read.cash Log in

@sheena34

Joined 8 September 2022 · 595 posts

Nhez43 https://nhez43.tangled.com/join

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@sheena34

Thankful Finally nakasama na din ako sa winners sa isang platform na food challenge. Madaling araw dito nagpost kanina sa kabila kaya dalawang beses ko tiningnan. Liquid token ang price namin ng isang member. Happy lang ako. Anyways ito ang niluto ko sa tanghalian. Pancit canton, nilahukan ko ng gulay. Kalahati lang ang nilalagay ko na seasoning ( d ko alam kung seasoning nga ba tawag dun😁) ng lucky me kasi maalat. Tara po kain tayo! "Every food image has a story ". Happy Monday everyone! 1219/1210 Pht #grateful #foodtrip

@sheena34

Christmas gift for teacher/Exchange gift Ayan nga pala ang binigay kong Christmas gift kay teacher. Inabot ni bunso sa teacher niya. Galing pa ng China buti umabot sa party hehe. Akala ko abutin ng isang buwan, 8 days lang pala. At yang papel at shirt naman ang exchange ni bunso sa classmate niya. Tumbler naman nakuha ni bunso. D ko na pic kung sino nagbigay. Sakto lang pala yung shirt maisusuot ng classmate niya pag Friday. May sipon si junakis kaya di naka smile hehe. Have a Blessed Sunday everyone!(⁠◠⁠‿⁠◕⁠) 1218/1425 Pht #113 post

@sheena34

Sharon Yan ang mga foods ng anak ko sa room nila. Habang nasa labas ng room pinapanood at naghihintay ako kay bunso. 5 lang kaming mommy kaya tinawag kami ng isa na kumuha ng food sa mesa at kumain. Minsan talaga makapal ang feslak ko kaya gora ako para sumandok ng food. Kinuha ko ang plate sa bag ng anak ko. Ayan sa second picture. Send ko kay partner sabi niya buti pinapasok daw ako. Sabi ko bukas ang gate ng school kaya sinamantala kong pumasok. Habang kumakain nakita ko na nagbabalot yung isang mommy. Sabi naman ng teacher bahala na kayong iuwi ang food kaya kuha ako ng plastic sa bag ng anak ko. Habang nagbabalot kumakanta yung isang mommy ng "balutin mo ako". Tawa lang kami na nandoon haha. At yan ang binalot ko sa baunan ni bunso, kapal daw ng fes ko sabi ni partner haha. Siya din naman kumain ng dala ko. Busog much kami pareho sulit sa contributions. Sarap ng maja blanca naka dalawang balik ako grabe, nahiya ako ng light haha. Rest tayong mga mommies ngayon dahil vacation sa school. Happy Saturday noisemates! 1217/0632 Pht

@sheena34

Schedule of party Natapos din ang Christmas party. Dapat kahapon ang Christmas party ng bunso ko, 8-11 am. Pero nagbago sa announcement ng Deped. Ayan sa picture ang announcement na send sa gc namin. May pasok na kaninang morning pero iniba at ginawang 1 pm start ng party. Kaya lang sinipon si bunso kaya pinaalam ko na d papasok ng umaga. Pero sabi naman ni teacher okay lang d pumasok. Sabi ko kay bunso wag na umattend ng party, ayaw naman. Kasi yung Jollibee food daw d siya makakain. Pati yung exchange gift hehe. Evening po sa lahat. Ayan nagamit ko na yung bag kanina. Kamusta ang Christmas party ng mga junakis? 1950 Pht

@sheena34

Busd Rewards Nag swap din ako kahapon ng Busd na rewards ko sa Wodl. Doon ako sa swap farming dahil pwede kahit 0.1 ang minimum amount sa swapping. Kaya kung madami na kayong Busd swap niyo na sa usdt. Idinagdag ko sa xrp ko kahapon. 30 Xrp ang minimum withdrawal sa Binance. Medyo gamay ko kasi papunta sa coinsph kesa sa Gcash. At mas mababa ang fee ng xrp. Binance to Coinsph More→Swap Farming Busd→Usdt Usdt→Xrp Deposit Xrp to Coinsph Ipon din itong Wodl guess the word kaya join na din kayo. Busd kasi ang reward token niya. Happy Friday everyone! 1216/0624 Pht #Tgif #rewards #swap

