My Travel Experience

0 10
Avatar for sharabelle
3 years ago

Hello guys im newbie here.. Yung mga Experience ko lang naman is limitado lang hahahaha kc hindi masyado travellers pamilya namin. Napuntahan ko lang sa buong buhay ko is una, Kamay Ni Hesus Church sa Quezon (search nio nalang sa google) maganda po duon magsimba. Pag gusto mo umakyat sa groto,ihanda mo sarili mo sa dami ng hagdang aakyatin mo hahahahaha. Dala ka tubig bes kasi nasa gitna ka palang hingal na hingal kana, kaya malamang niyan uhaw na uhaw kapa,sure ako dun dahil naexperience ko na ng 3 beses. Binilang ko steps nun kaya lang nakakalito hahaha cguro mga 900 steps din yon. Seryoso ako heheheh kaya pag nasa taas kana ttambay ka muna 2 hours pihado dahil pagod na pagod ka.. So syempre after magsimba dadaan kami sa Kamayan sa Palaisdaan para chumibog/lumafang.Masarap Seafoods don mga bes dahil bagong huli po kaya fresh na fresh yun.Nakapunta din ako sa Tagaytay the best tambayan is malapit sa bulkang taal kitang kita mo ung butas ng bulkan,Sarap ng hangin kung payat ka tulad ko dati para akong liliparin hahahah kaya po paalala magipit o magpony sa buhok girls.. Bumibili kami ng mga halaman dun sa tagaytay mura kc eh kaya yung mommy ko halos mamakyaw hahahaha...

Sa Swimming naman,aba isa yata sa popular destination ang Batangas. Dami beaches dito malinis din,, Sa Nasugbu at Lobo at Sariaya Quezon madalas yun ang destination namin.. Isa sa tumatak sa akin ung Monte Vista Beach and Resort sa Sariaya Quezon. Namangka at nagswim kami duon with life vest. Kahit nasa bangka ka, kitang kita mo talaga mga corals dun.Grabe ang linaw at linis ng tubig nila. Sarap ulit ulitin pumunta dun.. At kung init na init ka kapag summer at gusto mo matanggal ang Summer feels mo, bagay na bagay sayo ang pumunta sa Liliw Laguna Mabato falls yun. Paa mo palang nasa tubig katalin kana sa lamig,paano kana kung loblob kana tiyak putla ka pagahon hahahaha legit yon!! Sigurado tatamarin ka umahon kasi pag ahon mo lalo ka lalamigin at kakatalin...

Nakapunta din ako sa Star City at Enchanted Kingdom lahat ng rides pati horror house ng star cit pinasok ko po. (tapang tapangan ang peg pero halos muntik na ako mapaihi nung lumabas ng horror house). Nakarating din ako sa Factory ng Lucky Me at Yakult with freebies at Syempre Ocean Park. Field Trip namin yun. Nakarating din ako sa bahay Ni Jose Rizal anliit ng kama ni Rizal mga 4ft lang pala si Rizal nung buhay pa.. Super linis ng bahay. Ung lamesa nila nakakatuwa may malaking pamaypay sa taas para di langawin ung pagkain nila..

Yung lang po maiishare ko hehehehehe yun lang kc napunthan ko eh

2
$ 0.00
Avatar for sharabelle
3 years ago

Comments