May mga nagsasabi na noong unang panahon ay hindi pa nilikha ni Bathala ang anumang kulisap s amundo, lalo na ang mga bubuyog. Nagsimula lamang ito dahil sa isang pangyayari na naganapsa buhay ng isang bata na nagngangalang Buboy.
Masiglang bata si Buboy, mahilig syang magdilig ng mga halaman sa hardin at pumitas ng mga bulaklak. Sa lahat ng mga gawaing-bahay ay ito ang kanyang paborito.
Subalit kapag si Buboy ay inuutusan ng kanyang magulang at mga nakatatandang kapatid ng ibang bagay, naiinis siya at palaging nagdadabog.
“Palagi na lamang ako ang inuutusan, marami pa akong gagawin, maglalaro pa ako,” palagi niyang ubinubulong bago sumunod sa mga ipinag-uutos sa kanya. Dahil palagi niya itong ginagawa ay hindi na siya pinapansin at iniiwasan nang utusan ng mga kasambahay.
Minsan ay napagkasunduan ng buong mag-anak na magtungo sa kabundukan upang doon magpiknik. Masayang-masaya ang lahat lalo na si Buboy. Naghanda sila ng maraming baon. I’bat-ibang uri ng masarap na pagkain at minatamisang inihanda nila.
Naglatag na ng sapin ang kanyang ina at ang mga kapatid naman ni Buboy ay naghain ng kanilang pagkain. Makahanda na silang kumain subalit may nakalimutan pala silang dalhin, ang isa sa pinakamahalaga sa lahat, ang tubig na kanilang iinumin.
Naisip ng kanyang ina na utusan na lamang si Buboy upang kumuha ng tubig sa batis na hindi kalayuan sa kanilang kinauupuan.
At kinuha nga ni Bubo yang boteng lalagyan ng tubig subalit gaya ng dati ay bumubulong na naman ito.
“Nakakainis naman, kakain na nga lang uutusan pa,” bulong ni Buboy habang siya ay sumasalok ng inumin.
Lingid sa kanyang kaalaman ay naririnig siya ng Dyosa na nagpapahangin nang mga sandaling iyon. Nagalit ito sa kanya at biglang di nakita si Buboy.
Lumipas ang mga araw. Hinihintay pa rin ng pamilya na umalis ang isang itm na kulisap ngunit nanatili ito sa kanilang hardin sa palipad-lipad sa kanilang halamanan. Palagi itong dumadapo at nagpapalipat-lipat sa mga bulaklak.
Sa katagalan ng mga panahon nawalan na ng pag-asa ang pamilya na makikita pa nila si Buboy. Inakala nila na ito ay nalunod sa batis at tinangay na ng agos.
Samantala, ang munting kulisap na bulong nang bulong ay nanatili sa kanilng bakuran. At sa tuwing naririnig nila ito ay naaalala nila si Buboy.
Dahil sa kalungkutan ng pamilya ay tinawag nila ang maliit na kulisap na Buboy dahil ito ay parang si Buboy na walang ibang ginawa kundi ang bumulong sa tuwing ito ay kanilang inuutusan.
Nang lumaon ay naging bubuyog na ang tawag sa kulisap na ito.