@sheena34

Vis earnings Hindi ako nakapag edit ng video sa reels dahil dito kay Vis. Binantayan ko kasi yung cingecko. Medyo tumaas kahapon kaya swap ko na Vis to Matic sa Metamask wallet. Yung Vis nga pala ay token sa kabayo ko😁 o pegaxy. Kapag talagang bago at mainit-init pa mataas ang value at bigayan. Like cashrain sa una lang malaki bigayan haha. Kaya kapag may bago dapat grab natin habang malaki pa. Kalahati lang ang swap ko nagtira pa ako baka sakaling tumaas pa. Naearn ko lang ito ng libre dahil scholar ako. Lahat ng mga na eearn ko ay wala aking invest na pera, oras at pasensya lang haha. Sayang sana pinalitan ko na dati habang mataas pa. Metamask to Binance: Swap: Vis→Matic Deposit Matic to Binance. Swap all token to Matic-small transaction fee. Binance to Coinsph: Binance→More→Swap farming. Swap: Matic→Usdt Usdt→Xrp. At yan na ang xrp ko from Vigorous of Pegaxy. Pinost ko to dito dahil may ibang token pa ako para ito na lang ulit basahin ko at baka makalimutan ko sa daming sakit sa ulo haha. Happy Thursday everyone! 1215/0723 Pht #109 post

@sheena34

Appreciation post Thank you so much sissy @bloghound sa early Christmas gift. Sobrang ganda at nagustuhan ko. Galing mo pumili. Appreciate much ko. Salamat sa friendship natin kahit virtual lang. Salamat sa pag share ng blessings. More blessing sis at sa family mo. Mabait na maganda pa kaya blessed. Happy lang ako kasi kahit sa crypto magkakaroon tayo ng mga mababait na friends. May pamalit na ako sa bag ko kapag nagsa shopping ako (shopping daw oh haha) Happy afternoon po sa lahat! 1520 Pht #goodvibes

@sheena34

Sawa Grabe ako naman ang nakakita ng ahas dito sa amin. Sawa daw sabi ni partner kaya mabagal ang gapang niya. Tinawag ni partner yung tiyuhin niya. Sya ang humuli sa sawa. Pero nung hinuhuli ng tiyuhin ni partner medyo bumilis. Kita niyo naman at medyo malaki na. Kabado ako, katakot talaga, labasan ang mga ahas. Kaya pala yung pusa nasa kwarto ko. Hindi ko na nga siya binugaw pero umalis pa din yung pusa. At nakatingin siya sa akin. May pumasok na sawa dito sa bahay, tatlong beses na dati. Bukod pa yung isa na nakita ni partner. At nakita din daw ng kapitbahay. Hindi naman nila nahuli. Kamusta kayo dito? 1214/0910 Pht #107post #snake

@sheena34

Bluetooth Headphone Naka redeem na naman ako ng busd dahil sa guess correct word ng Wodl. Lagi na akong nakaka redeem dahil 5 wins every week sa Binance. Yan palang nasa third picture ay pang exchange gift ng eldest ko sa Christmas party nila. Sa Lazada ang gusto niya mag order. Sabi ko sa shoppee na lang kasi mas mura at nakasale ang ibang items, may free shipping pa. D ko kasi gamay ang Lazada. Bluetooth headphone in-order ko. Happy Tuesday everyone! 1213/0743 Pht #exchangegift #rewards

+2 more

@sheena34

Thankful Nabusy ako sa reels. May kaganapan pala dito. Salamat sis @scenica. Ang bait mo naman sana........😂 Sana more blessings pa ang dumating sayo. Alam ko sayo galing yan eh. Happiest Birthday sis. Nag enjoy ka ba today? Now lang ako nakapag post, busy much. Yung iba dun sa epbi dapat d na sinasabi na resbak, at baka magalit c Mark. Buti na lang at nasanay ako dito kay noise ng interaction. Dahil na din sa mga friends dito na maiingay haha. https://www.facebook.com/reel/522125923183387?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Good night everyone! 1211/2148 Pht

@sheena34

Skyranch Tagaytay Happy Saturday beautiful people! Connect ko na yung reels ko dito para isang isip na lang ng content at maloloka ako sa mga side hustles ko haha. Natutunan ko na mag edit ng mga videos. At enjoy din pala kahit matagal mag edit. Lahat magagawa natin kung gugustuhin. Last December noong nagpunta kami sa Skyranch Tagaytay. Nang pinayagan na makagala ang mga bata at medyo maluwag na ang restrictions dulot ng pandemya. Tahimik ang Taal Volcano. Sana matulog na lang siya habang buhay haha. Here's my reels. Feel free to watch, like and follow; https://www.facebook.com/reel/506645071434894?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e 1210/0810 Pht #103post #positivevibes

