Ang kwento ni Jose Part 1

0 15
Avatar for sharabelle
4 years ago

Ang kwentong ito ay nagsimula sa isang tao na nagngangalang Jose.Taong 1958 siya ay sinilang na may taglay na kulay puti ngunit habang lumalalaki siya ay nagbabago ang kanyang kulay at naging kayumagi ito. Noong 1964, Nagsimula si Jose pumasok bilang grade 1 na maayos naman ang kanyang kalusugan, subali't nang siya ay grade 3 ay umpisa na din iyon ng kanyang pagsusuot ng pantalon papasok sa skwela. Sa kasawiang palad, nang cia ay lumabas na galing sa kanilang skwelahan at siya ay nasa may kalye na upang maglakad ppunta sa kanilang tirahan nang siya tatawid na sa kabila kalsada ay biglang may paparating na bisekletang mabilis ang takbo kaya naman ang kawawang si jose ay nabangga at natumba sa kalsada.Ang pagkakataong ito ay hindi naging maganda sa kanya dahil nawalan siya nang malay matapos mabagok ang kanyang ulo sa sahig.

Agad agad naman ay may sumaklolo sa kanya upang maitakbo sa malapit na ospital para duon siya ay agad na magamot ang kanyang mga galos at sugat sa ulo sa pagkakabagok niya. Matapos ang halos tatlong oras ay nagising na si Jose at tila nagtaka kung asan siya. Agad naman ipinaliwanag nang kanyang mga magulang ang nangyare kay jose at duon ay naalala na niya ang nangyare sa kanya. Makalipas ang 2 linggo ay gumaling na din si Jose matapos na patuloy pamamahinga sa kanilang tahanan. Matapos niyon ay nakabalik na si Jose sa pagpasok sa skwela at nagig maingat na sa kanyang mga pagtawid ng kalsada. Nakatapos din siya sa Elementarya sa wakas. Hay salamat hayskul na ako...

Sa hirap din naman talaga ng buhay nila nung unang panahon ay nagawan din ng paraan ng kanyang mga magulang na mapatungtong siya sa sekondarya. Sa public school siya pumasok dahil sa kakulangan ng pera para sa kanyang pagaaral. Pinilit din ni Jose na na makapag aral siya dahil ito lamang ang tangi puhunan niya marahil upang maabot ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Habang nag aaral nuon si Jose ng High School, Lahat ng school program o activities ay kasali siya. Naging manlalaro siya nang mga larong softball,volleyball, at ang kinahuhumalingan panuorin lalo na ng mga kababaihan ang Basketball. Makalipas ang 4 taon ay nakatapos na din si Jose sa High School, at hindi na siya kaya papasukin ng kanyang mga magulang para mag-aral sa kolehiyo.

Nagsimula c Jose maghanap ng pagkakakitaan at nag-apply sa sandatahang lakas ng Pilipinas. Marines ang kanyang naapplayan. Marine ang kanyang naaplayan. Pero sa pagkakataong hindi niya inaasahan ay pansamantala huminto ang marines na kanyang inapplyan sa pagkuha ng mga applikante. Agad Agad cia naghanap nang iba pa pwede pagkakitaan at tumigil sa maynila. At duon nasumpungan niya ang kanyang pinsan na nagtitinda ng mga damit at siya naman ay tinanggap nito.

Makalipas ang isang taon na pagtitinda ni jose ng mga damit ay huminto na din siya at nag apply naman siya sa isang pagawaan ng mga Chocolate at candy. Ito ay pag aari din ng pinsan niya at umabot siya nang halos isang taon dito pagkat nagsara din ang factory na naging dahilang upang mawalan muli siya ng trabaho. Kaya naman bumalik siya ng probinsiya upang tumulong sa ama na bumibili ng mga prutas na pwede ibenta at kumita. Lumipas ang panahon na ang mga customer nila sa prutas ay mga namatay na kaya naman unti unting humina din ang kanilang negosyong prutas. Matapos niyon ay nagpasya na lamang muli si Jose na humanap muli ng trabaho at laking swerte niya dahil may kumpanyang Man Power na nais maghire ng mga tauhan kung makakapasa sa isang Exam kaya naman lumahok dito si Jose at isa siya sa dalawang Libo at maswerteng nakapasa siya. Sila ay trainer na ng man power sa kursong Pipe Fittting. 4 buwan nagtiis si Jose sa training mswerte din siya dahil meron pa silang allowance sa apat na buwang training hanggang makatapos siya at nakapasa din sa isa pang mahirap na pagsusulit. Matapos niyon ay nagpahinga naman si Jose na isang linggo.

Ang hindi niya inaaasahan ay may biglang dumating sa kanilang bahay at hinahanap siya. Sabay sabi sa mga magulang ni Jose, "Siya po ay kasama sa mga aalis papuntang ibang bansa. Sa bansang SAUDI ARABIA. Ito ang kanyang unang destinasyon noong taong 1980. Natapos naman ni Jose ang isang taon at nagbakasyon lang ng isang buwan sa pinas muling bumalik sa trabahong kanyang iniwan sa Saudi. At nang makatapos na si Jose sa kanya 2 taon na kontrata ay sinubukan naman niya mag apply sa ibang kumpanya. Swerte uli niya dahil muli siya natanggap sa kanya inapplyan,taong 1983. Patuloy siya nakapagtrabaho sa Saudi Arabia ngunit sa ibang Kumpanya na ito. Mahigit isang taon muli ang kanyang ginugol sa kanyang bagong trabaho.

Nang matapos na niya ang kanyang kontrata ay muli siyang bumalik sa pinas at halos 2 buwan namahinga. Matapos niyon ay nagapply muli siya ng trabaho at napadpad sa bansang Kuwait na halos umabot ng 2 taon. At dahil madami na siya karanasan sa trabaho naging madali na para sa kanya na matanggap. Pero nang !989 ay nagtrabaho siya hindi bilang nurse kundi bilang maintenance worker sa Kuwait at tumagal naman siya ng isang taon at biglang nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng Kuwait at Iraq at kelangan pauwiin ang mga pilipino, dahil sa kaguluhan at away ng 2 bansa ay naging mas magulo ang sitwasyon ni Jose. Mabuti at nakauwe siya sa pilipinas nakialam na nuon ang mga Amerikano upang matigil ang away ng dalawang bansa at duon ay nagsimula ang kapayapaan.

Lumipas ang ilan taon na nakatigil si Jose sa pinas ay nag apply naman siya sa Qatar at mapalad muli siyang natanggap sa trabaho kaya naman lumipad siyang muli. At dito ay naging Foreman na siya ng isang Pipe Fitting Group. Pinagkatiwalaan si Jose ng kanilang Supervisor umabot siya nang 2 taon dito at muling bumalik si Jose sa pinas t nagdesisyong huminto muna sa pagttrabaho sa ibang bansa. Ninais niyang sa pinas na lang siya magtrabaho. Hanggang dumating araw nang kampanyahan ay sumali siya Election.

ABNGAN ANG MGA SUSUNOD NA KABANATA..........

1
$ 0.00
Avatar for sharabelle
4 years ago

Comments