Penoy Sabi ko sa magbabalot may sabaw, wala naman sabaw yung penoy na binili ko kahapon. Masarap kasi yun. Anong mas gusto niyo may sabaw o wala? Masakit na din ang lalamunan ko. Nahawa na ako kay bunsuan ng ubo't sipon niya. Mamaya gagawa ako ng salabat at lemon juice. Para mainom namin. Lamig kasi noh! My FB reels: https://www.facebook.com/reel/2329418727206396?mibextid=9drbnH&s=yWDuG2&fs=e Kamusta kayo dito? 1221/0726 Pht #pinoyfood #gv
19 comments
Yung may sabaw rin bet ko sissy 😅
Yes sissy yung sisipsipin yung sabaw na may suka o asin.
Ako sis mas gusto ko diyan sa penoy walang sabaw sa balut yung gusto ko may sabaw.Morning sis nakahilata pa nga ko haha
Ako din sis nakahilata pa, katamad bumangon. Naghahanap ako ng ireels kaso hirap lagyan ng caption d nagana utak ko haha. Tapos napatambay sa FB. 🤣. Kasi may mamimigay ng gcash. Kaya lang wala akong sharer badge. D ko alam yun haha.
Wow!may santa claus pala kay fb.Alam ko lang yung badge na lagi ka nagcocomment sa friends mo meron ka nun ahaha.
Oo yung top fan at top commenter. Ignorante ako sa FB haha.
Haha lalo naman ako sis di kasi masyado natambay dun.
Uu nga sis, same tayo. Kakasura kasi ng mga post na nega minsan.
Malamig na nga ang panahon lalo na sa madaling Araw. Naka medyas na nga ako kung matulog at naghahanap na ng kumot sa madaling Araw . Okay Naman ako sa Ngayon. Sana lang wag mag ka ubo o sipon. Kaya ingat ingat talaga.
Mabuti po ay okay kayo. D ako makapag medyas kasi gusto ko kulambo sa paa hehe. Minsan kahit po maingat talagang tintamaan ng sore throat. Morning po!
Mas gusto ko yung may sabaw po 😋.
Ay same tayo hihi.
Ay gusto ko din yung may sabaw hehe. Wala ng nag iikot dito na nagtitinda ng balot.
Apir! Nilalamig na yata kaya di na nag iikot haha.
Hahah bawal lamigin.. Mabenta ang balot ngayon lalo na sa mga nagsisimbang gabi.
SA ating mga pinoy e penoy Yan, ano Kaya SA ibang bansa? 🤔
Egg haha.
May sabay ang gusto ko sis hehe. Kaya nga sis, si eldest ko rin kakagaling lang sa lagnat dahil sa ubo at sipon niya.
Apir sis, same tayo. Karamihan talga tatamaan ng ubo't sipon dahil sa lamig. Morning!