@sheena34

Eyelet Yung may dala dala akong halaman na ibibigay kay teacher para sa garden ng mga students niya. Eyelet ang pangalan ng plants na yan. Nilagay ko s plastic kasi mabigat kapag may kusot. Ayaw bitbitin ni bunso kaya hanggang room hinatid ko siya. Wala pa c teacher paghatid ko. Pagkagaling ko sa school pumunta na ako ng Puregold. Bumili ng mga ingredients ng buko salad. Mga murang brand lang binili ko, budget lang dapat. Nag order lang si partner ng buko, nata at kaong by kilos. Palagi ako ask ng cashier sa perks card, yoko na mag avail dati meron ako. Madami ng mamimili bago mag pasko kaya now na ako namili. D naman kami maghahanda ng madami sa pasko sa mahal ng bilihin. May new reels ulit ako. https://www.facebook.com/reel/3328787320732857?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Maulang Biyernes po sa lahat! 1209/1010 Pht #plant #positivevibes

@sheena34

Thank you so much Noise Cash❤️ Sa Noise cash nag umpisa ang lahat. Madami akong natutunan sa crypto. Nagkaroon ng mga kaibigan. Napaka healthy ng platform na ito dahil positive vibes lang. Thanks sa Bch earnings. Nakakalungkot na malapit na itong magsara. Pero meron namang bahay na binuksan ang mga devs para dito tayo mamalagi, mag ingay at maging masaya ang platform na ito. Bye noise cash😭 I ❤️ Noise Cash. (Last post ko to sa kabila, migrate na pala agad dito after import😁)

@sheena34

Chopsuey Morning noisemates! Eto niluto ko kahapon chopseuy. Buti may tingi tingi na nakabalot na broccoli sa halagang 50 pesos sa stall ng mga gulay na lagi kong binibilhan. Sana may cauliflower din na tingi. Budget ang mga ingredients dahil yung binili kong sitsaro ay 10 pesos lang. Konting baboy lang ang lahok. Paminsan minsan kailangan natin ng vegetables kahit masakit sa bulsa. Yung binilhan ko nga ng tilapia sa palengke sabi konti na lang daw namimili mas gusto ng tao siguro tuyo at itlog na lang ang ulam sa mahal nang bilihin. 1207/0753 Pht #101 post

+1 more

@sheena34

Bamboo tree Sasakay sana kami kaya lang maaraw ngayon. Maganda maglakad, exercise na din d ba. Skl itong bamboo tree na nadadaanan papasok sa school ni junakis. Sa lugar niyo ba nakakakita pa kayo ng bamboo tree? Minsan bumibili kami para gawing poste sa mga bakod ng mga tanim na halaman. Nakarami na ba kayo sa cashrain? D ako makagala dun super busy much ako. Naubos na din yata ang paulan ng BCH hehe. D pa din ako nakapag import ng account sa NC. Inuna ko muna ang survey kasi nakapag cash out na naman ako ng $10. Happy Tuesday noisemates! 1206/0830 Pht #beautifulday

@sheena34

Yellow snake Grabe ang puyat ko. Ginising ako ni partner ng 1 am, may ahas na kulay dilaw daw sa sala. Walang pic syempre mabilis yun, hindi ko din nakita. Hindi niya napatay kasi pumunta sa terrace tapos lumabas na sa kalsada. Naglalabasan ang mga ahas ah. Bukid kasi sa likod ng katapat na bahay. Sa likod naman namin masukal din kaso may bakod kaya ang may ari lang ang pwede magtabas ng damo dun. May pumasok na din kasi sa cr namin sa may bubong, hindi din nahuli. Nakakatakot ay. Anyways nag import na ba kayo ng post niyo sa kabila? Nabasa ko naman na hindi naman daw automatic ay mapo-post dito kay noise app ang mga nai-post na doon. Kaya more updates pa soon. Eto isa pa, starryai art ko sa picture. Happy Monday everyone! 1205/0923 Pht #aiart #monday #startoftheweek

@sheena34

Aiart Skl itong ai art na create ko kanina. Anime character ng isang babae. Sinali ko lang sa isang challenge sa isang platform. Nabusy ako, dami kong ginawa kaya ngayon lang nakapag post. Dagdag pa sa kakahanap ng cashbox. Lam niyo na kung ano yun hehe. Gulay muna ako, pipino at lettuce, nilagyan ko ng salad dressing. Minsan lang ako kumain nyan mahal kasi ng gulay haha. Pasok na naman bukas kaya lagare na naman. Happy Sunday noisemates! 1204/1710 Pht #98 post #aiart #digitalart #anime #goodvibes

