Kabanata ng Buhay ni Jose Part III

0 11
Avatar for sharabelle
3 years ago

Marami ginawa si Jose nang Dumating na silang apat sa Canada.Naghanap agad siya ng trabaho para sustentuhan nia ang kanyang magiina. Bukod dito ay inasikaso niya ang pagpasok sa school ng kanyang bunsong anak. At Habang nagtatrabaho itong si Jose ay naghanap naman ng trabaho ang kanyang asawa at ang isa pa nitong anak. Maganda din ang swerte ng kanyang asawa at isa pa nyang anak dahil nakahanap agad ang mga ito ng trabaho. Magkakasama silang apat sa isang tirahan sa Canada,subali't iba iba ang klase ng kanilang mga nagig trabaho.

Patuloy na nagtrabaho si Jose sa canada kahit malayo malayo ang destino nito sa trabaho dalawa linggo ang trabaho niya at isang linggo naman siyang walang pasok at uuwe sa kanyang pamilya para magpahinga tapos ay babalik din agad sa kanyang dalawang linggong trabaho. Naging maganda sa kanila ang buhay don dahil tulong tulong din sila sa mga gastos ng mga ito sa bahay at araw araw na pangangailangan.

Umikot ang mga panahon at patuloy silang magkakasama nguni't ang anak na panganay nina Jose at Emily ay nasa pinas lang dahil nag asawa na ito at may mga anak na din at hindi siya pinayagan ng konsol ng Canada dahil dito. Subali't nag apply naman ito upang magging isang nurse sa bansang Hongkong at sinuwerteng nakaalis dito sa pilipinas kaya naman lahat ng mga anak ni Jose ay nasa abroad.

Makalipas muli ang ilan taon,Nagbakasyon si Jose sa pinas kasama ang buong pamilya at masaya silang apat na dumating ng bansa. Taon 2013 yaon nanng sila ay magbakasyon at bumalik din agad sa Canada matapos ang isang buwang Bakasyon. Pagdating nina Jose sa Canada ay agad siyang naghanap muli ng trabaho sa bagong company at natanggap muli siya dahil madami nang kumpanya ang nakakakilala sa kanya.

Banda huli ng taong 2013 hindi na naging maganda ang sitwasyon ni Jose at Emily dahil lahat sila ay busy na sa mga trabaho. Nawawalan na ng panahon si Jose sa asawa at ganun din si Emily sa Kanya sa sobrang pagod na din sa kanilang mga trabaho. Kaya naman pareho na silang nanlamig sa isat isa. Nararamdaman na ni Jose na hindi na siya masaya sa nangyayari at sitwasyon nila ni Emily kaya naisip ni Jose na umuwe muna ng pinas para maka relax ang kanyang isipan.

Nagkaroon ng pagtatalo si Jose at ang asawa nitong si Emily,Iba iba sistema ang nangyare kaya lalo silang nawalan ng gana sa isat isa. At dahil nga sa pareho silang nanging abala sa nagdaang 2013,tumagal si Jose sa pagbabaksyon sa pinas at kalaunan ay umuwe din sa pinas ang kanyang asawang si Emily dahil madami din itong negosyo at transaction sa bansa. Tinutukan ni Emily ang negosyo at lalong naging mas lalo pa itong naging abala kaya lalong nanlamig at nawalan ng gana si Jose ng Tuluyan dito.

Sa hindi inaasahan na Pagkakataon sa laging pamamasyal ni Jose ay may nakilala siya na isang magandang babae nasa edad 18 anyos ito at si Jose naman ay nasa edad 53 na. Ang babaeng ito ay nakatigil sa isang coffee shop na may dalang mga gamit at mukhang layas ito sa kanilang tirahan. Sobrang nakakaakit ang kanyang ganda. Balingkinitan ang katawan nito, makinis at maputi,mahaba ang buhok nito na may maamong mukha. Kaya natulala at hindi maialis ang tingin ni Jose sa magandang binibini. Tumibok muli ang kanyang puso may parang kumikiliti sa kanyang dito. Nilapitan niya ang babae at tinanong ito. "Miss may hinihintay kaba at bakit andami mong gamit?" "Opo meron ung kaibigan ko po susunduin ako" sambit ng babae kay Jose." Ganun ba,ilan oras kana kasi jan eh kumain kanaba ng hapunan?" Ahh hindi pa po sagot nito kaya niyaya ito ni Jose para kumaen. Habang kumakaen ang babae patuloy lang na nakatitig sa babae at napapangiti ito dahil mukhang gutom na gutom nga ito.

