Ang kwento ni Ella

0 28
Avatar for sharabelle
3 years ago

May isang babae na ang pangalan ay" Ella". Siya ay pinanganak sa Lungsod ng Quezon City sa Maynila noong taong 1995. Meron din siyang mga kapatid na lalaki na sina Arron at Rey. 2 yrs after, sa hirap nang pamumuhay nila sa maynila ay nagpasya ang kanilang mga magulang na sina Lito at Belinda na lumipat na lamang sa probinsya nina Lito sa Bataan para duon na manirahan kasama ang kanilang tatlong anak. Nang nasa Bataan na ang mag anak ay nagpasya naman si Lito na mamasukan ng trabaho bilang isang matador sa isang mag asawang negosyante at may karnehan sa isang palengke sa Bataan. Minsan ay naisasama ni lito ang mga anak na sina Ella at Arron sa Trabaho nito. Iniiwan niya ang magkapatid sa kanyang mga among sina Mr. Rodney at Mrs. Liza Ilagan at susunduin na lamang kapag uuwe na sa kanilang bahay. Tuwang tuwa naman ang mag asawang ito kay Ella dahil bukod sa magandang bata,bibo ay wala din silang tunay na anak. Isang araw ay napagpasiyahan nina Rodney at Liza na alukin si LIto na kukunin na nila c Ella upang palakihin at pag aralin si Ella.

Kasabay nang pag payag ni Lito sa alok ng mag asawa ay lumakas din ang kita sa negosyo nina Rodney at Liza kaya lalong natuwa ang mag asawa. Lumipas ang isang taon, ay pumanaw ang ina nina Ella, Arron at Rey na asawa ni Lito na ama ni Ellla dahil sa sakit nito sa Bato. Matapos niyon ay lubos na nangulila si Lito sa asawang si belinda at kay Ella. Hindi na rin niya kinuha ang anak kina Mr. &Mrs. Ilagan dahil sa pangako nitong pag aaralin ang kanyang anak at naisip niyang mabibigyan ng mga ito ang kanyang anak ng marangyang buhay na hindi nya maibibigay sa anak niyang si Ella. lumipas ang mga araw at buwan ay tumira na talaga si Ella kina Rodney at Liza. Halos gabi gabi ay umiiyak siya dahil bukod sa miss na niya ang kanyang mga kapatid ay namatay pa ang kanilang ina. Patuloy pang lumago ang negosyong karnehan nina Rodney at Liza at nagpatayo ng tatlo hanggang anim na meatshop sa ibat ibang lugar sa bataan,bumili ng mga truck at magagarang sasakyan.

Dumami na rin maging ang kanilang mga naging tauhan sa negosyo, kasabay niyon ang unti unting pagbabago ng ugali ng mag asawa. Naging mainitin ulo ni Liza na nagiging violente ito at pinagmmalupitan si Ella kaya napagpasiyahan din ng mag asawa na tanggalin na sa trabaho ang ama ni Ella na si Lito bilang isa sa kanilang matador sa kanilang negosyong karnehan upang hindi malaman nito ang ginagawang pananakit nila kay Ella. Si Rodney naman ay naging busy sa lumalagong negosyo subalit naging lasinggero at naging babaero na labis kinagagalit ni Liza at humantong pa sa nagkaanak si Rodney sa labas. Nang nasa 13 anyos na si Ella at marami na din nakatira sa malaking bahay nina Rodney Liza ay lalong naging kalbaryo ito para kay Ella. Bukod sa pinagmamalupitan siya ni Liza ay andun din ang mga pamangkin nitong tuwang tuwa pa sa pagdurusa ng dalagita. Imbes na iahon ay lalo pang binabaon.

Hanggang sa tumira din sa bahay nila ang kapatid ni Rodney na Ricky,26 taong gulang na ito. Matangkad, moreno kahawig ni Richard Gutierrez at lihim siyang nagkagusto sa dalagitang si Ella na nuon ay 13 taon gulang pa lamang. Kaya sa paglipas ng ilang buwan ay natukso siyang gawan ng kahalayan ang dalagita. Subalit lagi siyang bigo na gawin ang kanyang masamang hangarin sa dalagita Dahil sa palaban ito. Ayaw din ni Ella ng gulo kaya nanahimik na lamng siya at hindi nya na lang sinabi kina Rodney at Liza ang mga nangyayari. Hanggang lumipas ang mahigit dalawang taon ay umalis na din si Ricky sa bahay ng kanyang kapatid na siya namang ikinapanatag ng loob ni Ella dahil sa wakas matatahimik na din at makakatulog na sa gabi ng mahimbing.

