Kutsinta
Pot pot pot. Naku ayan na si Manong nagtitinda ng puto't kutsinta. Baka makalampas hehe. Kuha ng plato, takbo sa labas.
Me: Kuya pabili po ng kutsinta 60 pesos.
Manong: Niyog o yema?
Me: Yema lang po d naman ako mag gagata😅
Tingin lang sa akin si manong sabay sandok ng kutsinta.
Ayan binili ko. Hindi ko alam tawag dun sa kulay violet. Nagbabawas ako ng kape kaya tubig na lang ang iinumin ko. Wala na pala siyang dalang puto, hindi siguro mabili. Kaya ayan lang nasa lalagyan na dala niya. Sana pala niyog na lang pinalagay ko sumakit na naman tuloy ang ngipin ko. Yoko naman kasi ng niyog. Kahapon pa ito, nawala din. Hindi ko na ininuman ng gamot, kaya pa naman.
Minsan hirap din magpapasta, di kasi nakikita kung sira na ba yung ngipin. Puro kasi tapal ng pasta ang bagang ko.
Happy Friyey madlang Pipol!
TGIF
1125/0916 Pht
#foodies
#goodvibes
Champorado
Dahil paborito namin itong mag iina. Eto nagluto ako ng tsamporado. Kahit mainit ang panahon hehe. Madaming nakakain ang mga bata kapag ito ang meryenda. Mabigat ito sa tyan kaya busolve. Masarap din ito kapag milk powder. Yun bang puro gatas d na makita yung tsampurado haha.
Hindi kumakain nito si partner kaya isang gatang na malagkit lang ang iniluto ko. 31 pesos kalahating kilo sa palengke. Tara meryenda po tayo.
Gandang hapon sa inyo!
1538
#84
#foodies
Kahapon sa ospital
Nakaubos muna siya ng (2) 350 ml bottle ng tubig bago nakaihi. Nasa ospital kasi kami kahapon pina check up ko si eldest. Lagi bang sinasabi ng doctor sa inyo na for admission na kapag nagpa pa check up. Yun kasi lagi sinasabi sa akin palagi hehe. Kaya kapag tinatanong ako admit o sa bahay? Siyempre sa bahay. Kahit masarap mamalagi sa may aircon ng ilang araw. Masakit naman sa bulsa. Ang mahal kaya mag rent sa ospital tapos private room pa😁. Para paraan din sila para kumita. Kung mura ang gastos sa ospital okay lang. Kaya naman sa bahay at mas komportable. Magastos magkasakit kaya eat healthy foods talaga.
Nasa entrance ng ospital ang kanilang altar. Buti pa sila may Christmas tree ako tinamad maglagay. Thanks God, okay si daughter at d muna makakapasok. Tubig lang ng tubig at bawal ang mga chichirya. Sarap kasi ng bawal kaya lang tayo naman ang pahihirapan sa bandang huli.
At nagbalik na siya, d na siya galit hehe. Luv luv. Kaya maganda ang gising.
Happy Thursday beautiful people!
1124/0533 Pht
#83 post
#tyGod
#thankful

Upwork
Ayan may katunggali na si Sm ng Tiktok, ang professional mode ng epbi reels. Na pwedeng mag monetize ng videos. Kaya lang daming arti hehe. So kinalikot ko ang epbi ko nakita ko c professional mode. Padamihan din ng viewers at followers. Thanks kay sis @sunnylife sa info.
Dito na lang muna ko kay Upwork, try lang baka keri ng ferson. Kahapon nag update ako dun. Aral muna ng konti sa YT about sa mga job proposal nila dun. Dun muna ako sa mababang rate. Baka meron nag Upwork dito pahingi ng advice.
Yung sewing machine ko naman ayaw gumana, d ko tuloy magamit huhu...
Have a Lovely Thursday everyone!
1123/0811 Pht
#upwork
Abra interest
Paminsan minsan nagpaparamdam tong si Abra sa akin. Sana magparamdam na din ang bch wallet ko. Miss na kita kelan ka ba babalik haha.
