Ang Kalye at Ang Santelmo
Hello, everyone. In the Philippines, we celebrate Buwan ng Wika every month of August. This is usually done by the use of Filipino language in poems, story writing, song, and even dancing the folk dances. I have a fair share of it back in my Elementary and Secondary days. That being said, here I am, with an article in Filipino for this celebration. I might publish one per week until the end of August. And, I would like to tag @Lazysnail because he said he would be waiting for my entry. Please be warned that I write weird and non-coherent stuff π
Isang tahimik na gabi, ako ay naglalakad sa isang madilim na kalye. Mahaba at espaltado, diretso at walang liko-liko ang malungkot na kalye. Pero bakit ako lang ang nandito? Wala man lang huni ng mga kulisap ang hanay ng palayan sa magkabilaang gilid. Kahit ang buwan, at ang mga bituin ay lumiban sa langit. Bakit nga ba? Ang tangi ko lang kasama ay ang pakurap-kurap na liwanag ng pundidong bombilya sa posteng nakatagilid. Nasaan ba sila? Patuloy akong naglakad, hindi alam kung saan tutungo. Habang binabaybay ko ang daan ay staka ko rin naisip, sinong sila ba ang hinahanap ko? Ano ba ang pakialam ko sa kanila? Staka ko rin naisip na wala pala akong kilala na kahit na sinong sila. Wala akong maalalang pangalan, mukha, at ala-ala. Kahit ang sarili kong hitsura ay nakalimutan ko na. Kahit anong gawin kong pagkalkal sa kinakalawang kong isipan ay hindi ko mahagilap ang aking pangalan. Bakit nga ba? Nag-alilangan akong magpatuloy. Takot na malaman kung ano ang nasa dako pa roon. Takot na mabulaga kung ano man angΒ nakahain sa akin sa dulo nitong mapanglaw na kalye. Ang kaso e wala naman akong ibang patutunguhan. Wala rin naman akong babalikan. Kailangan lang maglakad, ipagpatuloy ang pagbaybay. Sinabi ko sa sarili, dahan-dahan lang, p're, hβwag kang magmadali. Ilang hakbang pa lang ay may biglang tumawid na itim na pusa. Huminto ito sa gitna at matalim ang tingin sa akin. Tumigil din ako at binati ko siya. Pero ang pusa ay walang kibo, malobo ang pisngi na nakatitig pa rin sa akin. Nagtaka naman ako, sa payat niyang 'yan, bakit ang lobo ng mukha niya? Lumapit ako at inusisa, kaso ang pusa ay biglang gumalaw. Takot siguro sa tao dahil ito ay lumakad paatras. Nag-meow ako para maintindihan niya sana na hindi ko naman siya sasaktan. Pero ang pusa lumuwa ng mamon, pinakitaan ako ng pangil, bago tumalilis nang takbo. Galit ba 'yon sa akin? Ngayon ay mag-isa na naman ako sa malamig na kalye. Hindi rin alam kung ano ang gagawin sa mamon na iniwan ng pusa. Pupulutin ko ba, o hahayaan na lang? Siguro ay pupulutin ko na lang, baka mahaba pa ang aking lalakbayin, pampawi rin ito ng gutom. Sa aking paglalakad bumilis ang pagkurap ng naghihikaos na bombilya. Sa wari ko ay malapit nang malagutan ng hininga. Kaya ang sinabi sa sarili, h'wag mangamba, ikaw lang naman ang nandito. Matatag ka naman, h'wag magpadaig sa takot. Wala pang tatlong hakbang ay nagpaalam na ang bombilya. Bumalot ang walang hanggang dilim, wala na akong makita. Tumigil ako, nag-aalinlangan, walang mahawakan na kasiguraduhan. Napatanong sa sarili, paano na ako? Ano na ang gagawin ko? Paisa-isang hakbang ang paa kong may pag-aalinlangan. H'wag naman sanang may maapakan na butas, na sa tingin ko ay wala naman. Ang mga kamay ko ay nangangapa. Nagbabakasali na may mahagip na maaring gumabay sa akin. Walang sabi-sabi ay may naaninag akong mapanglaw na liwanag sa aking likuran. Napahinto ako habang ito ay papalapit nang papalapit. Napatanong ako sa sarili, ito na ba ang hinihintay kong gabay? Hanggang sa nasa may kanan ko na ang maliit na liwanag. Lumulutang, at sumasayaw sa hangin ang apoy ng katabi ko na santelmo. Lumingon ako sa kanya na siya ring pag-alab ng mahina niyang sindi. Para din itong bata na lumulukso-lukso sa ere. Umiikot-ikot sa akin at staka pumunta sa unahan. Umaalab-alab na wari'y nagsasabing, tara na, kailangan mo nang tumuloy. Β Siya na nga siguro ang aking tanglaw sa daan. Isang munting santelmo sa aking unahan.