Nang nasa 16 yrs old na siya at nakatapos na si Ella ng hayskul sa isang pribadong paaralan laking pasasalamat ng dalaga at tapos na din siya sa Sekondarya bilang Valedictorian sa kanilang klase. Dito ay nakilala nya si Ariel at siya ay niligawan nito ngunit halos tatlong buwan lang ang tinagal nila ni Ella dahil ayaw nina Liza at Rodney sa lalaki dahil sa napapabalitang meron na itong ibang kasintahan na nagttrabaho sa Japan kaya naman hndi sila nagtagal. Sa isang Private University ay pumasok si Ella sa kursong Business Administration dahil iyon ang gusto ni Liza upang makatulong nila si Ella sa negosyo kaya naman iyon ang sinunod ng dalaga. At nakatapos siya sa kursong iyon at pinagtuunan ni Ella ang negosyo nina Rodney at Liza. At duon ay nakilala nya si Romel na nagtatrabaho bilang secretary din sa isang meatshop na malapit lang kay Ella. Naging magkaibigan ang dalawa at nagligawan at humantong sa pagiging magkasintahan.

Ngunit tutol naman dito sina Rodney at Liza pagmamahalan nina Romel at Ella bukod sa tumutulong lang ito sa palengke ay hindi nito kaya ibigay ang financial na kinamulatan ni Ella. Isang napagdesisyunan ni Romel na magpalit na lamang ng trabaho sa maynila kung saan sa isang factory siya magttrabaho. nagpaalam ito kay Ella at nangankong madalas siyang tatawag o magtetext sa naiwang dalaga. Sumangayon naman ito kaya nakaalis si Romel patungong manila.Gaya ng pangako nito kay Ella ay madalas nga ito tumawag, at magtext sa dalaga. lumipas ang 2 buwan ay nabago ito dahil tila baga dumalang ang pag kontak sa dalaga at pag magtext naman si Ella ay hindi sumasagot o kaya naman ay busy daw o walang load na dati ay hindi naman ganoon. kinutuban c Ella kaya nagdesisyon siyang bisitahin ang nobyo sa maynila at tumigil ng isang linggo at nalaman iyon nina Rodney at Liza kung kayat pinaalam nila ito sa amang si Lito at agad na pinauwe ang dalaga dahil kung hindi ay ikukulong ang binata kasama ang mga kasamahan nito sa boarding house na tinutuluyan.

Kinausap ni Romel ang kasintahang si Ella upang ipaalam ang nangyayare at sinabihang umuwe na kinabukasan dahil nag aalala na ang kanyang mga magulang.kinabukasan ay humanda na sa pag alis si Ella kasama ang ate ni Romel na siyang nangako sa mga magulang na dalaga na ihahatid ito pauwe ng probinsya. Pagdating ng bataan ay duon cla nagtungo sa brgy outpost na malapit kina Ella at kinausap sila ng kapitan ng barangay at saka umalis. Mayamya ay dumating na din ang ama niyang c Lito at saglit na kinausap ang anak ng mahinahon. Matapos niyon ay hinatid niya ang kanyang anak sa kanilang bahay kung saan naroon 2 pang anak na kapatid ni Ella na sina Arron at Rey na noon ay labing anim at ang isa naman ay labing apat na taong gulang na. Naiintindihan naman c Ella ng mga ito.

Makaraan ang halos tatlong linggo ay umuwe na c Ella sa bahay nina Rodney at Liza at duon ay abot abot na sermon ang inabot ng dalaga sa mga ito. At dito ay nalaman ng dalaga na si Romel ay meron na palang ibang kasintahan sa pinagttrabahuhan nito base sa salaysay ng ate ni Romel na naghatid kay Ella. Labis labis ang paghihinagpis ng dalaga at sinubukang alamin sa kanyang nobyo ang nalaman subalit hindi na nya ito makontak. Makalipas ang tatlong araw ay napagpasiyahan ni Liza na ipasuri si Ella sa isang obgyne upang malaman kung may nangyare kina Ella at Romel sa kabutihang palad ay negatibo ito sa resulta. Simula nuon ay puro nalang negosyo ang inatupag ni Ella .........

ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA SA KWENTONG ITO......

2
$ 0.00
Avatar for sharabelle
3 years ago

Comments