Kalungkot lang kasi d na makapag withdraw sa Abra. Sana ni cash out ko na siya nung pwede at malaki pa.
Katuwa lang yung dedication na ginawa ng isang customer. Ginawa ng love letter 😁. Ang hirap kaya ilagay yun sa cake. Sana bumili na lang ng birthday card hehe.
Happy choose day sa lahat kahit hindi tayo ang pinipili, chaar! Good vibes lang!
1122/0722 Pht
#goodvibes
Menudo
Nakapagpahinga naman kahapon kaya maaga nagising. Nakapagluto ng matagal tagal lutuin sa umaga. Ayan medyo umuusok pa ng kuhanan ko ng picture. Tatlong putahe lang nilagay ko, nakalimutan ko ang ibang sangkap. Kapag talagang nasa palengke nakakalimutan yung mga bibilhin. Kaya nililista ko sa notes minsan.
Ang ganda ng sikat ng araw kaninang 5:55. Ngayon umuulan na naman.
Have a productive day everyone!
1121/0732 Pht
#80
#keepgoing
Egg, hotdog and cheese sandwich
Gumawa ako ng palaman na egg, hotdog at cheese para sa tinapay. Masarap pala, ngayon lang ako nakagawa nito. Nakita ko lang sa YT kaya gumawa din ako. Kapag madalas ay mauumay din dahil sa cheese. May butter pala ito para I fry ang hotdog at itlog.
Pipitas sana ako ng isang dahon sa tanim na halaman ni kapitbahay. Kaso hindi na lang, hinawakan ko na lang. Baka magwala at magsisigaw dahil sa isang dahon hehe. Kailangan ko lang naman isa para sa picture. For challenge purposes😁.
Have a Blessed Sunday
noise app fam!
1120/1642 Pht
📸nhez
Thankful
Today is my lucky day! Happy ako na napasali ako sa Top 6 ng isang challenge sa ibang earning platform. Sali lang ng sali at wag susuko dahil darating ang time na para sa sayo. At ma notice din nila ito. Parang sa survey hindi palaging talo tulad kahapon na qualified ako ng dalawang survey.
Ang sarap ng pasalubong sa akin ni eldest kahapon. Takoyaki, nasa second photo. Infairness masarap at gusto ko siya. Sweet and spicy flavor.
Happy Saturday noisemates!
1119/0803 Pht
#thankful
Pork steak
Maaga akong gumising para magluto ng babaunin ni eldest. Kaya maaga ding nakakatulog sa gabi. Pork steak ang niluto ko. Hanggang tanghalian na namin ito. Pinalambot ko muna kagabi sa pressure cooker ang baboy para madali na lang lutuin sa umaga. May konting suka kaya hindi mapapanis.
Madami na naman makakain si bunso paborito niya ang adobo eh.
May edit button na din pala dito sa noise app. Yung last update kasi sa browser lang. Sana may update din sa wallet hehe. Kamusta dito?
TGIF!
1118/0822 Pht
#77
Sampalok Lake Aiart
Ang mahal na ng mga gulay at sangkap sa pagluluto. Lahat nagtaasan(inflation 😔). Bumili si partner ng baboy. Siyempre hindi naman pwedeng puro prito. Dapat iba't ibang dishes. Ang mabibili ko na lang yung talagang kinakain namin na gulay para sa mga sangkap kung ano mang ulam ang lulutuin ko. Gustuhin ko mang madaming gulay ay wag na lang at iiyak na ang bulsa.
Hindi naman din pwedeng kainin lang yung baboy na ganun lang. Kailangan lutuin at dapat may gamit o sangkap. Parang bangka lang yan tulad ng nasa larawan. Hindi ko nga alam kung bangka ba yun eh haha. Kapag walang sagwan o motor ang isang bangka hindi ito aandar. At dapat may tao ding nagpapatakbo nito.
Sarili kong gawa sa starryai art ang nasa larawan dahil kuha yan sa Sampalok lake. Pinaganda lang ng app. Na addict sa aiart hehe.
