This is my first story that uploaded in facebook haha. I hope you bare with me ^^ enjoy reading.
"Ginang na limang taon ng nawawala, napag alamang pinatay at itinago sa malaking drum. Pumunta sa estasyon ng pulis si alyas Roana (anak ng biktima) kasama ang kanyang nobyo na si alyas Arnaldo upang aminin ang krimeng ginawa. Naandito si Chief Arellano ng Mariano police, upang ipaliwanag ang krimeng nangyari."
"Pagkatapos gawin ang imbestigasyon, napag alamang pinukpok sa ulo ni alyas Roana ang kaniyang ina dahil sa matinding selos umano, at nang makitang buhay pa ang biktima inutusan niya ang kaniyang nobyo upang kumuha ng kutsilyo na kung saan ginamit nila upang isaksak sa leeg ng biktima. Noong nasigurong wala nang buhay ang biktima ay isinilid nila ang katawan nito sa malaking drum at binuhusan ng semento."
"Napag alamang Hulyo 2015 noong lumabas ang balita na nawawala si Maria (biktima) at Hulyo 2020 na noong umamin ang mga suspek sa nangyaring krimen. Ako nga po pala si Arianna Buenavista, nag uulat"
Pagtatapos ko saaking trabaho ay umuwi na ako sa apartment na aking tinitirhan, kung sinuswerte ka nga naman, ang lapit lang sa pinagreportan ko. Hinubad ko muna ang aking suit atsaka prenteng umupo sa pinakapaborito kong upuan.
Makalipas ang ilang sandali ay napahinga ako ng malalim at sumilip sa aking bintana na kung saan ay kita ang mga pulis na nagkukumpukan, maya maya lang ay unti unti kong hinugot ang ang aking baril atsaka inasinta sa ulo ni Roana, walang sabi sabing pinaputok ang baril atsaka sinunod si Arnaldo. Rinig ko mula rito ang sigawan ng mga tao dahil sa aking ginawa, naalarma din ang mga pulis dahil dito. Magsawa kayo kakahanap.
"Pwe! mga walang kwenta, peste kang babae ka, wala kang utang na loob. Pagkatapos kayong piliin ng nanay ko, ganto yung gagawin nyo? Isa pa tong walang kwentang lalaking to. Dapat lang talaga na hindi kayo mabuhay sa mundo, tsk tsk tsk." iiling iling ko na bulong atsaka nagsalin ng alak saaking baso, pagkatapos ay bumalik na lamang ako sa aking paboritong upuan upang makapaghanda sa aking trabaho kinabukasan.