read.cash Log in
@sheena34

Laptop Tanong ng kapatid ko, ano kayang magandang regalo daw sa eldest ko. Siya din sumagot laptop na lang. Kaya nung bakasyon nila galing UAE, dala na niya ito. Akala ko nagbibiro lang. Tapos sabi naman niya bahala daw ako akin naman yan. Ginagamit ito ni eldest sa mga research niya sa mga subjects sa school. Laking tulong nito sa amin lalo sa akin nadagdagan ang kita dahil sa laptop. Ang bait din ng isang brother ko talaga eh, wala siyang laptop pero bumili siya para sa amin. Ang generous hehe. Bibili din naman daw siya ng kanya. Ipon lang ulit dahil laki ng ginastos noong nag bakasyon sila. Tapos account niya pa gamit namin sa Netflix. Masarap ang may kapatid na andiyan, handang tumulong sa abot ng makakaya niya. Hindi ako humihingi pero nagbibigay ng kusa. Ganun talaga ang pamilya nagdadamayan at nagtutulungan. Mahalin natin ang ating pamilya dahil sila lang ang karamay natin sa hirap at ginhawa. Happy at proud lang kaya nai share ko. Happy Tuesday noise app family 😉 1025/0742 Pht #38 post ❤️nhez

86 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.