Eyelet Yung may dala dala akong halaman na ibibigay kay teacher para sa garden ng mga students niya. Eyelet ang pangalan ng plants na yan. Nilagay ko s plastic kasi mabigat kapag may kusot. Ayaw bitbitin ni bunso kaya hanggang room hinatid ko siya. Wala pa c teacher paghatid ko. Pagkagaling ko sa school pumunta na ako ng Puregold. Bumili ng mga ingredients ng buko salad. Mga murang brand lang binili ko, budget lang dapat. Nag order lang si partner ng buko, nata at kaong by kilos. Palagi ako ask ng cashier sa perks card, yoko na mag avail dati meron ako. Madami ng mamimili bago mag pasko kaya now na ako namili. D naman kami maghahanda ng madami sa pasko sa mahal ng bilihin. May new reels ulit ako. https://www.facebook.com/reel/3328787320732857?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Maulang Biyernes po sa lahat! 1209/1010 Pht #plant #positivevibes
12 comments
Makikain na lang pala ko diyan ng salad sainyo sis.Wala pa ko nabibili ahaha.Naka safety pera baka maubos haha.Eyelet pala tawag sa ganyan akala ko adonsonii
Gusto ko nga umuwi sa Cavite, d pa sure. Kaya gang bagong taon na yan buko salad haha. Same name sis adansonii o eyelet. Pero mas madami alam c partner na halaman haha.
Tatamad ako ngayon maghanda makikain na lang kami haha
Nakakatamad nga, magastos maghanda haha.
Nadadagdagan lalo kasi taba ko sa mga foods ahaha
Sunod sunod pa naman ang mga party ngayon hehe.
Oo sis sa sunday mauuna paparty ng pamangkin ko hindi pwede na wala ako maibigay at regalo inaanak ko yun eh!Sana naman gumanda panahon.
Naku handaan na agad haha. Sarap pa naman kumain. Daming gastos talaga kapag December sa mga regalo.
Sobra sis lalo na madami inaanak😫yung iba kahit malayo gusto gcash ahaha kaloka😅
Mabuti na lang hindi demanding inaanak ko kahit malayo haha. Wala naman ako work kaya intindi na nila yun haha.
May halaman pala na eyelet pangalan sis kaunti lang talaga alam ko na name sa halaman haha. Dito Rin sis maulan kaninang umaga pagsapit ng hapon makulimlim nalang. Mabuti nakapamili kana sis ako wala pa haha.
Oo sis. C partner karamihan sa halaman alam niya pangalan. Yan lang yata handa namin salad haha.