Alam mo ba
Ayaw ko sayo
Hindi kita gusto
Ang pangit ng ugali mo
Hinding-hindi ako magkakagusto sayo
Buong-buo ako bago ka pa dumating
Masaya ako nung wala ka pa
Kaya kong kumain mag-isa
Kaya kong tumawa kasama sila
Sana hindi na kita nakilala
Alam mo ba
Hindi ko gusto ang epekto mo
Hindi naman ako ganito
Kinakabahan ako sa presensya mo
Shet, 'yung puso ko, ba't ganito?
Alam mo ba
Hindi ka naman gwapo
Naiinis ako sa mga mata mo
Hindi perpekto pero napapatitig ako
Naiirita ako sa tawa mong nakakaloko
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko
Puro na lang ako sulyap sa banda mo
Parang nag slowmo ang paligid ko
Hindi ko nagugustuhan ang naiisip ko
Ayaw ko sayo pero parang iba na ito...
This is an on-going poem. I just want to explore and try this style :)
This poem is nice. Dami palang aspiring poets dito sa readcash eh. I look forward for your upcoming articles ghorl πβ€οΈβ€οΈ