Have a productive day fellas!
1117/1118 Pht
#76 post
📸nhez❤️
Box
Nag chat si teacher sa gc nagre-request ng box. Kaya humingi kami ng box sa tindahan tapos binalutan lang namin. Lagayan kasi ito ng mga books ng mga students. Para hindi na iuuwi sa bahay ang books. Maganda din naman at para hindi mabigat ang bag lalo na sa grade schoolers. Ayan ang sample ni teacher. Nasa third photo naman ang aming version ng box😁. Ang iuuwi na lang nila ay modules.
Ang gastos mag aral ano, daming kailangan bilhin. Pati contributions na mga gamit na kailangan ng mga students sa school like electric fan, tv at mga gamit panlinis. Bukod pa sa baong pera at binalot na pagkain. Kaya pa ba ng bulsa hehe? Sa school bawal maningil ang teacher ng mga contributions kaya nasa parents kung mag ambagan para sa mga pangangailangan. Kung hindi naman kaya ay di pipilitin.
Meryenda na, anong meryenda niyo diyan ka noise app?
1116/1354 Pht
#75 post
Planet Mars
Bakit kaya may ibang tao na walang pakialam kung nakakaperwisyo sila. Minsan tayo na lang talaga mag aadjust kasi mas malawak ang isip natin at mas nakakaintindi chaar😁. Minsan naman may masakit magsalita na sana sinaktan na lang ng pisikal kesa damdamin pa ang masaktan. Mema lang po hehe.
Gusto ko na tuloy pumunta sa planet Mars. Para mapag isa at mag muni muni haha. Tulad niyang attached picture. Kagagawa ko lang nyan kanina sa starryai. May pagka fantasy yan. Dream ko pumunta diyan. Hanggang dream lang😆
Sana nga pwede na ding manirahan sa Mars. Kaso lahat nakalutang. Lutang na nga minsan ang isip pati pagkain lulutang din doon haha.
Gandang gabi po sa lahat!
2214 Pht
#74 post
#memapost
#planetMars
Ampalaya & egg
Konting kembot na lang at makaka cash out na naman ako sa ySense. Kung pinagpatuloy ko to mula last year baka marami rami na ako na withdraw.
Ampalaya na maraming egg ang aking niluto sa almusal. Ang paborito ng eldest ko, na nire-request niya minsan. At maganda ang ampalaya sa low blood. Ang arte naka cup pa ang rice. Okay ba ang plating? Pati yung ulam nilagay ko sa cup kaso hindi nagkaroon ng shape. At may apple pa oh d ba.
Maulang Martes po sa ating lahat!
1115/0756 Pht
📸nhez
#survey
#foodies
Chickenjoy
Kuha kayo ng tuwalya este ng Jabee chicken pala. Natakot din ba kayong kumain nyan dati ng may isang customer na nag upload ng video sa FB ng chicken towel? Nung una ayoko na kumain. Pero ngayon nawala na din yung takot na baka nga tuwalya at hindi yan natutunaw sa tyan natin haha.
Ito pala yung in-order ko last week naalala ko lang sabi ko sa cashier bucket then take-out. Sabi ng girl take out naman talaga palagi ang lalagyan nyan. Sabi ko ah okay. Nung nasa table na at binigay na ng staff nagtaka ako bakit maliit ang lalagyan. Kaya binuksan ko, yun pala kapag 6 pieces nasa ganyan lalagyan. Naiisip ko kasi dun sa lalagyan na paper bowl ba yun hehe.
Happy afternoon noisemates!
1350
#72 post
#foodies
Sunflower land
Sometimes I want to let go of this nft games sunflower land but I regret it, like a song "gusto ko ng bumitaw"🤣. That I want to sell all the slp coins to reduce what I'm thinking haha. And to focus on other things. I always miss visiting it. But it's also a savings like a bank because the coins might suddenly pump. It's like Fb's Farmville but it's profitable and can turn into money.
Anyways, it's Monday again and I woke up early. I cooked caldereta for my daughter to eat for her lunch at school. I added a little vinegar so it wouldn't spoil.
