Join 59,383 users and earn money for participation

Cheaters

0 2 exc boost
Avatar for shekqq
Written by   1
2 months ago

[ERRORS AHEAD, PLEASE BARE WITH ME]

‘Did you know? Kung ang father mo daw ay cheater, hindi mapupunta sakaniya ang karma kundi sa kaniyang anak na babae? Ang anak niyang babae ang mag dudusa sa mga kasalanan na dapat ay para sa ama niya, at may malaking responsibilidad na maranasan ng babae ang pagtaksilan ng kaniyang kapareha dahil sa ginawa ng kaniyang ama’.

Hindi ko mapigilang magalit saaking sarili dahil sa aking nabasa.

Siguro tama nga ang post na iyan na nabasa ko sa facebook.

Hindi ko maiwasan na tingnan ang aking anak na umiiyak nanaman dahil sa lalaki. Ilang nobyo na ba niya ang nagtaksil sa kaniya? Pero ang masaklap ngayon eh buntis ang aking anak ngunit tinakbuhan lamang ito ng kaniyang nobyo.

Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili dahil sa nangyayari ngayon sa anak ko. Kung sana hindi lang ako naging babaero baka hindi nagkanda leche leche ang buhay ng aking anak.

Kinuha ko ang aking cellphone atsaka nagtipa sa facebook.

‘Kung ayaw niyong magdusa ang inyong anak na babae sa hinaharap, huwag na huwag kayong magtataksil sa nobya at asawa niyo.’ Pagkapindot ko ng post ay ikinulong ko ang aking sarili sa kwarto ko at hinayaan ang aking sarili na maligo saaking mga luha.

Pasensya ka na anak, dahil sa papa mo nagdurusa ka ngayon.

1
$ 0.00
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments