Ang Kwento ni Jose Kabanata 2

0 17
Avatar for sharabelle
4 years ago

Kalaunan si Jose ay naging Leader ng isang kandidatong Mayor sa kanilang lalawigan sa Baguio noong taong 1999. At maswerte si Jose dahil sa tiyaga nila sa pangangampanya ay nanalo naman ang kanilang kandidatong Mayor. Kaya naman nakilala ng husto si Jose ng madaming tao bilang isang magaling na leader. At kahit nung araw na mismo nang election ay lumilibot pa din si Jose sa buong bayan nila kaya naman hindi na nakapagtataka na manalo sila. Si jose ay naging maswerte matapos ang election dahil sinabi sa kanya ng nanalong Mayor na siya ay magttrabaho na lamang sa kanya. Tuwang tuwa naman na pumayag itong si Jose sa alok ng butihing Mayor dahil wala na talagang balak pa mag abroad si Jose.

Sa mga panahong dumaan, sa pagttrabaho ni Jose bilang isa sa mga Bodyguard ng Mayor ay naging maayos ang lahat at wala naman naging problema dahil lubos din ang taglay na kabaitan ng Mayor ng kanilang bayan. Sa lahat ng mga lakad ng mayor lagi itong kasama. At dumating na sa puntong natapos na ang tatlong taon na termino ng Mayor kaya naman humaharap na uli sila sa labanan sa election noong 2002. Kaya naman itong si Jose ay naging mas lalong naging abala sapagkat hindi na lang siya isang leader ngayon sa pangangampanya, naging bodyguard pa. Sa paglibot uli ni Jose at pag kampanya sa mayor sa iba iba barangay ay nanalo muli ang butihing Mayor sa pangalawang pagkakataon.

Laking tuwa at pasasalamat ng butihing mayor kay Jose kaya naman binigyan nya ito ng bonus. Lumipas muli ang ilang taon si Jose ay Bodyguard pa din ni mayor, may dumating na magandang pagkakataon kay jose dahil may nagsabi sa kanya na dati nya kasama sa trabaho na meron applyan papunta naman sa bansang Canada. Taong 2006 noon, nang magdesisyon si Jose na kumuha siya ng exam sa pagaapply papunta sa Canada. Maganda ang mga offer kay Jose kaya naman kahit ayaw na niya umalis at magtrabaho sa abroad ay napilitan siya. Duon pa sa maynila kumuha ng exam si Jose. Kumuha ng dalawang pagsusulit si Jose,sa awa naman ng Panginoon at angkin niyang talino at galing ay naipasa naman niya ang parehong pagsusulit, kaya naman isa siya sa apat na nakapasa.

Dumaan ang ilang araw ay kumuha na din siya ng medical examination na kung saan ay pasado na muli siya. at taong 2006 padin iyon ay umalis na si palipad na sa bansang Canada upang magtrabaho. Pagdating niya duon sa bansang iyon ay agad agad na naghanap siya ng kumpanyang mapapasukan at natanggap naman siya bilang Pipe Fitter. Maganda ang naging sweldo ni Jose dahil ang Canada ay isa sa mayamang bansa. Taong 2007, deretso ang trabaho ni Jose at muli siya ay napili ng kanilang supervisor upang maging foreman at dahil doon kaya naman tumaas lalo ang sweldo ni Jose. Hinawakan at namuno si Jose sa mga kapwa niya pilipino at malaking responsibilidad din ang inilagay sa kanyang balikat bagay sa kanyang bagong posisyon.

Matapos ang panahong iyon, Si Jose ay masaya sa kanyang posisyon sa trabaho dahil maganda ang performance niya.Lumipas ang panahon, natapos na ni Jose ang project at nagbakasyon siya sa pinas ng isang buwan lamang at agad na bumalik din sa canada upang maghanap muli ng bagong trabaho. Sa kabutihang palad ay natanggap uli siya ng bagong kumpanyang inapplyan niya dahil sa magandang record niya sa mga naunang kumpanyang kanyang pinasukan.

Patuloy na nagtrabaho si Jose dahil meron na siyang asawa at tatlong mga anak na naiwan sa pilipinas, gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga ito kaya naman nagttrabaho siyang malayo sa kanila. Ang 3 niyang mga anak ay napasok sa skwelahan at ang asawa naman nitong Emily ay nagttrabaho din at magkatulong sila sa pag papaaral sa kanilang 3 mga anak na sina; Jessy, Jenna at Joan. Matapos ang project ni Jose ay naisipan na muli siyang umuwi sa pinas upang makapiling ang kanyang mag-iina. Umabot ito ng dalawang buwan na bakasyon noong taong 2008. Noong 2009 ay umalis na namang muli upang magtrabaho para sa kanilang mga anak ni Emily.

At dating gawi naghanap si Jose ng bagong mapapasukan at muli na naman siyang natanggap bilang Foreman muli kahit iba kumpanya na ang kanyang napasukan. Pinagpatuloy nya lang ang trabaho hanggang umabot siya ng 2010, dahil nais niyang maging isang permanent residence para sa ganun ay madala niya sa ang kanyang asawa at 3 mga anak nila sa bansang Canada. Naghintay si Jose sa resulta sa kanyang apply bilang permanent residence at umabot ito ng taong 2011. At magandang balita ang dumating sa kanya at naaprubahan ang kanyang permanent Residency sa Canada. Agad naman umuwi si JOse sa pinas upang kunin ang kanyang magiina. Ang mabigat kay Jose ay malaki ang kelangan niyang pera upang maisama niya ang magiina pabalik sa Canada. Nguni't isa sa mga anak ni jose ang hindi nakasama,ang kanyang panganay na anak dahil may asawa na ito.

Dumating na ang pinakahihintay nila. Ang pag alis ng buong pamilya ni Jose at Emily kasama ang 2 nilang mga anak na sina Jenna at Joan. Umunang lumipad si jose sa Canada dahil kailangan niyang mauna sa kanilang magiging tirahan,kasama ang asawang c Emily at 2 na anak. Makalipas ang halos dalawang buwan ay sumunod na din sa kanya ang kanyang asawang si Emily at Dalawang anak upang duon na magtrabaho at maipagpatuloy ng dalawa nilang anak ang pag aaral sa Canada.

1
$ 0.00
Avatar for sharabelle
4 years ago

Comments