Happy Monday beautiful people!
1114/0920 Pht
#goodvibes
Spaghetti & Ice cream
Sunday ngayon kaya andaming may handaan. Tulad nitong nagbigay ng spaghetti ko. Birthday ng asawa ng pinsan ni partner. May kasama pang shanghai. Kaya busolve ang meryenda, baka yan na din ang hapunan dami kasi binigay. Tapos nagyayaya na naman ang pinsan ni partner inom daw kami, pass ulit kasi may pasok na bukas. At andami kong ginawa maghapon.
Tapos bumili pa kami ng strawberry ice cream na Aice. Masarap na mura pa. Nagustuhan ni bunso pambata kasi ang strawberry flavor.
Lovely evening fellas!
1724 Pht
#goodvibes
#foodporn
#70
Scientific Calculator
Sabi ng anak ko "Bakit nag checheat si ate" kasi daw bakit magdadala siya ng calculator sa school. Sagot ko naman kailangan nila yun sabi ng teacher. Sabi naman ni partner dati hindi uso yan kasi pandaraya yan. Noong nag aaral ako gumamit din ako niyan. Matagal na yun kaya nawala na.
At itong calculator ay bagong edition kaya mahal. Not sure pa din kasi ang daming klase ng calculator. Hindi na ako umorder sa shoppee kasi ang shipment na nakalagay sa iba 30 days. Meron iba 7 days pero d ko na sinubukan. Mas mura ng konti dun. Kaya lang kailangan na eh. Mabuti na lang may mabibilhan pala dito sa lugar namin. Mabigat ito kaya authentic, nakikita ko kasi sa reviews sa shoppee magaan. Naka bubble wrap din.
Share ko dito baka kailangan niyo din ng ganito sa mga junakis niyo. Para kong nagbigay ng rates hehe.
Have a Blessed Sunday Noise app Fam!
1113/0753 Pht
📸nhez
Silver collection
I like to collect silver(925). Like this ring and bracelet that I bought in Dubai. The earring belongs to my daughter. I still keep it even though the other one is gone. My friend also gave me a silver necklace back in Dubai and it was beautiful. I forgot where I hid it, I don't know where it is anymore. It might have fallen on the way while I was wearing it. Has a sentimental value because it was a gift from my friend. My father is also fond of silver, that's why I'm inclined too.
Do you also like silver? Or are you not into jewelry or body adornment? Actually, I can't wear it because I'm only at home. But when I go out I wear it sometimes. I really like the heart, see it on the bracelet. I joined it again in the challenge because it was their theme. So I'll share it here.
Lovely evening fellas!
1925 Pht
#68
Homemade Longsilog
Bakit nilalagay pa sa cup ang kanin kakainin din naman hehe? Eto trying to be chef, isali ko lang sa challenge sa isang platform kahit late na. Ganda din naman kapag nakaayos ang pagkain, parang ayoko kainin hehe.
Sunnyside up egg, sinangag at Pinoy longganisa ang aming almusal. Hinati ko para maluto sa loob. Ito yung pulang bilog na longganisa. Naalala ko dati kapag break time sa work, lagi namin sinasawsaw sa suka. Kaya nasanay na ako hanggang ngayon. Kayo san niyo gusto isawsaw to?
Happy Saturday fellas!
1112/1040 Pht
#67
Heart Ring
Kapag binigyan ba kayo ng singsing o kahit anong bagay ng jowa niyo ibabalik niyo pa kapag naghiwalay kayo? Ako, siyempre hindi na, lalo gold.. Bakit ko naman ibabalik, binigay niya na tapos babawiin din. May ganun kasi kapag naghiwalay isinosoli ang mga binigay. Para daw makalimutan lahat.
