Champorado Dahil paborito namin itong mag iina. Eto nagluto ako ng tsamporado. Kahit mainit ang panahon hehe. Madaming nakakain ang mga bata kapag ito ang meryenda. Mabigat ito sa tyan kaya busolve. Masarap din ito kapag milk powder. Yun bang puro gatas d na makita yung tsampurado haha. Hindi kumakain nito si partner kaya isang gatang na malagkit lang ang iniluto ko. 31 pesos kalahating kilo sa palengke. Tara meryenda po tayo. Gandang hapon sa inyo! 1538 #84 #foodies
52 comments
Nice😃
Ako din sis mas gusto ko lagay sa champorado yung milk powder.Parang gusto ko tuloy magluto niyan may malagkit na bigas pa ko dito hehe.
Fave namin ito eh haha. Bukas bili ulit ako malagkit. Masarap din yung totong sis alam mo yun yung monggo?
Hindi sis hindi ko pa na try yun...may nakikita ako dito nagpapaorder yung kulay brown masarap daw pang champorado yun.Sa monggo sis yung ginataan alam ko hihi
Uu sis may gata yun tapos susunugin yung monggo hehe. Ayun kasi tawag ko don. Ginataang totong haha.
Nakabili na kasi ko nun luto na sa mga pinapaorder dito samin parang gusto ko tuloy itry ahaha.
Ganyan sya sis. Tagal ko na din hindi nakakapagluto nyan. Matrabaho kasi.
Wow!masarap nga yan sis nakatikim na ko niyan youtube ko na lang pag magluto ako hihi
Oo sis. Salamat YT talaga😂
Sarap paborito rin ng bunso ko.. enjoy your miryenda sis..
Thanks sis! Pag bata talaga gusto yan.
Mas lalo ako nagugutom dahil puro meryenda na nakikita ko rito 😋
Habang nagscroll nga ako dito, nagmemeryenda ako para di matakam haha.
Meron paba🤧masarap naman kasi sissy kaya fav ng mga kiddos talaga
Sa kasamaang palad inubos ko na sissy, kahit masakit ang ngipin ko haha.
Hahaha ayan ang tinatwag na di pinalad🤣
🤣🤣
Sana all mrunong mgluto ng champorado😂
Nahirapan nga ako magluto, nag search pa ako sa YT🤣🤣
Ako kc di mrunong ultimo lugaw hahaha
Pero totoo sis, madali lang lutuin. Pakuluan lang yung malagkit tapos lagay cocoa powder at asukal. Yun tapos na. Noong nag ka pamilya natuto ako magluto. Salamat YT😂
Cge try ko din manood sa you tube
Ayan para matuwa c hubby mo sis hehe.
Di naman mhilig un
Same din ng partner ko, iba ang gusto nila pulutan sa inuman like bibe haha.
Ang lapot mate, masarap.
Sinipsip yung sabaw ng malagkit.
Ang tagal kona di naluto yan sis..makabili nga ehehe
Nag crave ako sis kaya napabili ng malagkit hehe.
Sus pawis yan pag yan ang meryenda Sis
Yes po sis. Kaya naka electric fan ako hehe.
Ay gusto ko yan sis, kaso ayaw ng mga anak ko
Meron din talagang may ayaw nyan hehe.
mas msarap pala ang malagkit na rice sa champorado sis ano? ma tryko nga yan ngayong kinggo
Oo sis malapot kasi.
Masarap yan kapag may milk at egg hehe
Ha may egg, now ko lang yan nalaman ah hehe.
Oo try mo pakuloan lang ang egg hehe
Yummy tummy.
Ang sarap Ng naman niyan sis kapag maraming gatas at maraming tabliya o cocoa powder ang champorado. Gandang gabi sis!
Uu sis dinamihan ko cocoa powder, wala akong tableya ay hehe. Evening sis!
Nakakamiss ang champorado sis. 🤤
Uu sis kaya nagluto ako hehe.
Ay ganun din gsto konsa champo or quaker oats puno ng milk powder haha
Hindi na nakikita yung tsampo puro gatas na lang ahahaha.
Uu tapos unti unti png ihahalo ano?
Si misis ko at ang daughter ko gustung -gusto din iyan. Kumakain din ako niyan pero di gaano. Hehe! Good evening, ka-noise!
Iba talaga panlasa naming babae hehe. At pati ang anak eh kadamay namin haha.
Oo nga, ka-noise!
Naku sarap nito sis Mage enjoy den ako pag yan ang meryenda or breakfast ko Have a nice day sis😘
More comments