nagawa si Dado kundi tanggapin ang kanyang katapusan ngunit bago ito ay humingi na lamang sya ng isang pabor sa mangkukulam. “Sa pagkamatay ko ay nawa’y maging isa akong kapakipakinabang na bagay, bagay na magpapanatili ng kaligtasan at kaayusan sa bawat tahanan, iyan ang bagay nais kong gawin sa aking bayan. Nawa’y pagbigyan mo ang kahilingan ko”- panawagan ni Dado,tinupad ng mangkukulam ang kanyang hiling.
Mula noon ay tinawag na syang “Kandado” isang maliit na bagay na nagpapanatiling ligtas at payapa ang mga tao sa kanilang bawat tahanan at iyon ang pinagmulan ng Alamat ng Kandado.