Skl itong bigay ni partner na singsing. Simple pero may puso. Parang noise lang hehe. Heart shape ang mga gusto ko kahit sa pendant. Mapapakinabangan ko to kapag gipit ako haha. Awa ng Diyos d pa ito tumatambay sa Palawan 🤣
Ako ay tatambay dito saglit at maya maya ay matutulog na. Dahil baka may biglang kumatok at dayuhin ako ng inom hehe. Nag chat kasi ang pinsan ni partner. Ayan sa second photo. At ako pa daw magpapainom, eh di wow.
Walang pasok bukas kaya magpapatanghali ako ng gising. Para makabawi sa puyat.
Sweet dreams noisemates!
2156
#heartring
#66post
Sunset at Fujeirah
Nag post ang jowa ng brother ko sa efbi. Nag comment ako. Sabi ko ang ganda ng sun o moon ba yun sa ulo nila. Parang naalala ko kasi ang dilaw na buwan kaya na confuse na ako sa dalawa 😂. Sabi naman niya sunset daw yun. Tapos nag reply siya ng literal na sunset. At pag scroll ko sa mga flood photos may araw pa lang kasama hehe. Dami kasing photos d ko napansin. Waley lang.
Nag gala at kumain ng seafoods overload noong rest day nila sa Fujeirah, Uae. Sabi ko hiramin ko photo nila hehe.
Yun lang naman sana sa next update ay hindi lang 5 photos ang pwede dito kay noise app. Sana pwede din ang videos.
1111 pala ngayon nakapag order na ba kayo sa shoppee?
Have a Lovely Day Fellas!
1111/0903 Pht
#65 post
Sa Dilaw na Buwan
Nangyari na ba sa inyo na nagreply kayo sa post ng iba? Kahapon lang nangyari, akala ko post ko so reply ako sa comment niya. Ngayon ko lang nakita ibang post pala yun haha. Dalawang beses magkaibang user🤭 Sorry po, d sinasadya. Anyare sa mata ko, naduduling na haha. Sobrang busy kasi.
Pero nakakalito pa din talaga dito kay noise app. Epekto yata to ng dilaw na buwan haha. Ayan sa photo, kahapon yan 5:33 ng umaga. Ang ganda lang niya. Parang may lalabas na kung ano diyan sa dilaw na buwan 😁
Teka nga at maghahanap pa ako ng scientific calculator sa shoppee. Matagal tagal na pag place order to kasi magbabasa pa ako ng reviews.
Katatapos ko lang mag almusal ng monay na may palamang egg.
Happy Thursday beautiful people!
1110/07450 Pht
#63 post
Is that you in the video?
I received a chat twice on Messenger. If I am the one in the video.(At bakit naman ako magkakaroon ng video sa kanya kamag anak ko ba siya haha). My brother's share on Fb is correct and matches the chat with me. It's a good thing I didn't click on that because if you watch the news, the woman said that her Facebook and Messenger suddenly disappeared. Then the details were obtained and the relatives were asked for money.
So let's be careful with the chat "Is that you in the video?". If you don't know, ignore it. And block immediately.
Good night my dear noisemates 😍
2202
#62 post
My friends/colleagues (TB)
I'm looking for my picture from the Dubai airshow in the flash drives that were saved. But I saw something else. It's fun to look back on the memories of my old friends or my former colleagues.
After work we go to a villa of our co-worker and we will take RH there🤣. With our favorite Lays chips. Sometimes we take a rest day together just to bond. I like to hang out, but the ones I go with are good influences.
I can say that I enjoy my youth because there are many happy memories that happened. So enjoy life while you're young because time flies. Maybe in the end you will regret not doing what you want. Life is too short to worry about other people's life.
Happy Hump Day noisemates!
1109/1113 Pht
#62 post
📸nhez
Lunar Eclipse
Eto na entry ko kay bloody moon. Umakyat pa ako sa bubong kita naman pala sa labas ng bahay haha. May nakaharang na bakal ng kapitbahay namin kaya nahirapan ako magkuha ng picture sa kagandahan ni lunar eclipse. Zoom ko na lang kasi malabo kapag hindi naka zoom.
Eh bumili ako chips paglabas ko kita ko ang bloody moon. Kaya kinuha ko ang phone at sa gitna ng daan nagpi-picture sa lunar eclipse. Nasa second photo.
