Paano nga ba?

0 19
Avatar for sharabelle
4 years ago

Ngayong araw na ito,aaays wala na ako maisip na bago article na isusulat. Marahil, dahil lubos nga ako naapektuhan sa aking una at huling aking nilikha na nkapost sa isang article Website.

Sa limang article na aking sinulat mas madami ang tumatangkilik ng huli Kong obra. Natuwa ako ng very light. Malaki tulong sa akin ang magsulat,nalaman kong may talent din pala ako dito sa ganitong sining at pwede din pagkakitaan.

Noong gabing natapos ko ang huli Kong article na halos 2,300 words din ang inabot,bumalik sa akin ang mapait na nakaraan sa aking teenager life. Isang pag-ibig na akala ko'y totoo,nguni't isa palang huwad. Bumalik na naman ako sa gabing pag iyak bagong matulog. Pilit kong sinasara ang AKING mga mata ngunit siya ang aking nakikita. Tatagilid pakanan o pakaliwa habang pumapatak ang aking mga luha na para bang walang katapusan. Katabi ang isang unan ay yayakapin ko ito para Icomfort ang AKING sarili na tangi ako lamang ang makakagawa.


Tanong Nina Sarah G at Papa P. "PAANO BA ANG MAGMAHAL, PALAGI BANG MASASAKTAN?"Marahil isa ako sa libo o milyong tao sa mundong ito ang nagtatanong niyan. "PAANO NGA BA?"

Sa labas ng bahay kung saan tahimik at sariwa ang hangin ay Doon ako uupo at magsulat ng aking mga obra, dadamahin ang hanging humahalik sa aking pisngi. Magiisip sandali kung ano ang bagong Article ang isusulat ko? Ngunit sa pagsusulat talaga hndi isip ang aking ginagamit kundi ang AKING PUSO. "Kung ano laman ng PUSO ko yon ang laman ng nababasa mo".

Gaya ng sinabi sa akin ng matagal na sa industriya ng pagsusulat online. " KUNG ANO LAMAN NG PUSO MO,SIYA ANG ISULAT MO, UPANG MADAMA NG MGA NAGBABASA KUNG ANO NARARAMDAMAN MO. Ngunit Mali ata ako ng sinunod. Masakit pala mas OK pala isip nalang ang pairalin sa paglikha ng isang obra.

2
$ 0.00

Comments