@sheena34

Cashrain Ayan na siya yehey. May cashrain na ba kayo? Nag register ako sa invite code ni sis @Janrich, siya ang una kong nakita na nag share nito. Nabusy man ako kay reels, hindi pa din ako nahuli sa trending kitaan ngayon. Ano pang hinihintay niyo join na kayo. Kanina lang pala ako nag register at ayan may dumating na din sa akin. Ang ginawa ko click link tapos sign in sa bitcoin wallet. Then sa browser nag sign up ako through email. Nag create ako ng new account sa bitcoin wallet, d ko na ginamit yung sa NC dati para fresh. 10 communitues pa lang ang nasalihan ko, maya ulit ang iba. Eto ang invite code ko; https://cashrain.com/invite/j7wone408do Happy afternoon friends! 1312 #join #earn #bch(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡

@sheena34

My son's classmate Hello world 😁 Natuwa ako kahapon dun sa classmate ng bunso ko. Si junakis ko pala ang hinihintay niya sa gate. Pagpasok niya kinuha yung bag at yung classmate ang nagdala. Ayan malayo na ng makuhanan ko ng picture. Ang bait ni classmate ay. Mabuti na din at face to face na. Dahil nakakasalamuha nila ang mga classmates nila. Here's my reel, feel free to watch, like and follow too hihi. Already has 910 views, a bit closer to 1k, but still a few friends haha. https://www.facebook.com/reel/829309241673949?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Happy weekend everyone! 1203/0709 Pht #goodvibes

@sheena34

Teacher's Christmas gift Kahapon tumingin ako ng Christmas gift para kay teacher. Eto nakita ko mangkok, kaso baka sabihin kasal ko ba haha. Kayo may naisip na bang ireregalo sa teacher ng anak niyo. May suggestion ba kayo? Friday na naman, bukas pahinga ang lahat. Pero ang nanay walang pahinga hehe. O siya bye na magluluto pa ako ng sopas. Have a great day ahead noisemates! TGIF! 1202/0920 Pht #95 post #teachersgift #goodvibes

@sheena34

Hello December Kung ganyan lang sana lagi kalinis ang daan. Yung walang basura at nagkalat na poop ng dog. Ang iba kasi hindi man lang marunong mag alaga, sa labas pa pinapa poop, talaga naman. Madilim ng 7 am kasi umaambon kaya naka open ang ilaw ng mga sasakyan. Nakapag walking exercise. Ang lakas daw ng ulan ng 3 am, d ko namalayan sarap tulog ko eh. Nag sagot muna ng survey at maya maya ay magluluto ng gulay na binili ko sa palengke kanina. December na, 24 days na lang pasko na yehey! Happy na naman ang mga bata nyan. Happy Thursday everyone! 1201/0915 Pht #1stdecember #countdown

@sheena34

Bonifacio Day Happy holiday everyone! Feeling ko Sabado ngayon, holiday walang pasok kasi "Bonifacio Day". Naggala ba kayo ngayon? Labada muna at bukas asikaso na naman sa estudyante. Sana laging ganito ang tanong sa survey about sa shampoo. O kaya about sa Nestle cream kasi super relate ako diyan hehe. Ayan na cash out ko na ulit sa Paypal ang $10 na redeem ko sa survey. Ipon na naman ulit. Speaking of Paypal, hirap din ilink ang payment ng reels ha, sakit sa bangs. Panonoorin ko sana sa YT kung paano, eh kung ano ano na napanood ko, antok pa tuloy ako haha. 1130/1229 Pht #93 post #holiday #rewards #goodvibes

+1 more

@sheena34

Haircut Pinagupitan ko ang bunsuan ko noong Sunday. Pagkatapos ng gupit sabi niya ang pangit daw. Sabi ko naman cute nga eh. Baka sabihin daw ng classmate niya pangit. Sabi ko naman kapag sinabing pangit sabihin niya mas pangit siya haha, joke lang. At conscious na siya sa sarili niya ha, ayaw masabihan ng pangit. Ayun na nga akala ko sa reels ako nagpost sa story pala haha. Newbie sa pesbuk🤦 Ariba na naman aketch. Here's my short reels. https://www.facebook.com/reel/539969340974478?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Happy Tuesday noisemates! 1129/0723 Pht 📸nhez