Nag chat din ako kay mother pati kay pamangkin, sabi ko akyat sa taas kuhanan ang buwan. Eh sa labas ng gate kita din nila. Nasa fourth picture.
Ang pula at ganda ng lunar eclipse noh. Maganda pa kayo sa buwan!
2040
#61 post
Tender Juicy Hotdog & Buko Shake
Kahapon hiningian ako ng 300 ni partner kasi may sukli pa sa binigay niya noong Sunday. Hindi kasi ako nakabili ng hotdog kaya pinabili ko siya kahapon. Ang sabi ko kapag walang Tender Juicy cheese dog sa binibilhan namin magtanong siya sa iba. Yun lang wala daw deliver kaya regular hotdog na lang binili. Pati sa ibang stall wala din.
Pag uwi niya natuwa ako kasi may pasalubong na buko shake. At nun ko lang napagtanto aba'y sobra pala yung binigay ko kasi 190 ang hotdog. Nautakan ako dun ah haha. Pero okay lang sa kanya din naman galing yun.
Anong binibili niyong brand ng hotdog?
Happy Lunch po!
1219
#60
Happy Birthday Nicole(my niece)
So eto na yung nag jabee kami nung Sunday. Ngayon ko share kasi Birthday ng pamangkin ko. Eto ang pa birthday niya sa amin. Baligtad sila ang nagbigay hehe.
Sabi ni mother nganga daw kami ngayon, eh whole day ang pasok ng mga students ko. Oks lang yun.
Ayan order ko sa mga kiddos, choco sundae, spaghetti na may criss cut fries. Hindi ko na check ang akala ko regular fries yun, pagdating sa counter ayan daw ang na press ko sa order booth. Kaya hinayaan ko na lang, nag add na lang ako 30 pesos. Minsan talaga yang nasa counter d man lang itanong kung palitan ko ba o yun na lang order, hayss kesa ma tress hayaan na lang.
Cheeseburger lang sa akin kasi may take out akong chicken. Para masipsip ko maigi yung buto dito sa bahay 😂
Happy Tuesday Noisefam!
1108/0826 Pht
#59 post
Manifest
Nalibang ako sa
panonood ng Manifest
sa Netflix hindi tuloy ako
nakapag noise. Ayan kasi
ang bumungad sa akin
pag open ko ng Netflix.
Siguro nasa Season 4 na
ang iba. Season 1 pa lang
ako. Maganda ang story
nito, 5 years silang nawala
na sakay ng eroplano.
Himalang nakabalik sila ng
buhay. Supernatural ang
genre nito.
Bukas ko na kayo balikan.
Maaga pa ang gising at
medyo masama din ang pakiramdam ko.
Good night po sa lahat!
( ◜‿◝ )♡
2247
#58
Mongo Bread
The students have started full face to face. I set the alarm at 4 am, I was still sleepy so I took a nap. It's just that I didn't set the alarm again. I woke up at 5:27 am, I quickly got up. Good thing I acted fast and got everything done before they went to school.
After they left, I had breakfast of coffee and mongo bread. There's not much mongo inside because it's only 40 pesos, with a little cheese on top. I'm just going to put some stuffing in it. The one I buy from Puregold is delicious but a bit pricey.
Happy new start of the week noisemates!
1107/0747 Pht
#57 post
nhez( ◜‿◝ )♡
Aling Edna
Ang sosyal naman ng tindera. Pero kita mo ang mga tinda. Nose bleed ang bibili sa kanya haha. Nakita ko lang yan sa Fb. Natawa ako sa mga comments. Mga pampa good vibes. Ang talino talaga ng mga Pinoy😁.
May pasok na naman bukas. Kaya dapat maagang matulog. Ang bilis ng bakasyon pero kapag nasa school ang bagal, yan ang sabi ng bunso ko haha.
Kuha ko ang sunset kaninang 5:53 pm. Gandang gabi po sa lahat!
1821
#56 post
ctto📸Fb