Hello, again! Thank you for reading, told ya it's weird π Thank you again for being here. I am so used in writing short closings now. But I do appreciate you for being here. Thank you, thank you. **All words and images in this article are mine.**
22 comments
Magaling. Ako'y nasiyahan ng walang humpay.
Hahaha salamat, frend. Continue ko pa tong nasimulan kong kalokohan.
Naku, napakahusay! Napakamaktang pamamaraan ng pagsasalaysay!
Thank you po! Nakaka-flatter, huhuhu namula ang pisngi ko πΆ
Hahaha! Nararapat sabihin ang totoo. :)
Ako'y napa tunganga ng ilang segundo Matapos mabasa, ay di sigurado. Inisiip ko "isa bang panaginip Ito?. O kagagawan ng malagim na santelmo? ................................................................................ .................................................................................. .................................................................................. ................................................................................ ................................................................................ Santelmo'y kilala Dito sa Manila, Dala ang kwento, sa kanilang nqkita Pinag malaki ang takot, kumaripas na takbo Nang santelmo sa unahan, papalapit na sayo. ................................................................................ ................................................................................ ................................................................................ ................................................................................ Pero, datapwat, nakakabighani Ang Iyong tulang, nakahain. Nakakaaliw ag laman, ng Iyong isinulat, Wlaang letrang lalagpas, hindi kukurap. ................................................................................ ................................................................................. ................................................................................. ................................................................................. Mahusay kaibigan, mahusay aking pagong, Mula sa susong kaibigan, ang hiling ko'y tinugon. Mahusay na tula, isa kang makata. Pagmamahal sa bayan, pinakita sa wika. Aaahhhh galing niyo pooo!!!!
Hahaha! Kaloka. Uy, mas magaling ka gumawa ng tula. Hands down ako sayo.
Pero po yung sayo mask kwento, napakaganda poooo, mag kakaibat tayo ng paraan ng pagsulat. May part 2 po ba to? Hahahaa pa tag po ulitt akoooo hahahaha
Hahaha yeah. Isusulat ko rin ang part 2. Tag ulit kita.
Ang gandaaa! Bakit ang gagaling niyo po? Tila kayoy isang makata! Aabangan ko ang part 2 nito. Meron ba? Gusto ko malaman kung san siya tutungo e. π¬π€£
Thank you po. May gagawin akong part 2 kasi parang gusto ko pang dagdagan ang na-meet niya.
Yay! Abangan ko yan. π
kinain mo yung mamon? ang ganda pero bakit santelmo ang tawag baby????sorry di alam nang Cebuano eh
Binulsa ko ang mamon, noona π Santelmo, noona, is a ball of fire. From the name Saint Elmo's fire. May explanation syempre si Science sa ganitong phenomena. Pero sa folk lore, ito ay fire spirit na nanliligaw ng tao.
aigoooo yun pala term non...
It was so weird that I couldn't even understand it all ;)
Hahaha I got curious at your comment and translated the whole thing to English. It is way weirder π Some words are wrongly translated, like "pagkalkal", translator say "trading", it is actually "clawing". There's also "My hands are crawling" π I can't help but remember a horror movie where the monster was a severed hand. The passage is roughly translated as, My hands are struggling to find a guide. I really appreciate it, Tito, that you still try to read this. Though the translator is not really reliable. The whole translated thing gave me a headache π
I love to read and try different languages, but translators often get it wrong haha
That's so cool, tito. It's even flattering when you use Tagalog words in your comments and in your article.
Napa google ako sa santelmo hehe. Fire spirit?
Yes, yes, fire spirit in folk lores π
Got it :D