Ang alamat ng cellphone

0 1701
Avatar for straizzer
4 years ago

Ang alamat ng Cellphone

by Ralph Putong

Nung unang panahon ay wala pang teknolohiya para sa komunikasyon. Tanging sulat lamang ang ginagamit ng mga tao noon. Si Andrei ay kilala sa kanilang eskwelahan dahil sa angking talino nito. Lagi siyang nangunguna sa klase at mahusay siya sa matematika at agham. Sa tuwing may pinapagawang proyekto ang kanilang propesor ay lagi siyang nakaka uno dahil sa mahusay, malawak at malikhain nitong pag-iisip. Dahil sa kanyang angking talino ay maraming babaeng nagkakagusto sa kanya ngunit isang babae lamang ang nakapagbigay sa kanya ng pansin. Ang kanyang pangalan ay si Cellina. Gaya ni Andrei, matalino din si cellina. Palagi silang dalawa ang nakakakuha ng pinakamataas na marka sa agham at matematika. Dahil sa mga panunukso nila Berry at Cherry sa kanilang dalawa ay hindi na namalayan ni andrei na nagkakagusto na siya kay cellina.

Isang araw ay niligawan ni Andrei si Cellina. Sa mahigit isang taon na panliligaw ni Andrei ay sinagot na siya ni Cellina. Naging sila pa din hanggang sumapit ang graduation nila sa kolehiyo. Sa Pilipinas nagtrabaho si Cellina samantalang nangibang bansa naman si Andrei para tuparin ang kanyang pangarap. Nagtrabaho siya doon bilang electrician. Sulat lamang ang natatanging komunikasyon nila ni Cellina at madalas pang napapaliban ang pagdating ng sulat. Naisipan ni Andrei na gumawa ng isang aparato na mapapabilis at madaling ugnayan nila ni Cellina. Sa tulong ni Kiano ay nakagawa sila ni Andrei na isang aparato. Pinangalanan niya itong CELLPHONE hango sa pangalan ng kanyang nobya na si Cellina. Nagpatulong siya kay Sonny Erickson at Sam Sung para maibenta sa merkado ang kanyang gawa. Bumenta ito hanggang sa kumalat na ang paggamit ng cellphone sa buong mundo. Hindi rin nagtagal ay gumawa na rin si Andrei ng kanyang cellphone na tinatawag na ngayon ay ANDROID.

2
$ 0.00

Comments