Ininterview ni Jose ang magandang dilag sa personal na mga tanong hanggang matapos na kumaen. "Salamat po kuya sa pagkaen nabusog po ako. Tanghalian lang po kasi kinaen ko bago ako umalis sa bahay eh. Walang anuman iyon sambit niya sa dalaga. Mayamaya ay lumabas na sila sa coffee shop at naghintay muli sa iniintay na susundo daw sa dalaga ngunit 11pm na ay hindi pa din ito dumarating. Maya maya ay niyaya ni Jose ang dalaga na sumama sa kanya upang humanap ng matutuluyan at makapag pahinga ang dalaga at marahil hindi na darating ang hinihintay nitong susundo at pumayag naman ang dalaga a alok dahil wala din siya mapupuntahan.

Bernadette ang pangalan ng magandang dilag at mas lalong kinilig si JOse sa pangalan ng dalaga. Dinala sa isang Beach House ni Jose ang dalagang si Bernadette at iniwan sandali makaraan ang isang oras ay muling bumalik at may dalang mga pagkain para sa dalaga. "Salamat po Kuya ang bait niyo po sa akin" wika sa kanya ng Dalaga. Sinamahan ni Jose sa Beach House ang dalaga tinititigan niya ang himbing na himbing na talaga aat kakaibang ngiti ang nasa kanyang mga labi. Ngayon lang nya muli naramdaman ang kilig na dulot sa kanya ni Bernadette.

Dumating ang umaga ay bumili si Jose ng almusal nila at masaya si Bernadette dahil may nag aasikaso sa kanya. Habang kumakaen sila ay nakatingin dito si Jose na alam niyang anumang oras sa araw na iyon ay aalis na ito at hindi na niya ito makikita pang muli. At bigla siya nagsalita at nagtapat ng pagtingin sa dalaga na siya namang ikinabigla ni Bernadette." Ano po Kuya? Baka naman po nabibigla lamang po kayo o baka nasobrahan po kayo sa kape niyo?" Hindi. Totoo ang ang aking Sinabi hindi ako nagbibiro iniibig kita kahit kagabi lamang kita nakita ay hindi ko mapigilan ang aking damdamin, ani Jose kay Bernadette. At pinigilan ni Jose ang paglisan ng dalaga umiyak ito sa harap ng dalaga at naawa naman ito at hindi na siya makaalis. Lagi sinusuyo ni Jose ang dalaga hanggang mapaibig ito.

Mula nuon ay umaga na lagi umuwe si Jose sa kanyang asawang si Emily dahil may babae na itong ibang minamahal at ito ay si Bernadette. Lalo lumamig sistema ni Emily at Jose dahil hindi na nakakauwe sa gabi si JOse sa kanyang asawa. Halos isang linggo ang dumaan ay nalaman ni Emily ang mga bagay tungkol kina Bernadette at Jose Kaya nagalit si Emily at mas lalong tumindi ang tensyon sa pagitan nila. Matapos niyon ay nagpasya sina Emily at Jose na maghiwalay na, nagkasundo sila dahil lagi din sila nagaaway at wala na panahon at pagmamahal para sa isat isa.

Makaraan ang isang linggong hiwalayan nina Jose at Emily ay isinama na ni Jose si Bernadette sa kanyang sariling bahay at ito na ang ipinalit sa asawa nitong si Emily. Si Emily naman ay meron na sariling bahay na pinagawa kaya madali lang kay Jose na ibahay ang kanyang bagong iniibig. Buhay noong makasama ni Jose sa kanyang bahay si Bernadette ay lagi siyang masaya dahil bukod sa napakaganda nito ay maasikaso din ang dalaga. Tumigil na din Jose sa pinas sa piling ni bernadette at hndi na muling bumalik pa ng Canada.

Lumipas ng ilang taon na magkasama sina Jose at Bernadette sa kabila ng kanilang mga edad ay tila nagkakaintindihan silang dalawa nguni't sa kabila ng lahat ay maganda ang kanilang pagsasama at pagmamahalan. Hanggang dumating ang araw na nabuntis ni Jose si Bernadette, sa paglipas ng 9 buwan ay nanganak si Bernadette at pinangalanang Jonnabelle. Magkatulong sina Jose sa pagpapalaki at pag aasikaso sa kanilang kaisa isang anak. Wala na din kontak si Jose sa dati nitong asawang si Emily kaya malabo nadin ang kanilang pagbabalikan. Lumipas ng ilan taon ay lumaki na ang anak nina Jose at Emily.

Si Jose ay kung anu ano ang pinagkikitaan para sa kanyang bagong pamilya. At si bernadette naman ay ganun din naging online seller at ngaun ay Virtual Assistant Homebased Job ang work sa isang Company sa US nakakaraos naman ang kanilang pamilya sa sipag nilang mag asawa. Kaya naman hindi nagsisisi si Jose sa nangyari sa kanya dahil sa pagmamahalan nila at maaayos na pagsasama ni Bernadette. Sa ngayon ay nasa 6 taon na ang kanilang pagsasama at limang taon na din ang kanilang anak. Kasama ang isat isa, they are live happily ever after.........

WAKAS**

1
$ 0.00
Avatar for sharabelle
3 years ago

Comments