@sheena34

Pininyahang manok na may gata. Happy new start of the week noise app fam! Hapon na ako nakapag post. Dere deretso ang chores ko. Pagkaluto ko ng umaga para sa binalot ay nag labada na ako. Tapos post muna sa isang platform. Then visit sa aking FB page. Feeling ko nga pagod ako dahil sa puyat. Sana mamaya makapag edit ako ng video for reels. Matagal din mag edit ng video. Try lang ng try. May suggestion ba kayo na video editor app yung walang bayad pero maganda ang mga effects? Yan nga pala ang niluto kong pininyahan na may gata. Nilagyan ko ng suka para hindi mapanis. Hindi ko na nilagyan ng ibang ingredients d naman kakainin hehe. Eto ulit ang aking FB page. https://www.facebook.com/profile.php?id=100088152103555&mibextid=ZbWKwL 1128/1546 Pht #reels #foodie

@sheena34

Reels Ay grabe na adik na din sa efbi reels. Katatapos ko lang mag create ng reels. Advance thanks na ako kay sis @bloghound. Salamat sa suporta hehe. Kagagawa ko lang din ng FB page. Yoko naman mabulabog ang personal account ko ng mga manloloko doon hehe. Sana may patutunguhan tong pinag gagawa ko haha. Eto nga pala ang short video ko. Beke nemen po pa follow na lang. At syempre palow ko din kayo😁 https://www.facebook.com/reel/533008195070074?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Good night noise app fam! 2245

@sheena34

Ginataang gulay Gusto ko pang matulog kanina ng hanggang 9 am kasi walang pasok. Kaya lang talagang nasanay na sa body clock, eto at maagang nakaluto ng ulam namin sa pananghalian. Ginataang gulay. Hindi ko na hinati ang sili kasi baka umanghang masyado. Naka dalawang sandok ng kanin na may kalabasa si bunso. Mas madami pang talong kesa kalabasa yung nabili kong isang balot na gulay, sa halagang 30 pesos. Hinaluan ko ng daing na dalagang bukid, ang alat kaya d ko na nilagyan ng asin. Tara kain na po! Dami sigurong nasa galaan ngayon. Ako sa Puregold lang pupunta. At bibili lang ng ilang gamit dito sa bahay. Have a Blessed Sunday Fellas!(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡ 1127/1058 Pht #89 #foodie

@sheena34

Collar Bone Parang mas gumanda si Yasmien. Ka batch niyang nanalo si Jennelyn Mercado sa Star Struck. Bagay sa kanya ang make up. Kilala niyo ba siya? Nakita ko lang sa reels. Kapag tumutuntong ng age 30+ gumaganda. Kasi kapag 20+ mukhang nene pa. Nagpaganda din ang collar bone niya. Sabi nila kapag litaw ang buto sa dibdib, sexy. Na search ko na attractive daw ang may collar bone. Kayo ba may collar bone? Gusto kong magpuyat, ayaw naman ng mata ko. Kaya maya maya ay tutulog na din ako. Good night po! 2154 ctto fb

@sheena34

Card viewing Hindi pa pala natanggal yung natumbang puno ng bagyong Paeng. Mabuti walang nakatayong bahay doon. Puro puno ang loob ng bakuran. Nadaanan ko kahapon pagpunta ng school. Thankful ako, mataas ang grades ng bunso ko. Happy ako kasi meaning naiintindihan nya ang lessons. Kasi siya na ang gumagawa sa grade niya na yun. Unlike sa modules, aminin naman natin na most ng answers ay galing sa mommies haha. Bukod sa card viewing, napag meetingan na ang Christmas party na gaganapin sa Dec 15. Syempre excited ang mga bata, dahil may exchange gift sa halagang 100 pesos. May magdadalang mga parents na food bukod sa contributions na bayad sa Jollibee ng mga bata. Happy Saturday noisefam! 1126/0925 Pht #87 post #thankful

@sheena34

Nilagang manok Etong ni request ni partner na luto sa manok. Nilagang manok. Ngayon lang ako nakakain nyan. Kadalasan kasi baboy o baka ang kinakain ko. Nagpalasa dito ang petchay na gulay kaya masarap. Nilagyan ko ng knorr chicken cube kaya maalat daw sabi ng isa. Nalalasahan ko pa kasi yung yema kanina. Daming reklamo kaya tinatamad akong magluto talaga minsan. Walang appreciation haha. Ginagawa ko naman lahat chaarizzzz😅 Card viewing mamaya ng bunso ko at may meeting pa kami. Happy lunch everyone! 1231 #foodies